Bugsfely

Thursday, October 13, 2005

Paano limutin pait ng lumipas?

"Some people have the unfortunate habit of brooding over their past lives, castigating themselves for their shortcomings and mistakes, until their whole vision is turned backward instead of forward. They see everything in a distorted light because they are looking only on the shadow side. The longer their unfortunate picture which has caused trouble remains in the mind the more thoroughly it becomes imbedded there and the more difficult it is to remove it."

Ang talata sa itaas tungkol sa paglimot sa mapait na nakaraan ay sinulat ni Dr. Signey M. Bremer.

Ang kanyang payo ay dapat limutin pagka’t ito ang magpapasira ng ating buhay. Lagi na lamang nakatuon ang ating pag-iisip sa nakaraan at hindi sa ngayon at sa darating.

Ito ang kanyang mungkahi:

"Nothing else will so quickly drive away worry as the habit of cheerfulness, of making the best of things, of refusing to see the ugly side of it.

Narito ang isang istorya na maaaring may alam na rin tayo.

Nalagay sa lahat halos ng mga pahayagan ang pandaigdig na balita at larawan ng isang batang babae, siyam na taong Vietnamese.

Ang batang babae ay tumatakbo, may apoy ang kanyang damit at sumisigaw sa sakit at takot.

Ang dahilan? Binomba ng eroplanong Ameri-kano ang baryo ng Trang Bang sa Vietnam.

Pinangalanan ang larawang ito ng ganito: "Vietnam Wartime Photo"

Nang makita ni Officer John Plummer ang nakakikilabot na larawan ay hindi na siya makatulog.

Dumaan ang mga taon na bigo si John sa lahat ng kanyang mga ginagawa.

Siya ang nag-utos sa mga bomber na nasa eroplano na bombahin ng chemical explosion ang baryo ng batang babae na iyon – si Kim Phuc.

Nalaman niya na marami ang namatay na mga bata at matatanda ngunit ang larawang iyon ang pinakamatindi sa lahat.

Sinubukan ni John na makalimot sa pamama-gitan ng alak at babae ngunit wala ring nangyari.

At sa wakas ay lumapit si John sa Panginoon. Pagkatapos ng dalawampung taon sa nangyaring iyon ay humingi siya ng tawad sa Diyos. Naging mabuti siyang Kristiyano.

Pagkaraan ng dalawampu’t-anim na taon mula nang mangyari iyon ay ipinasya ni John na hanapin si Kim Phuc. Nais niyang makita at humingi ng patawad.

Nalathala sa peryodiko sa Amerika na dadalaw si Kim, 33 taong gulang at si John ay 49 noon. Natagpuan niya sa wakas ang Kano.

Nagpakilala si John kay Kim. Nagyakap nang mahigpit ang dalawa. Sayang at walang photo-grapher noon. Kapwa luhaan ang kanilang mga mata.

Ito ang sinabi ni John:

"I am just so sorry….I am just so sorry…."

Ito ang sagot ni Kim:

"It’s all right… I forgive….I forgive…"



Buti, susi sa kapayapaan

If you are busy being kind,
Before you knew it, you would find
You soon forget to think it was true
That someone was unkind to you.
If you were busy being glad,
And cheering people who are sad,
Although your heart might ache a bit,
You will soon forget to notice it.
If you are busy being good,
And doing just the best you could,
You would not have time to blame someone
Who is doing the best he can.
If you were busy being true.
If you be so busy you will forget,
The blunders of the folk you have met.


Ang tula sa itaas ay sinulat ni Rebecca Foresman. Sang-ayon kay Rebecca kapag tayo ay abala sa pagiging matulungin, masaya, mabait, at makatotohanan ay malilimutan natin ang lahat ng kasamaan na nakapaligid sa atin.

Narito ang istorya ng magkapatid na maykaya dahil natanggap na nila ang pamana ng kanilang mga magulang na sumakabilang buhay na.

Si Divina ay nagretiro na sa pagtuturo. Lalo siyang naging abala sa kanyang mga gawaing ispirituwal at pagtulong sa mahihirap.

Tulad ni Divina, si Dulce ay matandang dalaga rin. Ipinagbili niyang lahat ang mga tinanggap niyang mana. Lahat ito ay nasa probinsya. Naninirahan si Dulce sa Maynila.

Isang araw ay biglang dumating si Dulce sa probinsiya. Gulat na gulat si Dulce nang makita niya na tumutulong ang kapatid sa day-care center na kanyang itinatag.

Si Divina ay nagpapasuso sa bote ng isang sanggol.

"Ate, anong nangyari sa iyo? Bakit hindi mo ibigay ang trabahong iyan sa mga kasama mo?"

"Halika, Dulce sa bahay. Bakit napaluwas ka? Anong hangin ang nagdala sa iyo rito?"

"Naku ate, lumayas nang sabay-sabay ang tatlo kong walanghiyang katulong. Mahirap kumuha sa ahensya ng magkakamag-anak. Ang natira na lang ay ang driver ko. Hindi siya makaalis pagka’t malaki ang utang niya sa akin. Dito na lang muna ako magbabakasyon."

"Aba Dulce matagal na kitang hinihintay. Ipinagdasal ko sa Diyos na sana ay magkasama tayo habang buhay.

May lumapit na isang lalaki.

"Tita Divina, hindi ko po mailabas si Clara sa ospital. Lalaki po ang aming anak."

Maraming nakita si Dulce na pagtulong ng kanyang kapatid. Bago dumilim ay kinuha ng mga ina na galing sa trabaho ang kanilang mga anak na pinaaalagaan sa araw.

"Ate dito na ako titira. Iaalay natin lahat ito sa Diyos. Siguro magiging maligaya rin ako tulad mo. Ang mga pera ko sa bangko ay ipagagawa natin ng klinika. Nalimutan mo yata na doktora ako ng mga bata."

Noong gabing iyon bago natulog si Divina ay nagpasalamat siya sa Diyos at nagising din ang kanyang kaisa-isang kapatid.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home