Bugsfely

Monday, July 10, 2006

Mga kaluluwang pinag-isa

Bella Angeles-Abangan

"What greater things is there for you two human soul than to feel that they are joined for life to strengthen each other in all their work, to rest on each other in all sorrow to minister to each otner in all pains, to be one with another in silent, unspeakable memories at the moment at the last parting." Sinulat iyan ni Mary Ann Evans ang ginamit niyang penname ay George Elliot.



Kilala si Mary Ann sa kanyang magagandang pangaral. Sa kanyang isinulat sa itaas ay naroon ang kanyang pahayag na napakataas ang uri. Pagsasama ng mag-asawa kung nag-iibigan.

Sila na magkapilas puso ay magkakasama sa hirap at ginhawa. Magkasalo anumang dusa at saya sa buhay.

Nakakalungkot kung malaman ng isa na ang kanyang kabiyak ay may taning na pala ang buhay.

Sa tuwing magigising siya sa gabi ay naroon ang katotohanan na malapit na siyang iwan ng kanyang kabiyak. Narito ang sinulat ni Andre Mauricious, tungkol sa pinag-isang mga puso na laging nagpapadama ng pag-ibig.

"Asuccessful marriage is an edifice that must be rebuilt everyday."

Upang tumagal ang pagsasama ng dalawang sadyang pinag-isa ng Panginoon ay narito ang ilang Tips upang maging mabango ang pagsasama.

Alagaan ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpapadama kung gaano siya kamahal araw-araw. Minsan sa dantay ng kamay o hawak ay nararamdaman na naroong taglay ng kanyang palad ang isang libong pagmamahal.

Nariyan ang akbay ng kabiyak na puno ng pagmamahal. Ang hagod ng kamay sa buhok habang natutulog ang kabiyak. Kahit iyong paglalagay ng kumot upang hindi siya malamigan. Ang mga dampi ng palad sa pisngi ng minamahal ay napapapitlag ang puso. Maraming nagagawa ang mga kamay ng isang minamahal… Kahit sila ay malayo sa isat-isa ngunit nagkakatanawan ay isang kaway lamang na kakambil ng ngiting puno ng pag-ibig ay sapat na.

Iyong hagod ng kamay sa pagod na likod sa dumating na kabiyak. Paglalagay ng pulbos sa pawisang katawan. Ang hagod ng kamay ng minamahal sa masakit na katawan ay katumbas na ang libu-libong pagmamahal.

Iyong "little things means a lot" ay isang maligayang pitlag ng puso kung ito ay matatanggap. "Love notes" ng mahal na kahit sila ay walang wala kapag sinulat ang laman ng puso ay daig ang mayayamang mansion ngunit nag-aaway.

Isang bulaklak lamang ng rosas na dala ni mister ang "peace offering" ay malaki ang nagagawa ng pusong sinugatan.

Isang balot na pansit na dala ng manggagawa para sa kanyang kabiyak ay anong sarap ng pakiramdam ng inaalayan.

Pag-iingat na huwag masugatan ang puso ng kabiyak. Pigil ang makamandag na sila. Pawing inspirasyon ang laman ng mga salita para sa isang mahal.

Pagluluto ng paboritong ulam ng kabiyak. Naroroon ang paghahandog na kasama ang pag-ibig. Anong sarap ng samahan ng mag-asawa na naghihintayan sa oras ng pag-kain. Pagsusulat ng mga liham na puno ng pag-ibig para sa malayong minamahal.

Isang mister sa Saudi ang nakatanggap ng isang handog na mula sa misis sa kanyang kaarawan.

Naroon ang inggit ng mga kasama ng mister. Pagkat ang handog ay hindi matutumbasan ng salapi. Ito ay tinatawag na "Album ng Pag-ibig." Naroon ang mga larawan na may istorya mula sa araw ng kanilang pagkikita. Bawat larawan ay may istorya. Ang mister ay natulog na ang handog ng kanyang misis ay nasa ibabaw ng kanyang dibdib.

Sa tatlusok na pag-ibig ay naroon at kasama nila ang Panginoon. Nasa kanila ang bendisyon. Para sa walang hanggang pag-iibigan.

Halinang patamisin ang mga natitirang taon ng pagsasama.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home