Bugsfely

Tuesday, November 01, 2005

Di ko kayo malilimot, Inay

by Bella Angeles Abangan


She has only gone on a little ahead,

To fashion a home for me.

There will be curtains blowing,

And books as it used to be,

Pictures, a desk and tables fair

Where friends shall love to come.

She has only gone on as a mother would

To find me a new home.

She has gone on as others have

Who vanished from our sight.

Others whose lives with ours were wed

Till that mysterious flight,

None shall declared her death to me.

My loneliness deplore –

Oh, it is like her to go ahead,

To open the new door.

She has only gone on a little ahead,

To find me the loveliest place.

There will be golden roses there

Abloom in an azure space,

O, Mother now it is clear to me,

You have only gone ahead.

Ang magandang tula ay sinulat ni Angela Morgan. Ito ay isang parangal sa ating mga ina. Minsan ay hindi natin matanggap na siya ay nauna na.

Noong sumapit ako sa sampung taong gulang ay umuwi na ang aming dalawang katulong sa kanilang lalawigan.

Ako’y sampung taon noon. Sumiklab na ang World War II. Sa mura kong isip ay nagsimula na akong maglingkod kay Inay. Hindi sanay si Inay sa mga gawaing-bahay. Hindi kami nawawalan ng katulong. Ako, sa bata kong gulang ay inialay ko sa Diyos at kay Inay ang mga trabaho sa bahay.

Ako ang nakakatanda sa babae. Matanda ako kay Corazon. Ang dalawa kong Kuya ay hindi maaaring asahan.

Noong ako’y magtapos sa Education ay lalo kong pinagbuti ang pagtulong kay Inay.

Uliran si Inay! Siya ang naging inspirasyon ko sa aking pagsusulat bagamat si Lola Bina ang nagturo sa akin na magkuwento. Ang laging sinasabi ni Inay sa akin:

"Bella, kailan ko kaya mababasa ang kuwento mo sa Liwayway?"

Ito ang libangan ni Inay, pagbabasa ng Liwayway.

"Hayaan po ninyo, malapit na…,"ang sagot ko naman.

Bago sumakabilang buhay si Inay ay nabasa niya ang dalawa kong kuwento sa Liwayway.

"Huwag kayong mag-aaway. Magtulungan kayong lagi pagka’t iisang tiyan ang inyong pinanggalingan. Iyan ang payo ni Inay.

Noong mamatay si Itay ng Oktubre 1966 ay nagsabi siya sa akin noong kami ay nakaupo sa isang bangko at kumakain sa ilalim ng puno:

"Tingnan mo Bella, ayun ang Tatay mo na malayo sa ating lugar ngayon. Saan kaya ako ililibing? Malayo sa Tatay mo? Sana mayroon tayong museleo katulad ng ibang mayaman. Hindi tayo maaarawan at hindi tayo mauulanan…"

Naging hamon sa akin ang sinabi ni Inay. Wala pang isang taon ay kinuha na siya ni Itay. Ginawa ko lahat ng paraan upang makuha ang rotonda na binigay na "Tip" sa akin ng may-ari ng Tres Amigos Memorial Service.

Noong isang araw (Bisperas ng Todos lo Santos) ay sumaglit ako pagkagaling ko sa puntod ni Peping, aking mahal na kabiyak, sa libingan ni Itay at Inay sa South Cemetery. Nagpalinis at nagpapintura ako. Kasama ko sina Almario at R-Jay.

Noong hapon ay naroon ako sa Himlayang Pilipino upang matulog doon magdamag.

May dinala akong bulaklak at kandila para sa aking ama at ina. Nagpamisa na rin ako para sa aming mga patay.

Matagal nang namayapa si Inay ngunit ang kirot ay naroon pa rin. Hinubog niya ako sa mga kuwento. Tinularan ko si Inay. Pakuwento rin ako humuhubog ng puso, isip at kaluluwa.

Ang mga taong buhay pa ang mga ina at ama ay ipadama sana sa kanila sa salita at sa gawa ang pagmamahal.

Noong pumanaw si Inay ay hindi ako umiyak. Maging sa anggulong ispirituwal ay sinilbihan ko si Inay. Naroon ang kasiyahan sa puso ko na mula sa gulang na sampung taon ay pinaligaya ko na si Inay!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home