Bugsfely

Sunday, March 19, 2006

Walang kabayarang pagtulong

by Bella Angeles Abangan

When I was homeless, you opened your doors,

When I was naked, you gave me your coat,

When I was weary, you helped me find rest,

When I was anxious, you calmed all my fears,

When I was little, you taught me to read,

When I was lonely, you gave me your love,

When I was in prison, you came to my cell,

When on sick bed, you cared for my needs,

In a strange country, you made me at home,

Seeking employment, you found me a job,

Hurt in a battle, you bound up my wounds,

Searching for kindness, you held out your hand.


Iyong pagtulong natin na hindi naghihintay ng ganti ang pinakadakila sa mata ng Panginoon.

May kasabihan na maganda na kapag tayo ay nagtanim ng buti ay aanihin natin iyan sa oras ng ating kagipitan. Ibang tao naman ang maglalahad ng kanyang kamay. Siya ay padala ng Diyos.

Narito ang isang istorya ng isang may-edad na lalaki. Siya ay isang dakilang pilantropo.

Marami siyang tinutulungan na estudyanteng mahihirap. Ngunit hindi siya nagpapakilala na sa kanya galing ang pera. Ang puno ng ospital ang namamahal niyon.

Isang araw ang pilantropong ito ay naglalakad pauwi sa kanyang bahay pagkat hindi pumasok ang kanyang tsuper.

Hindi akalain ni Oberlin, dakilang pilantropong Aleman na sasamang bigla ang panahon.

Lumakas ang ulan ng yelo. Wala siyang nadalang sasakyan. Dahil sa tindi ng lamig ay namanhid ang buo niyang katawan.

Ang kapal ng yelo o snow sa daan. Hindi na rin maihakbang ni Oberlin ang kanyang mga paa.

Natabunan na siya ng makapal na yelo. Sumigaw siya ng malakas. Kinausap na rin niya ang kanyang sarili na maghihintay na lamang siya ng kanyang kamatayan.

Narinig ng isang magbubukid na titingnan ang mga alaga niyang manok sa kulungan. Hinanap niya ang pinangalingan ng sigaw.

Nakita niya ang sumbrero na nakalubog sa yelo. Nakapikit si Oberlin pagkat mahinang-mahina na siya noong mga sandaling iyon.

Kinarga si Oberlin ng magbubukid at dinala niya sa kanyang munting bahay.

Doon ay pinagtulungan ng mag-asawa na bigyan ng init ang katawang parang yelo ni Oberlin.

Nang gumaling na si Oberlin ay tinanong niya ang mag-asawa kung magkano ang kanyang maitutulong na pera ngunit sila ay ngumiti at ang wika.

"Padala kami ng Diyos sa iyo…"

Napaluha si Oberlin at lalong lumakas ang kanyang pananalig sa Diyos.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home