Bugsfely

Thursday, October 27, 2005

Nahamon dahil sa pag-unawa

by Bella Angeles Abangan

People are unreasonable, illogical and self- centered. Love them.

If you do good, someone will accuse you of self motive. Do good anyway.

If you succeed, you win false friends

Succeed anyway.

The good you do today maybe forgotten tomorrow. Do anyway.

Honesty and frankness make you vulnerable.

Be honest anyway.

What take years to build may be destroyed

overnight. Build them anyway.

Ang sumulat ng talata sa itaas ay hindi nagpakilala. Ang mensahe ay huwag damdamin ang natatanggap na masasakit na salita at masamang pakikitungo ng kapwa. Ipagpatuloy ang pag-unawa. Kung linlangin ay huwag isaloob. Ito ay tinatawag na double jopardy.

Narito ang istorya ng mag-asawa na maganda ang pagmamahalan. Lumuwas ng Maynila si Pepe upang kumita nang malaki. Isa pa ay mag-aaral na sa kolehiyo si Eden, ang panganay.

Maraming natanggap na masasamang balita si Tara. May babae na raw si Pepe. Iyong mga naiinggit ay ibig buwagin ang kanilang pagsasama.

Naisipan ni Tara na sa Maynila na sila manirahan. Nag-aalala si Tara na ang pagkain ni Pepe at damit ay walang mag-aasikaso.

Alam ni Tara kung paano hahanapin si Pepe. Nagtatrabaho ito sa isang konstraksyon. Tatawagan niya si Vina, ang may-ari ng konstraksyon. Biyuda na si Vina. Magkababata silang tatlo sa Malolos, Bulacan.

Sinabi ni Vina sa long distance na puntahan siya sa bahay. Magsusuweldo sina Pepe pagka’t Sabado noon.

Dala ni Tara ang tatlong babae na kanilang anak. Ang panganay ay papasok na sa kolehiyo.

Alam ni Tara ang bahay ni Vina sa Project 8. Maraming dalang damit si Tara kaya’t doon muna sila unang tumuloy sa bahay ng kanyang pinsan sa Sampaloc.

Gulat na gulat si Pepe nang makita ang kanyang mag-iina.

Tumuloy sila sa isang malaking kainan. Kinuha ni Tara ang iniwang gamit bago sila nagtungo sa inuupahang maliit na kuwarto ni Pepe. Nakasabit sa pako ang kanyang mga ginamit na damit. Naroon ang sampayan sa kuwarto na puno ng mga nilabhang damit. Si Pepe ang naglalaba ng mga iyon.

Umupo silang lahat sa plastik na banig. Doon initrega ni Pepe ang mga ipon niya sa loob ng tatlong buwan. Sa itaas ng munting aparador ay nakahelera ang mga sardinas at salmon.

Sa pinto ay naroon ang kalan-uling, dalawang kaldero at isang munting kawali.

Napaluha si Tara sa awa sa asawa. Iyon ang munting daigdig ni Pepe, ang ulirang ama at butihing kabiyak ni Tara.

"Mabuti na lamang at dumating kayo. Miss na miss ko kayo. Uupa tayo ng malaking kuwarto na malapit sa eskuwelahan."

Natatandaan ni Tara na kahit mahirap si Pepe ay ito ang pinili niya sa kanyang mga manliligaw. Ang dahilan? Maganda ang breeding ni Pepe na ginawa ng kanyang inang maestra. Ang kanilang pagsasama ay sagana sa dasal ng mag-asawa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home