Bugsfely

Tuesday, October 25, 2005

Magpababa ang itaas

by Bella Angeles Abangan

Do not consider yourself to have made any spiritual progress unless you account yourself the least of all men. God walks with the humble. He reveals himself to the lowly. He gives understanding to the little ones. He discloses meaning to pure minds. Hides His grace from the curious and the proud.

Ang sumulat ng tula sa itaas ay si Thomas Kempis, ang awtor ng Imitation of Christ.

Sinasabi sa talata na mamahalin ng Panginoon ang mga taong nagpapakababa. Itataas Niya tulad ng kanyang sermon sa bundok, na nakapaloob sa Beatitudes.

Ang mga taong papalo ay hindi Niya pagkakalooban ng grasya.

Narito ang isang istorya tungkol sa isang lolo na nakikitira sa isa sa mga anak.

Nagpulong ang lima niyang mga anak na may mga asawa na umikot ang kanilang ama sa bahay ng kanyang limang anak.

Hindi malaman ng matanda kung bakit pinalilipat siya tuwing darating ang unang Linggo ng buwan. Ang tanong niya sa sarili:

"Pinagsasawaan na ba ako?"

Mahal na mahal ni Lolo Tomas ang kanyang mga apo. Ang mga apong malapit sa kanya ay lagi niyang kinakausap.

May mga apo ang matanda na mga dalaga at binata na. May mga apo siyang nasa elementarya at haiskul. May mga apo siya na hindi siya pinapansin lalo na ang mga matatandang apo.

Pagkaraan ng ilang buwan ay unti-unting nalalaman ng matanda ang mga pag-uugali ng kanyang limang anak.

Sa kasuutan ni Lolo Tomas ay maaawa ang bawat makakita. Luma at puro sulsi. Bago magpalit ng damit ay inaabot ng tatlong araw. Hindi isinasabay ng limang anak sa pagkain ang kanilang ama.

Ang ginagawa ng ama ay nagpapahuli upang hindi siya mapahiya.

May apo si Lolo Tomas na pagkabait-bait sa kanya. Siya ay si Cynthia, nasa Grade III ito. Ang sampung taong bata ay si Lolo Tomas agad ang hinahanap pagdating galing eskwela. Siya ang naghahain sa bilog na mesang maliit. Sumasalo si Cynthia sa kanyang Lolo.

Hiniling ni Cynthia sa kanyang ama na maging permanente ang kanyang Lolo sa kanilang bahay. Doon niya itinira ang kanyang Lolo sa kanyang munting kuwarto. Ibinigay niya ang kanyang kabinet ng mga damit sa kanyang Lolo.

Si Cynthia ay panganay sa tatlong anak ni Benjie, bunsong anak ng matanda. Ang ina ni Cynthia ay isang maestra. Siya ang nagturo kay Cynthia na maglingkod sa matanda.
Ang alawans ni Cynthia ang ginagamit niya sa pambili ng cough syrup kapag inuubo ang matanda.

Bumili rin si Cynthia ng panghilot sa matanda. Ang gusto nito ay Vicks Vapor Rub.
Si Cynthia rin ang nagbibigay ng merienda sa matanda. Noong dalhin sa ospital si Lolo Tomas ay dinala niya ang isang plastic envelope na puno ng papeles.

At nang mamatay si Lolo Tomas ay nakasulat sa kanyang huling habilin na ginawa ng pinsan niyang abogado na si Cynthia lamang ang magmamana ng kanyang pera na umabot sa limang milyon sa bangko.

Ito ay pinagbilhan ng kanyang mga ari-arian na namana sa kanyang mga magulang noong araw pa.

Dumating ang pinsan ni Lolo Tomas na dala ang plastic envelope. Nakapaloob doon ang magandang kapalaran ni Cynthia, ang tanging apo na nagmahal sa matanda.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home