Bugsfely

Monday, May 29, 2006

Tumawa at liligaya ka

Bella Angeles-Abangan

“Why should we not have a good time from a part of our daily program? Why should not this enter into our great life plan? Why should we serious and gloomy because we have to work for a living? There is a moral as well as healing influence in things which amuse and make us enjoy life. No one was ever spoiled by good humor, but tens of thousands have been made better by it. Fun is a good necessary to the wholeness of man as bread.”

Ang siniping talata ay sinulat ni Dr. Sidney N. Bremer. Ang kanyang mensahe ay ang tuwa o halakhak ay pagkain tulad ng tinapay. May dala itong gamot upang makalunas sa dinaramdam ng katawan.

Ang tanong ng sumulat ay bakit hindi natin isama sa ating plano ang mga gawaing magpapaligaya ng ating puso?

Ito ang maikling payo ni Dr. Marden:

“Use the laugh-cure, fun cure at home. Throw away the drugs and save on the doctors bills.”

Napakahalaga ng tawa sa ating buhay. Iyong pagiging masaya ay nakakaligaya ng ating puso. Nakakahaba ng buhay. Nakakaunlad ng kabuhayan pagka’t nakawawala ng problema.

Narito ang istorya ng isang Lolo na laging nagagalit mula nang siya’y mabyudo. Ang hindi malaman ng kanyang mga anak kung sadyang totoo ang kanyang reklamo o hindi. Inis siya sa lahat ng mga tao.

Tinanggihan na siya ang apat niyang mga anak. Daing nang daing at laging nagagalit si Lolo Hugo.

Inilipat si Lolo Hugo sa bahay ng kanyang bunsong anak na si Dante. Maliit ang bahay at mahirap lamang sina Dante.

May animnapung taon na si Lolo Hugo ngunit malakas pa rin. Noong unang Sabado ng buwan ni Lolo Hugo sa bahay ni Dante ay malungkot siya habang nakaduyan sa swing sa harapan ng bahay at nag-iisip.

Nilapitan si Lolo Hugo, “May kamukha ka napanood po namin sa telebisyon. Mabait po siya Lolo at tawa nang tawa. Kaya daw po siya tawa nang tawa ay upang mabuhay siya ng matagal. Sana, Lolo, tumawa ka rin nang tumawa. Siguro kaya ka malungkot ay dahil namatay ang Lola, hindi ba Lolo? Dapat mag-asawa ka Lolo.”

“Iyong kalaro ko Lolo sa tapat ng ating bahay ay may Lola na laging malungkot. Gusto mo, ireto kita sa Lola ni Shirley? Nakita ko na ang kanyang Lola. Masaya at maganda pa rin iyong lola ni Shirley. Paliligayahin ka niya at tiyak patatawanin ka niya lagi. Bukas Lolo, pupunta ako kina Shirley. Irereto kita.”

“Damuhong bata ito at ipahahamak pa ako....”

“Lolo kapag nag-asawa ka, babata ka pa...” Kinabukasan, nataranta at tumawa nang tumawa si Lolo Hugo.

“Lolo, magpustura ka mamaya. Sabi ko sa Lola ni Shirley darating tayo mamayang hapon. Mabuti raw nang makausap siya. Sabi ko kay Lola Medy na guwapo ang Lolo Hugo ko. Humanda ka Lolo, inililigaw kita.”

Tumawa nang tumawa si Lolo Hugo. Nawala ang matindi niyang pangungulila. Nagpasama si Lolo Hugo sa kanyang anak na si Dante sa barber shop.
Purihin ang Panginoon iibig na muli si Lolo Hugo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home