Bugsfely

Thursday, July 06, 2006

Pampasigla ang mga mithiin natin

Bella Angeles-Abangan

“To fix a wandering life and give it direction is not an easy task. But a life which has no definite aim is sure to be fritted away in empty and purposely dreams. Listless fritters, busy idlers, purposely busy bodies are seen around, a healthy definite purpose is a remedy for a thousand bills which attend aimless lives.” Ang sumulat ng nasa itaas na talata ay si Sweet Marden Orison.

Naranasan niya ang maging yagit na dinadalang agos sa kanal Wala siyang magulang na magtatanong sa kanyang pagdating kung kumain na siya. Wala rin siyang bahay na uuwian pagsapit ng gabi. Mistula siyang isang kaluluwang lagalag.

Wala rin siyang paaralan na gagabay sa kanyang pag-aaral. Ang matindi niyang problema ay kung panahon ng pag ulan ng niyebe o yelo. Mahihirapan siyang matulog sa bangketa. Kayat nakikitulog siya sa itaas ng kisame o atip sa bahay ng kanyang mga kaibigan.

Nagkaroon ng direksiyon ang buhay ni Orison ng mabasa niya sa atip ang manipis na aklat ni “Samuel Smiles, Self-Help”. Mula noon ay nagkaroon na siya ng direksiyon sa buhay. Sumilang na ang mithi sa kanyang puso. Nag-aral kahit na malaki na siya. Magbabasa siya ng magbabasa upang mabalikan niya ang mga nakaraang leksiyon.

Si Orison ay nakatapos sa University of Boston. Narating niya ang pinakamataas na Education, nakamit niya ang doktorado sa Education. Nagbigay siya ng leksiyon upang pukawin ang kaisipan ng mga mahihirap na bata na may natatagong potensiyal katulad niya.

Noong ginagawa ni Mang Domingo, ang latero ang aming lumang L-300 ay naikuwento niya sa aming family driver na si Mang Ben na may black sheep daw sa kanilang pamilya. Narito ang bahagi ng kanyang kuwento:

“Sumuko na nga kaming mag-asawa sa aming anak na si Zaldy. Bawat guro niya ay ipinatatawag kami mula ng siya ay nasa Grade I. pasang awa siya sa kanyang grado at kay haba ng kanyang mga bad record sa school. Galit narin sa kanya ang aming baranggay chairman, naninigarilyo na siya at palaging nasa tong-its.

Hindi siya matalo kahit sa mga binata na ang kanyang mga kalaban. Bihira na siya kung umuwi ng bahay. May takot na kami na baka kung ano ang mangyari sa kanya. Marami din siyang kaaway mga myembro ng fraternity. Wala kaming kapayapaan ng isip...”

Malayo ang bahay nila sa Bagong Silang pa, doon din dinadala ang mga iskuwater na nanggaling sa iba’t ibang pook.

Ipinadala ko kay Domingo si Zaldy bago magmahal na araw.

Maliit si Zaldy maitim, payat at listong bata. Lahat ng kanyang potensiyal ay ginamit niya sa kasamaan. Sa tatlong linggong pamamalagi niya sa amin ay tatlong beses siyang tumakas.

Minsan ay ipinasama ko siya sa “Life in the Spirit Seminar.” Na itinatag ni Bro. Bingbong Crisologo ito ay sa Love Flock.

Iyong unang kanyang pagdalo ay pinalabas siya dahil bawal daw ang doon ang bata. Iyong ikalawa ay pinasingit ko siya. Sabi ko kahit “saling pusa” may mapupulot din si Zaldy para sa kanyang kaluluwa.

Noong pagkatapos ng kanyang tatlong araw na siminar ay nawala ang kanyang pagkagalawgaw.

Iyong sinasabi na baka hawahan niya ang mga batang lalaki sa aming ampunan ay kabaligtaran ang dinadasal ko. Siya ang mahawahan ng mababait kong ampon.

Noong makarating siya sa pook ng Sisters of Mary sa Silang Cavite ay nakita niya mula sa labas ang ganda ng lugar. Nagkaroon siya ng “mithi” na mapabilang siya sa mga nagtatatakbong bata sa limang hektaryang lupa. Mayroon din silang tatlong gusali na tig-aapat na palapag.

Hindi siya marunong magbasa ng English o sa Pilipino. Iyon bang panay pasang-awa ang grado niya makaalis lamang sa paaralang iyon ay ipinapasa na siya.
Ipinasok ko si Zaldy sa paaralang malapit sa amin. Kasamasama si Zaldy sa limang araw na pagkuha ng mga gulay na ipinupull-out sa isang malaking supermarket.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home