Bugsfely

Thursday, May 11, 2006

Kapag tinapik tayo

by Bella Angeles Abangan

Maraming nalilimutan

Napabayaan sa buhay


Pagtapik ay naramdaman.

Sundin agad at pakinggan.

Pagka’t tayo’y tao lamang...


Isang linya iyan sa isang awit. Ang tao ay tunay na marupok. Madaling matukso at magkasala.

Sa kislap ng salapi wala riyang kapamilya, kamag-anak o kaibigan. Nariyan ang kaimbian ng tao.

Sa pagpapasasa sa salapi at luho sa buhay sa buhay ay tuluyan nang nalimot ang Diyos at mga mahal sa buhay.

Nawala sa kanyang gunita na minsan ay haharap siya sa “Timbangan ng Buhay.” Siya ang hahatol kung saan patungo ang kaisa-isa nating kaluluwa.

Narito ang isang istorya ng isang mag-ina na ubod ng yaman.

Iyong kanyang nag-iisang anak ay kanyang tagapagmana ng lahat niyang pundar.

Ipinagpatuloy ni Thelma ang negosyo ng kanyang yumaong asawa na palaisdaan sa Carmona. Ilang hektarya ang kanyang mga bangus at tilapia.

Iyong malawak niyang bakuran ay ginawa niyang Town Homes. Marami siyang pera sa stock market. Namana niya ito sa kanyang milyonaryang asawa.

Isang madaling-araw umuuwi ang anak niyang binata. Nabangga ang bagong kotse nito. Noon pa ay ipinaramdam na kay Thelma na delikado ang labis niyang pagpapalayaw kay Dennis, isang binata.

Maraming vibration ang kanyang nakukuha sa pag-uwi nito ng hatinggabi na kung minsan ay lasing pa.

Isang gabi ay naaksidente si Dennis. Nabangga ang kotse niya ng isang truck. Agaw-buhay ito nang dalhin sa emergency room, pinakamalapit na ospital.

Hinimatay si Thelma nang malaman niyang patay na ang kanyang kaisa-isang tagapagmana. Kahit isa sa pito niyang katulong ay hindi namighati sa kanyang pangungulila. Ubod nang sakim ni Thelma. Kahit sinong katulong o kanyang manggagawa ay hindi man lamang niya natutulungan sa kanilang paghihirap.

Pagkatapos ng libing ni Dennis ay biglang bumait si Thelma. Nag-iisa na siya sa buhay!
Natagpuan niya sa mga gamit ni Victor, kanyang mister ang isang sulat ng anak nito sa labas, si Jenny.

Minsan ay nagsadya sa kanya ang dalagita na ito na humihingi ng tulong. Malubha ang kanyang ina na nasa ospital. Hindi niya ito sinabi sa kanyang mister. Hindi niya ito tinulungan.

Pinuntahan ni Thelma ang tirahan ng dalagitang nakikipagsulatan sa ama, kay Victor.
Naroon ang dalaga na naglalaba. Doon na niya nilabhan ang mga tanggap nitong labada.
Hindi talagang maiiwan ni Jenny ang tatlong kapatid niya sa maliliit. Sila ay sina James, anim na taon, Fanny, walong taon at Millet sampung taong gulang.

Niyakap nang mahigpit si Thelma ni Jenny iyong mga luha sa mata ni Thelma ay nangangahulugan ng tuwa.

Parang umakyat sa langit ang apat na magkapatid na pawang napatigil sa pag-aaral.
“Anong bait ng Diyos!” Ito ang wika ni Jenny noong isinakay na sila ni Thelma sa magarang kotse nito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home