Bugsfely

Wednesday, November 16, 2005

Ngayon ang mahalaga

by Bella Angeles Abangan

He was going to be all that a mortal will be – tomorrow,

No one would be better than be – tomorrow,

Every morning he stached the letter – tomorrow

It was too bad he was, indeed, he was too busy to see Jim.

But he promised to see Jim tomorrow,

The greatest of workers this man would have been – tomorrow,

The world would have known him had he ever seen – tomorrow,

But the fact is, he died and he faded from view

And all that was left when living was through,

Was a mountain of things he wanted to do – tomorrow.

Ang tula sa itaas – DELAY – ay sinulat ni Bruno Hagspiel. Ang mensahe ay huwag nang ipagpabukas pa ang magagawa ngayon.

Itong namana na pag-uugali ay namana natin sa ating mga ninunong dugong Kastila.

Ang gumagawa nito ay ang mga taong tamad. Ipabubukas pa gayong magagawa naman ngayon.

Narito ang istorya ng mag-ina. Si Racquel ay nakatapos din ng Nursing. Sa araw pa naman ng pagtatapos ni Racquel nalaman niya na hindi isinanla ang kanilang bahay at lupa kundi ipinagbili na pagka’t iyon ang huling taon niya sa Nursing. Ulila na sa ama ang dalaga.

Walang magawa si Sinang kundi ipagbili dahil isang taon pang mag-aaral si Racquel at marami silang utang.

Minadali niya ang pagtungo sa America upang mahandugan ang ina ng magandang buhay.

Napakabait ni Racquel. Inihabilin niya ang ina sa bahay ng kanyang tiyahin, kapatid ng kanyang ina. Inabot si Racquel ng limang taong walang uwian upang may maibiling bahay at lupa para sa kanyang ina.

Sabik na sabik ang ina na makita si Racquel. Ang laging sinasabi ng anak:

"Malapit na inay, makikita ninyo ang ipinagagawa kong bahay. Hindi na po ako aalis. Magkakasama na po tayo."

Iniwasan ni Racquel ang pakikipag-boyfriend.

Dumating ang long distance call para kay Racquel.

"Malubha ang iyong ina. Umuwi ka agad!"

Apat na araw lamang ay naroon na si Racquel sa ospital. Himas at hagod ang ginawa ni Racquel sa ina. Nakangiti na si Sinang.

"Matagal kitang hinintay."

"Aalagaan ko po kayo. Ipapasyal ko po kayo."

"Salamat Racquel sa pinagawa mong bahay para sa akin. Ipagdarasal kita saan man ako naroon. Tandaan mo Racquel mahal na mahal kita."

At nakita ni Racquel na wala nang pulso ang ina. Hindi na ito huminga. Sumubsob si Racquel sa unang katabi ng ina at umiyak nang umiyak. Mga iyak ng pagsisisi. Bakit pa naging ambisyosa siya. Kahit saan sila tumira basta’t magkasama.

Halos himatayin ang naulilang anak. Naroon sa sulok si Allan na kanina pa nanonood sa tanawing iyon. Siya ang nagbigay ng artificial respiration kay Sinang. Dumating ang dalawang nurse na tumulong din.

Nang dumating si Diding ay naayos na ang lahat. Tumulong nang husto si Allan. Nang maayos na ang mga bayaran sa ospital at dumating na ang memorial service na kinuha ni Racquel noong unang taon niya sa America ay nagpresinta si Allan na maghatid.

Tapos na ang duty ni Allan nang hapong iyon. Naroon ang kanyang kotse. Nagpasalamat si Racquel sa Diyos pagka’t ipinadala sa kanya si Allan upang mawala-wala ang matinding pighati sa kanyang puso.

May aral na natutuhan si Racquel – hindi na niya ipag-papabukas pa ang anumang magpapaligaya sa kanyang mahal.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home