Bugsfely

Wednesday, October 26, 2005

Limutin, Gunitain ang Nagdaan.

by Bella Angeles Abangan

Always remember to forget,

The things that made you sad,

But never forget remembering,

The things that made you glad,

Always remember to forget

The friends that proved untrue.

But don’t forget to remember

Those that have stuck by you.

Always remember to forget

The troubles that passed away.

But never forget to remember

The blessings that come each day.

Ang sumulat ng tula ay hindi nagpakilala. Sinasabing may dapat tayong kalimutan pagkatapos nating patawarin ang nagkasala sa atin. Ang mapapait na gunita ay dapat nating limutin. Ngunit may mga dapat tayong tandaan ang mga tumulong at nagbigay sa atin ng kasiyahan.

Ito ay nangyayari sa mgkaibigan. Madaling makalimot ang mga taong natulungan natin.

Narito ang istorya ng magkaibigan na mula sa mababang paaralan ay nagtutulungan. Sina Maricel at Edith ay magkapitbahay.

Noong magtatapos na sila sa elementarya ay nagkasakit ng dengue fever si Edith. Malubha ang tama at may tatlong linggo siya sa ospital.

Araw-araw ay ipinapadala ni Maricel ang kanilang mga leksyon sa araw na iyon. Idinadaan ito sa bahay nina Edith. Dinadala ito ng kanyang anak.

Nang kumuha ng final exam si Edith ay mataas ang kayang mga marka. Nakasama sa graduation si Edith. Si Maricel ay wala sa honor roll ngunit si Edith ay napasama.

Lumuwas na sa Maynila ang pamilya ni Edith.

Nakatapos ng Business Management si Edith. Mataas ang kanyang katungkulan sa kompanyang kanyang pinasukan.

Samantala, si Maricel ay hindi na nagpatuloy sa pag-aaral. Tinulungan niya ang kanyang ina sa pagtitinda sa palengke.

Noong araw na iyon ay nagplano si Roy at Edith ng kanilang kasal. Naroon na lahat ng kanilang plano pati araw kung kailan gaganapin.

Habang nagpupulong ang dalawa ay narinig nila ang isang tawag sa telepono. Malubha si Maricel. Ulila na si Maricel at isang pinsan ang nag-aalaga sa bahay.

Malayo rin ang Malolos, Bulacan. Sakay ng kotse sina Roy at Edith na natungo sa Malolos, Bulacan. Hindi nila dapat kalimutan ang utang na loob ni Edith kay Maricel.

Binalot ng magnobyo ang maysakit sa isang blanket. Kalong ni Edith ang kaibigang may dengue. Dinala nila ito sa pribadong kuwarto sa isang malaking ospital.

Noon ay ayaw nang mabuhay ni Maricel ngunit dahil hindi siya nalimutan ng kanyang kaibigan ay ibig pa niyang mabuhay.

Lumilingon si Edith pagka’t minsan ay natulungan siya ni Maricel noong magtatapos na sila sa mababang paaralan. Ang dasal ni Maricel ay tinugon ng Panginoon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home