Bugsfely

Tuesday, January 10, 2006

Pagkakawanggawa sa iba

Bella Angeles-Abangan

Do something for somebody, gladly, It will sweeten your every care, In sharing the sorrow of others, Your own are less to bear, Your own are less to bear, Your own are less to hear, Do something for somebody always, Whatever maybe your creed, There’s nothing on earth can help you, So much as kindly as deed.

Ang sumulat ng tula na “Do Something for Others” ay hindi nagpakilala. Sinasabi sa tula na ang ating problema kapag tumulong tayo sa isang kaawa-awa ay magiging maliit.

Narito ang istorya ng kolumnistang ito – si Tita Belle.

Kaarawan ko ngayon. Kakaiba ang panawagang ito. Hindi para sa sumusulat nito kundi para sa mga bata at matanda ng LAKBAY-DIWA AMPUNAN.

Sasamantalahin ko na sa aking kaarawan ay idudulog ko sa mga mambabasa ang aking dala-dalang problema.

May 38 kami rito. Si Christopher ay isang taon at hindi pa nabibinyagan. May mga batang hindi pa nag-aaral. Sina Clarissa, tatlong taon at si Marissa, 2 taon at si Ryan ay tatlo rin. Sila ang hindi pa nag-aaral. Samantala, si Shanelen at Shannon ay nasa Grade I at Grade II.

Mayroon kaming mga elementarya. Tatlo sa kanila ang magtatapos sa elementarya. Sila ay sina Princess, Maricel, at Jay-R. Dalawa ang nasa private school at mga iskolar, sina Angelie at Angerico. At dalawa sa high school. Sila ay sina Nikka at Abigail. May isa kaming nasa kolehiyo, una naming ampon, may half tuition, si Angelo. Mayroon pa rin kaming nag-aaral sa non-formal education. Sila ay sina Ricky, R-Jay, Almario, at Ronald.

Hindi ko na binabanggit ang mga nasa elementary at high school. May mga handicap kaming inampon, si Gilbert, dating driver ay nagkaroon ng stroke. Nasa wheelchair siya. At isang batang babae na dalaga na biktima ng hydrocephalus.

Marami kaming mga single parents at mga volunteer workers na hindi ko na babanggitin.

Nang masunog ang aming bahay noong Enero 4, 2004, ay nakita ng yumao kong kabiyak na huwag na ituloy sa SEC ang aming mga papeles na application form upang maging foundation ito. Kailangang magkaroon kami ng social worker na aming bibigyan ng sahod. Ito ay magbibigay ng ulat sa DSWD. Requirement ito.

Ang payo sa akin ni Peping noon ay huwag nang gawing FOUNDATION. Madali kaming makakahingi sana ng donations. Ang ina o ang single father ng mga bata ay sa amin din naglilingkod na walang sahod. Basta’t pag-aralin ang kanilang mga anak ay natutuwa na sila. Tatlo ang aming bahay na pawang mga ampon ang nakatira. Nang maging matumal ang negosyo namin ng mga aklat ng Lakbay-Diwa sa National Book Store ay naramdaman namin ang matinding kagipitan sa pera.

Ang Rustan Supermarket na kinukunan namin ng mga gulay, tinapay, isda at prutas ay nagbibigay ng apat na beses sa isang linggo. Gabi namin kinukuha ang mga pull-out ng supermarket. Sa hatinggabi ay namimili kami ng maaaring pakinabangan.

May mga gintong-puso na kaibigan ang nagkakaloob ng kanilang love offering. Hinihingi nila ang aking bank account at sila ay nagpapadala. Sila ang mga mambabasa na may mga gintong puso.

Ang mga nagbibigay ng bigas, de lata at pera ay ipinakukuha ko sa pick-up.

Sila ang bumubuhay sa amin at ang dalawamg kolum ko ay pambayad sa mga bills at kanilang baon.

Sa mga babati sa akin (927-66-81) ay marami pong salamat. At sa mga donors ay Diyos na ang gaganti sa inyo. Salamat po muli – Tita Belle.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home