Bugsfely

Monday, May 22, 2006

Ilang kaarawan mo pa?

Bella Angeles-Abangan

A man was beaten by some thieves, And left alone to die;
Ignored by some who saw him there, But simply passed him by
With compassion in his heart
A good Samaritan
Bound up his wounds with healing oil,
And took him to the inn.
If I should meet someone today,
Discouraged and in need;
Would I respond by helping him
With kindly word or deed?
Or would I choose to pass him by,
And turn th other way?
How would I act? What would I do
If this occured today?

Sinulat ang tula sa itaas na may pamagat na THE GOOD SAMARITAN ng isang makata na nais ibahagi ang magandang mensahe. Hindi nagpakilala ang makatang ito na matulungin, may pusong maka-Diyos at maka-kapwa.

Noong magkaroon kami ng rekoleksyon noon sa kombento ng mga madre sa Maneza ay nagpaliwanag ang retreat master na pari ng ganito:

“Upang maiwasan ninyo ang tukso ay itanong ninyong lagi ang ganito: Ilang kaarawan pa ako mayroon sa mundong ito? Anong sarap kung araw-araw ay unti-unti ninyong paghahandaan ang maluwalhati o kasumpa-sumpang araw na iyon.”

Senario One:
Ang katulong ay umiiyak. May nakapagsabi na may malaking problema ngunit hindi man lang siya pinansin. May damdamin siya. May kapaguran din siya. Alipin siya na lahat ng utos ay kailangang sundin. Kung iyong pagmamagandang-loob ay ipinakita sana ng amo. Tanim na iyan upang gumanda ang buhay sa lupa at kabila.

Senario Two:
Iyong kasamahan sa trabaho ay walang-wala. May pasahe paparoon ngunit wala kung pauwi. Gaano na abutan ang kaawa-awang kapwa.

Senario Three:
Naglagay ako ng “Wanted Cook” sa baba ng kolum na ito. Maraming tumawag. Salamat sa Poon nakakuha ako ng dalawang tagaluto, sina Nora at Lino. Dumating ang dati kong cook na working student na kumukuha ng Education.” Payat siya at umiiyak.

“Mahirap pala Tita Belle ang labis na laya. Bed spacer po ako at nag-aaral din sa gabi. Nagtatrabaho po ako sa isang fast food. Pero iba si Tita Bella. Hinahanap ko po ang ating malaking pamilya. Kapag hindi ninyo ako pinabalik, ewan ko po, kung ano po ang mangyayari sa buhay ko. Napakarami pong tukso sa labas.....”

Tinanggap kong muli si Noeme. Marahil sapat nang aral ang kanyang karanasan.

May tumawag. Magluluto raw sila. May kasama siya na all around helper. Pero, buntis siya. At ikawalong buwan. Pinipi niya ang sanggol sa tiyan sa pagsusuot ng maong na pantalon araw-araw. Hindi raw alam ng amo na dalawang buwan na ang sanggol sa kanyang tiyan nang pumasok siya bilang katulong doon.

Tinanggap ko sila hindi upang magluto may nakuha na akong cook. Tinanggap ko sila alang-alang sa napiping sanggol sa tiyan.

Pinasamahan ko si Annie sa PGH para sa check up. Labis daw ang liit ng sanggol ayon sa cityscan.

Pinakain ko siya ng anim na beses sa maghapon. Tubig oras-oras at mga bitaminang pantulong.

Nagsilang si Annie noong Marso 12, ng isang napakagandang batang babae na tinawag naming Aileen. Siya ay si Princess Aileen.

Ang sanggol ay nakaligtas sa incubator. Siya ay five pounds.

Sabi ng tresurera ng aming ampunan kahapon, “Tita Belle. zero-zero balance na po tayo....limang araw na kaming hindi nakakapunta sa lingguhang palengke sa Divisoria.”

“Relaks ka lang. Maraming kakalabitin ang Panginoon na sumusubaybay nito. Maraming Samaritano ang tutulong...”

Sa mga bills ang pambayad ay galing sa Lakbay-Diwa columns at books ngunit ang lahat ng pangangailangan ay galing sa mga samaritanong di-nakalilimot.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home