Bugsfely

Thursday, July 13, 2006

Mahalin ang pamilya

Bella Angeles-Abangan

We may not always realized that everything we do, Affects in our lives but touch others too,

And little of thoughtfulness
that shows we care,
Creates a ray of sunshine
For both of us we share,
Yes everything we offer
Someone a helping hand,
Every time we show to them care and understanding:
Every time we have a kind and gentle word to
gentle word to say,
We help someone and joy in
this world where we stay;
For happiness brings happiness
is the love we always stay,

Ang tula sa itaas ay ipinahahayag ng sumulat na hindi nagpakilala ang pag-ibig na ating ibinigay sa pamilyang ating bubuuin ay napakalaki ng epekto.

Sinasabi sa tula ay magsilbi at maglingkod tayo sa pamilya maging lider tayo sa pamilyang ating kinagisnan. Maging modelo tayo sa ating pamilyang binubuo at ginagabayan maging tayo ay magulang o anak.

Magkaroon tayo ng repleksiyon kung ano ang papel na pinagaganap sa atin ng Diyos.

Narito ang isang tinedyer na nalulong sa barkada. Nilimot niya na siya ay estudyante. Hinahasa siya sa paaralan upang kumita siya ng maganda pagdating ng araw.

Naging kaaway ni Nando ang buo niyang pamilya. Laging ginagabi kung umuwi si Nando. Para sa tinedyer na ito ay maligaya na siya sa kanyang kabarkada. Sa piling niya na kakatikim ito ng ligaya. Kayat kapag siya’y kinagagalitan ay nagwawala siyang lalo. Minsan ay halos madaling araw na ito kung sumipot sa kanilang tahanan.

Isang araw ay nagyaya ang ama ni Nando, si Manuel na magpasyal at kumain sa labas. Nagkaroon sila ng simpleng piknik doon sa may tabing dagat ng PICC.
Nakapaghanda si Isay ng adobo, ginisang bagoong na alamang at mangga manibalang at ginisang corned beef.

Anong sarap ng kanilang salu-salo, pagkatapos nilang kumain ay nagpahayag si Manuel na marami siyang sharing na ipapahayag sa inyong lahat lalung lalo na sa inyo mga anak.

“Maganda ang takbo ng aking pag-aaral noong ako’y nasa elementarya. Ngunit noong ako’y naroon na sa haiskul ay nag-iba na ang takbo ng aking pag-aaral. Sa pagmamahalan ng aking pamilya ay bigla akong naging ‘outsider.’ Mula sa umaga hanggang gabi ay barkada ko ang aking nasa isip at laging binibigyan ng priority. Natuto rin akong mag-‘cutting classes.’

“Natuto rin akong gumamit ng mariwana ang nagturo sa amin ay si Norman ang kaibigan ko na pinakamalaki lagi ang baon sa amin.

“Ako ang unang naging masama sa aming pamilya. Lagi akong ipinagtatanggol ni inay hanggang matuto na ring umuwi ng gabi si itay. Hanggang makisama siya sa kanyang childhood sweetheart, nang dahil sa aming hindi magandang samahan, away dito away doon ay maagang nakapag-asawa ang aming dalawang ate.

Pawang tanan ang kanilang ginawa. Pinahinto na ako ni inay noong isinumbong ako ng aking guro na may dalawa akong bagsak. Nangangahulugan na uulitin ko ang aking fourth year.

“Nang nagtanan kami ng iyong ina ay nagkasakit si inay dahil ako ang kanyang paborito, dahil nag-iisa akong lalaki. Iba’t-ibang trabaho ang pinasukan ko upang kumita lamang.

“Sa pabrikang pinapasukan ko ay dyanitor ako ang bagong manager ay kaklase ko na komokopya lamang sa akin noon.

“Bukas ay doon na ako maglilingkod sa opisina niya. Nalaman niya na may sakit ako sa baga siya ang magpapagamot sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit ibig kong makatapos kayong lahat ng pag-aaral lalo ka na Nando dahil ikaw ang magiging padre de pamilya pagdating ng araw.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home