Bugsfely

Tuesday, April 25, 2006

Liwanag mula sa karimlan

by Bella Angeles Abangan

God moves in a mysterious way

His wonders to perform;

He plants His footsteps in the sea,

And rides upon the storm.

His purpose will ripen fast,

Unfolding every hour;

The bud may have a bitter taste,

But sweet will be the flower.

Blind unbelief is sure to err,

And scan His work in vain;

God is His own interpreter,

And He will make it plain.

Ang tulang nasa itaas na may pamagat na “Light Shining Out of Darkness” ay sinulat ni William Cowper.

Iyan ay bantog na bantog dahil sa unang saknong na ay pawang himala o kababalaghan ang ginawa ng Poon.

Ang Panginoon ay lumakad sa tubig at ang sinakyan ay bagyo. Ang kanyang layunin ay malalaman din natin sa dakong huli. Ang buko ng halaman ay mapait ngunit matamis ang bulaklak nito.

Iyong bulag nating paniniwala ay hindi kayang ipaliwanag ang kanyang ginagawa.

Narito ang istorya na maaari nating pamagatang Sumbat sa Budhi.

Pinagsisihan ni Manoling ang ginawa niyang pagkaduwag ngunit wala siyang maaaring pagpilian noong mga panahong iyon.

Immigrant ang buo nilang pamilya. Pilit na isinama ng kanyang magulang si Manoling pagka’t dalawampung taon na siya. Sa isang taon ay hindi na siya papayagan ng US Embassy na makapunta sa Amerika. Ang cut-off age ay dalawampung taong gulang.

Hindi na siya nakabalik ng Pilipinas. Siya ang paboritong anak ng kanyang ina na naging invalid mula ng ito’y ma-stroke.

Sa pagsunod ni Manoling sa kanyang ina, naiwan niya si Thelma na nagdadalang-tao. Ito ay kanyang nobya. Iyon ang nagpabalisa kay Manoling araw-araw. Hindi sila nagka-anak ng kanyang naging asawa sa Amerika na si Melody, isang Pilipina na naging masakitin.

Ngunit milyonaryo ang mga magulang ni Melody. Sa kanila ipinamana ang pera sa bangko at mga ari-arian.

Halos sabay si Melody at ang ina nito. Noon naisipan ni Manoling na umuwi ng Pilipinas. Kamamatay rin lang ng ina ni Manoling noon.

Samantala si Jenny, ang naiwang anak ni Manoling kay Thelma ay hindi nakatapos ng elementarya. Siya ang tagahanap-buhay para sa ina at Lola.

Nagtitinda siya ng supot na plastik sa palengke ng Quiapo.

Doon silang nakatirang mag-iina sa tabi ng ilog Pasig sa gilid ng palengke. Maliit at sira-sira ang kanilang barung-barong.

Pinahintulutan ng tadhanang magkita sina Manoling at Jenny. Nagpakilala si Jenny.

Masama ang loob niya sapagkat sa kahirapan ay hindi na siya nakapag-aral. Hanggang Grade II lang ang natapos niya. Nag-iisa na lamang siya sa kanilang giray-giray na barung-barong.

Hindi kumikibo si Manoling. Ang totoo ay tuwang-tuwa siya sapagkat natagpuan din niya sa wakas si Jenny.

Inabot ni Manoling sa anak ang malaking envelope na may lamang sulat niya sa kanyang ina na pawang bumalik. Maling tirahan. Lumipat na noon ang ina at lola ni Jenny.

Inabot din ni Manoling sa anak ang complete report ng isang detective agent tungkol sa kanilang mag-ina. Sila pala’y pinasusubaybayan ni Manoling kahit noon pa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home