Bugsfely

Monday, July 10, 2006

Pampalakas ang balakid

Bella Angeles-Abangan

"The man who succeeds has a program, he fixes his course and adhered to it. He lays His plans and execute them; he goes to his goal. He is not pushed this side and that every time a difficulty is trust in his way. If he can’t go over it he goes through it. Nothing within the realm of the possible can with the man or woman who is intelligent beat on success."


Ang taong may plano sa buhay ay hindi maaaring matumba o madapa pagkat babangon siya at magpapatuloy.

Iyan ang matalinong tao kapag naroon sa kasaganaan ay napakaganda ng kanyang katayuan nasisiyahan siya at hindi nagmamalabis.

Kapag naroon sa kahirapan ay masiglang nakikipaglaban. Ganyang ang buhay na maraming hirap, pighati at dusang dumarating. Ang taong ito ay matatag at matibay.

Ayon sa English proverbs ay: "Adversity makes a man wise."

Narito ang istorya ng isang bata habang lalong nahihirapan ay lalong tumatapang.

Si Marcelo ay pinagtatawanan lagi ng kanyang mga kapatid. Tahimik lamang ang kanyang ama at ina sa nakikita nila na aral ng aral. Ang pangatlo sa anim na magkakapatid.

Sa maliit na barong na iyon ay may maliit na gasera. Si Marcelo laging humihiram ng mga libro sa kanilang aklatan sa paaralan.

Kapag Biernes ay nag-uuwi si Marcelo ng aklat ng dalawang piraso. Noong una ay mga kuwento ang kanyang binabasa ngunit ng magtagal ay ibat-ibang aklat na ang kanyang hinihiram.

Noong dumating si Marcelo sa ika-limang baitang ay lumipat sila ng bahay pagkat pinaalis ang mga iskuwater sa lupang iyon.

Maaga na lamang siyang umaalis ng bahay at habang naglalakad patungo sa paaralan ay may sampung spelling words na kanyang isinasaulo. Ito ay hindi nila assignment.

Napunta si Marcelo sa section one sa Grade V. Natalo niya ang kanyang mga bagong kaeskuwela.

Nagkasakit si Marcelo ng H-Fever. Inutusan niya ang kanyang kapatid na humiram ng notebook sa kanyang kaeskuwela at kahit sa higaan ay nag-aaral pa rin siya.

Lalong nanguna si Marcelo sa klase pagkat buong libro ng kanyang subject ay binabasa at pinag-aralan niya ng advance ang kanilang mga leksyon. Tuwing dumarating ang Abril at Mayo ay kanyang hinaharap ang lubusang pagbabasa.

"Totoo pala ang kasabihang ang taong pala basa ay laging nangunguna."

Naging balediktoryan si Marcelo sa elementarya. Nakapasa rin si Marcelo sa written exam sa Philippine Science Highschool. Naroon siya nakatira sa Dorm ng paaralan, may alawans pa siyang tinatanggap. At pagkatapos ni Marcelo sa highschool ay nagtungo siya sa UP at pagkatapos niya sa UP ay hindi pa rin siya tumigil. Nagtungo siya sa abroad at kumukuha ng MBA. Doon na nakapagtrabaho si Marcelo.

Ang lahat ng kanyang pagsusumisigasig ay dahil noong araw na siya ay nasa elementarya. Nagbiro ang kanyang kaklase, inilagay nito ang pitaka sa loob ng lumang bag ni Marcelo. Iyon ay pag-aari ni Norman. Ang nagbiro ay si Danny at ganoon na lamang ang panghihiya nito kay Marcelo.

Dinala si Marcelo sa silid ng guidance councilor.

Noon siya sumumpa sa sarili na sa tulong ng maykapal ay lalo siyang mangunguna. Ang puhunan niya ay tapang, tibay ng loob at pananalig sa Poon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home