Bugsfely

Monday, November 21, 2005

Ganti-ganti lang ang buhay

BELLA ANGELES-ABANGAN

If you haven’t any charity in your heart you have the worst kind of heart trouble. The measure of life is not its duration but its donation.”

Ang siniping talata ay sinulat ni Peter Marshall. Ang maganda sa buhay ay ang nagbibigay. Iyong ating buong pusong ibinibigay ang kanilang kailangan sa oras ng krisis.

Narito ang istorya ng magkaibigang matalik. Nagkahiwalay sila dahil naging immigrant ang mga magulang ni Henry. Katatapos lamang nila ng haiskul noon.

At nagdaan ang maraming taon. Binati pa rin si Henry. Umuwi siya sa Pilipinas at naghanap ng kidney donor.

Ayaw payagan si Gabby ng kanyang misis na ibigay bilang donasyon ang isa niyang bato o kidney.

“Kahit bayaran pa ng milyon ang kaisa-isa mong kidney ay parang patay ka na rin…”

“Umupo ka, Aileen. Ibig kong ipagkaloob kay Henry ang aking bato. Lumabas ang resulta at ka-match ko ang kanyang type A na dugo.

Noong kami ay nasa first year sa high school ay namatay si Itay. Ulila na akong matagal sa ina. Nakikitira lamang kami ni Itay sa kanyang Kuya Selo na mahirap din.

Sinagip ako ni Henry. Ang kanyang alawans na malaki ay hinahati niya at ibinibigay ang kalahati sa kanya.

Apat na taon na siya ang bumibili ng aking mga libro. Siya ang nagpapapagawa ng aking mga uniporme. Para siyang ama ko. Lahat ng gastos ay bigay niya. Hindi ito alam ng kanyang ama at ina.

“Noong nasa America na sila ay nagpapadala pa rin si Henry ng pambayad ko sa tuition sa college. Pinakuha niya ako ng Computer Programming. Kung ano ako ngayon ay dahil sa kanya. Kung kailangan niya ang buhay ko ay ibibigay ko pa rin. Alam mo, ako’y bigung-bigo noon. Nag-iisa ako sa buhay ngunit naroon siya at dinamayan ako.”

Noon din ay pinuntahan ni Gabby kasama si Aileen sa ospital si Henry. Naghihintay si Henry sa resulta kung magka-type sila.

Niyakap ni Gabby si Henry. Iipinagtapat ni Gabby ang resulta.

“Mabubuhay na ako. Magkambal na tayo. Lalakas na ako. Hindi na ako aalis ng Pilipinas. Nagpauwi ako sa bayan natin upang dito ako mamatay. Niloob ng Diyos na tayong dalawa ang dapat magdamdam.”

“Henry kong ano ako ngayon ay dahil sa iyo. Kung wala ka ay bagsak na ako noong mamatay si Itay.”

Naroong lumuluha sa kaligayahan ang mga magulang ni Henry. Naroon din si Aileen na hindi na nagagalit na ilipat ang isang bato ni Gabby kay Henry.

Kinabukasan ginawa ang paglilipat ng bato. Tagumpay ang operasyon! Tagumpay ang transplant! Doon na pinatira si Gabby at si Aileen sa malaking bahay ni Henry. Ang mga magulang ni Henry ay babalik sa America pagka’t may negosyo sila roon.

Ang kasabihang nasusubukan ang tunay na kaibigan sa kanyang pangangailangan ay minsan pang napatunayan sa magandang samahan nina Henry at Gabby.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home