Bugsfely

Tuesday, February 26, 2013

Hello

Hello......

Sunday, January 15, 2012

2012

This year will be a prosperous year....

Friday, January 14, 2011

Year 2011 The Rabbit.

It's nice that we welcome 2011 with good health. I hope and make this year the best. God bless.

Thursday, February 11, 2010

ANG BAGONG RELASYON NG MAGULANG AT ANAK

Halos dalawang taon na ang nakalilipas nang naibahagi namin ang nilalaman ng isang librong galing sa panunulat ni Dra. Ma. Lourdes Carandang, respetadong clinical psychologist. Dito rin sa Abante namin naisiwalat ang case studies ng “Nawala ang Ilaw ng Tahanan” ng mga OFW na naglalarawan kung paano ang pagtatrabaho ng ina sa ibang bansa ay maging dahilan sa pagguho ng pamilyang Pilipino.

Ngayon naman ay may inilabas na handbook sina Dra. Carandang at Queena Lee-Chua, isang therapist ng mga bata at tinedger na may problema. Ito’y “The Filipino Family Surviving the World” na mala survival kit sa mga panahong ito.

Maraming pagbabago sa dati’y kinaugalian nating pamilya, ani Dra. Carandang. Kasama na rito ang pagiging “single parent families” ng Pinoy dala ng OFW phenomena at urban migration kung saan naman nasa probinsya ang kalahati ng pamilya, sa siyudad naman ang naghahanap buhay. At nagiging biktima nito ay natural lang ang mga bata, supling ng mga pamilyang nagka watak-watak. At biktima rin ang kanilang mga magulang.

Hindi lang ito ang may epekto sa pamilya. Pati na raw ang telebisyon, bagong teknolohiya kasama ang cellphone, video games, internet, skype, at kung ano ano pang bagong produkto na moderno. Dahil nagtatrabaho ang mga magulang ang telebisyon ay naatasang maging “baby sitter” kasama ang katulong sa bahay. Hindi ba’t napakalaking responsibilidad naman ang ibinibigay sa katulong upang siya ang maging ikalawang ina, pumili ng mga show sa telebisyon na nararapat sa bata ngayon siya rin ay may mga paborito ring teleserye?

Walang makakapag-substitute sa totoong nanay at importanteng lahat ng oras niyang kasama ang mga anak ay maging totoong quality time.

Ayon kay Ms. Queena, ito ang Do’s at Don’ts para sa magulang ng mga batang 3-7 years na nanggaling kay psychologist Lawrence Shapiro. Don’ts – Huwag itago ang mga problema sa bata; Huwag din itago ang mga pagkukulang ng magulang; Huwag baliwalain ang mga kinatatakutan ng bata; Huwag pakialaman ang mga problemang alam nyo ay kaya naman ng bata; Huwag payagan ang panonood ng biolenteng TV o dvd. At eto naman ang Do’s – Maging masayahin upang maging positive ang pananaw ng bata; Hayaang mag-imbita ang mga anak ng kaibigan sa bahay, lalong lalo na yung mga nasa gulang 9-12; Disiplinahin ang bata sa paraang maganda; Makipag bonding sa anak at ipadama sa kanila pwede nilang sabihin sa magulang ang kanilang problema; Magkasama kayong maging involved hindi lamang sa mga proyekto ng eskuwela, kundi pati sa barangay o simbahan.

Galing kay Dra. Carandang naman ang mga tips para sa magulang ng mga tinedger: Huwag magsinungaling; Sa pagbibigay ng advice maging derecho at straight to the point; Maging malinaw sa mga disciplinary rules, hindi pabago-bago; Maging proud sa kanilang mga achievements; Kilalanin ang mga barkada; Makinig sa kanilang mga kuro-kuro; Bigyan sila ng self-confidence; Respetuhin ang mga plano sa buhay; Respetohin ang kanilang privacy; at bilang nakatatanda, mag develop rin ng sariling mga kaibigan at proyekto. Gaya daw ng sinabi ng isang tinedger sa kanyang magulang na sobrang tutok sa kanya – Nay, live a life!

Sunday, August 02, 2009

Sa Ikagaganda ng Buhay



Bella Angeles Abangan

Build a little fence of trust, Around you today, Fill the space with loving works, And there in stay, Look not through the sheltering bars, Upon tomorrow, God will help you bear what comes Of JOY or SORROW.



Isang payo ito na mainam sundin. Sang-ayon sa awtor, kay Mary Frances Butts na nasa ating sariling gawa at pagpapasiya ang ikagaganda ng ating buhay. Narito ang pinaikling kahulugan ng berso sa itaas:

"Paligiran natin ang ating sarili ng bakod ng pagtitiwala. Ang loob ng bakuran ay punuin natin ng mabubuting gawain at doon tayo mabuhay. Huwag nating ituring na tayo’y nakapiit. Tutulu-ngan tayo ng Diyos maging tuwa o lungkot ang dumating."

Mapagaganda natin ang buhay kung pawang buti ang ating iisipin, sasabihin at gagawin. Makapagpapaligaya tayo ng kapwa kung pawang mabuti ang ating sasabihin.

