Bugsfely

Wednesday, November 02, 2005

Pagandahin ang ngayon

by Bella Angeles Abangan


This day is mine to mar or make,

God keep me strong and true,

Let me no erring by path take,

No doubtful action do.

Grant when the setting sun

This fleeting day shall end,

I may rejoice over something done,

Be richer by a friend.

Let all I meet along the way

Speak well of me tonight.

I would not have the humblest say

I do hurt him by a slight.

Let there be something true and fine

When night slips down to tell

That I have live this day of mine

Not selfishly but well.

Hindi nagpakilala ang sumulat ng tula sa itaas. Sinasabi sa tula na nananalangin na maging maganda ang kanyang maghapon. Pagdating ng takipsilim ay naroon siya at nasisiyahan pagka’t maganda ang kanyang maghapon. Lahat ng kanyang nakaharap ay nasisiyahan sa kanyang sinabi at ginawa.

Narito ang isang teenager na kinatutuwaan ng lahat niyang kaeskuwela.

Pinatatawa niyang lahat ang kanyang mga kaibigan. Kapag siya ay wala ay nalulungkot ang lahat. Nagtataka sila baka si Darius ay may sakit!

Isang araw ay dumating ang ama ni Darius at isinauli ang mga hiniram na libro.

Nalaman nila ang kanilang kaklase ay may sakit na pulmonya. Malubha si Darius.

Ikinuwento ng ama ni Darius, si Mang Ambo, na napakasipag ng kanyang anak.

Si Darius ay nagrarasyon ng diyaryo sa umaga. Pagkagaling sa paaralan ay nagtitinda naman ng balut.

Ang "sharing" niya sa kanyang ama ay puno ng katuwaan. Ayaw ni Mang Ambo mawala sa kanya si Darius.

Isa sa mga dumalaw kay Darius ay si Peter. Bagong transfer ito pagka’t na-expelled siya sa ibang paaralan. Ayaw nang pumasok ni Peter. Naging kaibigan ni Peter si Darius.

Isang araw ay niyaya ni Darius si Peter sa simbahan. Ito ang sinabi ni Darius kay Peter:

"Lalagyan ko ng Diyos ang iyong dibdib." Tanghali noon at papasok sila sa eskuwela. Tinuruan niya si Darius na magdasal at makipag-usap sa Diyos.

Unti-unti ay nagdarasal na si Peter sa loob ng kanyang silid. Nag-aaral na si Peter gabi-gabi. Nangyari ito mula nang ipasyal ni Darius si Peter sa kanilang barung-barong. Sa palagay ni Peter ay hulog ng langit si Darius sa kanya. Napahiwalay si Peter sa kanyang mga barkada na pawang may mga bisyo.

Noong gabing iyon ay malungkot na umuwi si Peter mula sa ospital. Dinalaw nila si Darius sa isang siksikang ward.

Nakangiti si Darius. Pumayat ito. May dextrose ito at oxygen sa ilong.

Habang kumakain ang pamilya ni Peter ay umiiyak si Peter. Nagkatinginan ang mag-asawa na parehong doktor. Ang ama ni Peter ay isang chest specialist.

"Sige, Peter, pagkakain natin ay pupunta tayo sa ospital. Ililipat ko si Darius sa private room. Ako ang magiging doktor niya."

Tumindig si Peter at niyakap nang mahigpit ang ama.

Samantala, noong mga sandaling iyon ay naroon ang ama ni Darius sa loob ng chapel ng ospital at kinakausap niya ang Panginoon. Puno ng luha ang mga mata ng matanda.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home