Bugsfely

Wednesday, November 15, 2006

Ang Gintong KautusanBella


Bella Angeles-Abangan

All seven of the great religions of the world have Golden Rules.
The Hindu: "The true rule is to guard and do by the things of others as you do by your own."
The Buddhist: "One should see for others the happiness one desires for oneself."
The Zoroastrian: "Do as you would be done to you."
The Confucian: What you do not wish done to yourself do not do to others."
The Mohammedan: "Let none of you treat your brother in a way he would dislike to be treated." The Jew: "Whatever you do not wish your neighbor to do to you, do not unto him."
The Christian: "All things whatsoever ye would that men do unto you, do ye even so to them."


Ang magkakasingkahulugang Kautusan ay nagsasabi na kung anong gusto ating gawin ng kapwa natin sa atin ay ganoon ang gawin natin sa kanila.

Hindi natin dapat saktan ang kalooban, ang isip o katawan ng ating kapwa pagkat iyon din ang gagawin sa atin.

Iisa ang kautusan: Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.

Narito ang isang istorya ng isang dalagang hindi na nag-asawa. Naging doktora ang dalagang ito pagkat noong siya’y dalagita ay pinatigil siya ng kanyang inang labandera sa pag-aaral.

Magtatapos na sa haiskul si Ningning ngunit hiniling ng amo ng ina ni Ningning na siya ang mag-alaga. Wala itong anak kaya’t pati si Sir Victor ay nakiusap na rin kay Ningning na tumigil muna siya ng pag-aaral upang alagaan si Ma’am Gina na may kanser sa bituka.

Hindi makaiwas si Ningning. Iyong tiyaga niya sa gabi at araw ay tinumbasan ng mag-asawa ng malaking halaga nang namatay si Ma’am Gina.

Ang pamantayan ng dalagita ay ito:

"Nais kong anumang gawin ko sa kapwa ay ganoon din ang gawin sa akin."

Maganda ang pag-aalagang ginawa ni Ningning. Nakapagkumpisal ito dahil sa kanya. Hindi naniniwala si Ma’am Gina sa pagkukumpisal sa pari. Ngunit maganda ang kanyang paliwanag.
Kinakausap lagi ng mabait na dalaginding ang matanda. Naliliban ito at nalilimutan ang kanyang sakit.

Maganda ang naging kamatayan ni Ma’am Gina. Sinabi sa kanya na huwag matakot sa kamatayan.

Nag-aral ang dalaga ng medisina. Ang pera na ginamit niya sa pag-aaral ay mula sa "trust fund" na kaloob ng mag-asawa. Hindi pa noon namamatay ang matanda.

At naulit ang kasaysayan. Nag-ampon si Ningning pagka’t hindi na ito nag-asawa.

Iyong ampon niya nang maging dalaga ang nag-alaga sa kanya ng matagal nang magkasakit si Ningning sa puso.

Sabi ni Ningning: "Ganoon pala ang buhay babalik sa atin ang anumang ating ibinigay – iyan ang Gintong Kautusan."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home