Kung may ipapayo tayo o pupunahin ay ayusin natin ang ating pagsasabi sa magandang paraan. Kapag nagpaligaya tayo ng kapwa ay babalik ito sa atin ng maraming ulit. Magtataka tayo at ating sasabihin: "Anong buti ng Diyos sa akin."

May dalawa akong kaibigan na kapwa guro na hindi ko mailarawan ang kanilang kabutihan sa kapwa. Dating nang dating sa kanilang buhay ang grasya ng Panginoon.

Hindi ako nagtataka kung malaman kong may dumating na naman na biyaya sa kanilang buhay na hindi naman nila hinihingi sa Diyos. Ang nasasabi ko lang ay ganito:

"Hindi ako nagtataka kung bakit marami siyang biyaya na natitikman dito pa lamang sa mundo. Iyan ay ang kanyang magandang karma."

Marami akong kakilala at kaibigan na pawang daing ang aking naririnig. Maraming malas at krisis ang dumadating sa kanilang buhay. Ang iba sa kanila ay may kaya sa buhay at ang iba ay hindi na makaahon sa kahirapan.

Dahilan? Sila na rin ang naglalagay ng maitim na aura sa kanilang katauhan. Ano ang aura? Ito ay repleksyong nakapalibot sa may katawan. Kung masama ang laman ng isip, budhi at puso ay iyan ang lalabas na maitim na aura. Ang inaakit nito ay kamalasan sa buhay karamay ang mga mahal sa buhay.

Iyong mga taong pawang kabutihan ang ginagawa sa kapwa ay pinagpapala ng Diyos kahit narito pa siya sa lupa. Bakit hindi ganyan ang ating gawin upang maging maganda ang ating buhay kasama natin ang ating mga mahal.

Iyong mga ama ng tahanan na puno ng bisyo at may iba pang kinahuhumalingan ay malas, malas at malas ang aabutin sa buhay karamay ang kanyang pamilya at ganoon din kasama ang kanyang ikalawang pamilya.

Tuesday, November 11, 2008

My Family Picture.
















Si John Philip 7 yrs old.


















Si John Philip 5 yrs. old.

















This is our house Feb. 4, 2006.

Hindi sa sarili lamang

Bella Angeles Abangan

If I can stop one heart from breaking, I shall not live in vain, If I can ease one life from aching, Or cool one pain, Or help one fainting robin unto its nest again, I shall not live in vain.

Sinulat ito ni Emily Dickinson na ang naging liba-ngan ay magkaloob ng inspirasyon sa kapwa. Ipinahayag ni Emily na hindi sayang ang buhay at ang pagkakalikha sa tao kung tumulong siya sa kapwa lalo na kanilang kagipitan.

Noong namatay si Emily sa gulang na 56 ay natuklasan sa kanyang silid ang isang baul ng mga tula na umabot sa 1,775. Sa kanyang mga obra maestrang tula ay masisinag ang kanyang pagmamahal sa kapwa. Hindi na siya nag-asawa pa.

May mga taong hindi pansin ang kanilang kasambahay, kaklase o kasama sa pinapasukan.

Dahilan, umiikot ang kanilang bahay sa sarili. Ang iba ay sigla at ang kanyang mga mahal sa buhay na lamang ang inaasikaso. Bahala na kung ano ang mangyari sa iba.

Saan man naroon ang taong makasarili, kahit na sa sasakyan, ay sarili ang kanyang iniisip. Siya at ang kanyang pangarap sa buhay at bahala na ang iba sa buhay nila. Lalong nakakahiya iyong taong walang ibang mahalaga kundi siya, ang kanya at ang iba pang magiging kanya.

Isang estudyante ang dumating mula sa paaralan. Kung ang kabataang ito ay malaki ang daigdig na kanyang ginagalawan ay dahil siya makasarili.

Kaligayahan ng ina na matanawan siyang dumarating. Tumutulong ang anak na ito sa mga gawain. Siya ay tunay na maaasahan sa maraming bagay.

May anak na nagpapasandok pa sa ina pagda-ting gayong walang katapusan ang trabaho nito sa bahay.

May isang manggagawa, si Thomas, na nanganak ang asawa. Nabalitaan ng kanyang kasamahang naka-duty si Tomas kayat hindi makapagpaalam upang magbantay sa asawa. Ang kasamang ito na may puso para sa kapwa ay nagprisinta sa kanilang manedyer na magpalit sila ng day-off.

Tandaan natin na may maliit na bagay na kung ating papansinin ay malaking bagay na sa kapwa. Hindi lahat ng araw ay nasa itaas tayo. Darating din ang araw na tayo ay mangangailangan ng tulong.

Isang pagtatanim ang paggawa ng kabutihan sa kapwa. Hindi man tayo tuwirang makaganti ay ibang tao ang gagamitin ng Diyos upang matumbasan ang nagawa nating kabutihan sa sandali ng ating pa-ngangailangan.

May mga bagay na nakaligtaan nating gawin. Iyan ang mabigat sa lahat. Ang pagsisisi nito ay nasa huli. Iyong pagpapadama ng pagmamahal habang may panahon pa ay nakaligtaan nating gawin.

Magkaroon tayo ng pagninilay nilay isang beses sa isang linggo.



Friday, January 11, 2008

Welcome year2008

I wish that this year is a prosperous and healthy year...