Bugsfely

Sunday, July 16, 2006

Suriin ang sarili

Bella Angeles-Abangan

Just stand aside, and watch yourself go by; Think of yourself, as "He" instead of "I". Pick flaws, find fault, forget the man is you, And strive to make your estimate ring true.
The faults of others then will dwarf and shrink.
Love’s chain grows stronger by one mighty link,
When you with "he" as substitute for "I."

Ang tula sa itaas na pinamagatang "A Cure For Fault Finding" ay mula kay Strickland Gillilan.

Upang maunawaan natin ang ating sarili ay kailangang suriin nating mabuti pagka’t hindi natin nalaman na iyong ating pinipintasan ay higit pa tayong masama sa kanya.

Kapag sinuri natin kung sino tayo ay mauunawaan natin ang ating kapwa. Matatanggap na natin sila.

Narito ang isang istorya ng magbiyenan. Iyong pagiging mataray ng kanyang biyenan ang dahilan kaya’t ayaw sumuko ni Jasmin, reyna ng katarayan.

Nagkasakit na ang kanyang biyenan ay hindi pa rin siya dumadalaw.

Noong magtanan ang kanyang panganay, si Jason ay nagkaroon siyag bigla ng manugang. Siya ay agad naging biyenan.

Napuna niya ang kanyang sarili na ubod ng taray kay Evita, na kaklase ni Jason.

Nagdadalang-tao si Evita kaya’t sumama ito sa kanyang anak na nag-aaral din. Pareho silang nasa ika-apat na taon sa Accounting .

Tatlong lalaki ang anak ni Jasmin. Noong sumumpong ang sakit sa puso ni Jasmin ay si Evita ang nagbabantay sa kanya sa gabi kahit nagdadalang-tao ito.

Samantala, nang magkasakit ang kanyang biyenan ay hindi na nag-alaga si Jasmin ay hindi pa rin ito dumadalaw.

Si Evita ay tumutulong sa kusina pagka’t umalis nang lahat ang kanilang mga katulong.

May dalawang linggo si Jasmin sa ospital. Hindi rin siya dinalaw ng kanyang biyenan. Gumaganti lamang ito.

Nang bumalik si Jasmin galing sa ospital ay hindi siya makapaniwala. Nagpatahi si Jasmin ng bagong kurtina na kulay ginto ang buong sala. May bagong kobre kama ang higaan ni Jasmin. May isang linggo ring nananahi sa kanila ang pinsan ni Evita.

Sa kusina ay naroon ang "cork blackboard" sa dingding. Si Evita ay gumawa ng talaan ng isang linggong menu. Si Evita rin ang namamalengke.

Noon naihahalintulad ni Jasmin ang kanyang sarili kay Evita. Mula nang ikasal sila ng kanyang asawa ay hindi man lamang siya nakapaglingkod kahit minsan sa kanyang biyenan.

Kinabukasan, nagpahatid si Jasmin sa bahay ng kanyang biyenan. Namili muna siya ng mga prutas.

Iyong balak na dalawa ay napalitan ng ganito:

"Mama, sa ayaw po ninyo o gusto ay isasama ko kayo sa amin. Ako po ay magaling-galing na. Aalagaan ko po kayo. Patawarin po ninyo ako."

Yumakap ang matanda kay Jasmin at humagulhol ng iyak. Iyak ng kaligayahan pagka’t ngayon lamang siya nasiyahan. Makakapiling na rin niya ang kanyang anak.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home