Bugsfely

Thursday, August 03, 2006

Wastong direksyon sa buhay

Bella Angeles-Abangan

Out of our beliefs are born deeds, Out of our deeds we form habits, grow our character; and on our character we build destination.


Ang awtor ng nasa itaas na tula ay si Henry Hancock. Ipinaliwanag niya nang dahil sa ating mga paniniwala ay susunod na ang ating aksiyon.

Mula sa aksiyon kapag lagi itong ginagawa ay nauuwi na rin ito sa habit o ugali. Mula sa pag-uugali ay nabubuo ang ating destinasyon sa bahay o destiny.

Narito ang tatlong Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan sa Araw-araw na Pamumuhay:

1. Three things to govern;
Tamper, Tongue and Conduct

2. Three things to cultivate;
Courage, Affection and Gentleness;

3.Three things to commend;
Thrifty, Industry, and Promptness

4. Three things to despise;
Cruelty, Arrogance and Ingratitude;

5. Three things to wiser for;
Health, Friends and Contentment

6. Three things to admire;
Dignity, Gracefullness and Intellect;

7. Three things to aspire
Good Death, Preparedness to Death and – Heaven

8. Three things to Give;
Alms to the needy, Comfort to the sick and Love – and served to God.


Iyan ang tatluhang “Kredo ng Buhay.” Kailangang maging seryoso tayo sa ating buhay. Iyong laman ng ating isip ay laging naka-ugnay sa Diyos. Narito ang kuwento ng dalawang dalaga na alaga ay mga pangaral ng kanilang lola.

Mula nang isilang si Charie ay itinabi na siya ng kanyang Lola Miding. Nang sundan si Charie ay itinabi rin ito sa kaniyang Lola dahil maysakit ang kanilang ina na pulmonya.

Pagkaraan ng limang linggo ay namatay ang kanilang ina. Inihasik ng matanda ang tatluhang kredo sa dalawang dalaga. Malalim ang kahulugan ng bawat salitang nabanggit.

Si Gracia ang sumunod kay Charie. Iba ang ugali nito kaysa kay Charie.

Magkaiba ang ugali ni Gracia mahilig siya sa sosyalan, madali siyang makipagkaibigan.

Dumaan pa ang ilang taon tapos na si Charie may boyfriend siya, si Bong.

Isang hapon ay natagpuan ni Charie na dinala siya ni Bong sa isang motel.

May sinabi dito ang kanyang lola. “Makipag digmaan ka at ipagtanggol mo ang iyong puri.”

Naroon na si Bong sa loob ng first class motel na iyon, naka brief na lang si Bong at naka ngiti ito sa kanya. Ito ang tugon ni Charie:

Nagpakamatay ang aking kapatid na si Gracia, pagkat niloko siya ni Dexter. Papatayin ko muna ikaw kapag nagpilit ka, tandaan mo ako na lamang ang pag-asa ng aking lola, subukan mong magkamali at dead ball ka. Hindi ako natatakot maging kriminal sa pagtatanggol sa aking puri.....”

“Sige Charie may katuwiran ka. Magbihis lamang ako sandali...” Iyan ang huling pakikipag-usap, ni Charie kay – Bong. Ang baba pala ng pag-katao ni Bong. Walang Diyos sa puso.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home