Bugsfely

Thursday, August 24, 2006

Sa Pagbabalik mo

Bella Angeles-Abangan

Home to laughter, home to rest,
Home to those that we love best,
Home to where there is none to hate,
Where no foes in anguish wait.
Where no jealous envious mind,
Seeks with glee a fault to mind
Now the day is done and I.
Turn to hear a welcoming cry,
Love is dancing at the door, I am safe at home once more.

Ang tulang nasa itaas ay mula sa panulat ni Margaret Fishback Powers.

Ang kanyang mensahe ay napakagandang ilarawan ang isang huwarang tahanan na pawang nagmamahalan ang mga naninirahan.

Kung tayo ay magninilay-nilay ay anong uring tahanan mayroon tayo? Masaya ang samahan? Nagkakasundo-sundo? Nagtutulungan? Nagmama-halan?

Anong sarap umuwi sa sariling tahanan na tayo ay hinihintay. At kung tayo ay malayo ay kinasasabikan ang ating pagdating.

Narito ang istorya tungkol sa isang mister na nag-abroad.

Si Elmer ay inabot ng sunud-sunod na kamalasan. Nang matapos siyang maaksidente ay hindi siya nakapag-padala sa kanyang mag-iina pagka’t hindi siya binayaran. Ang pagkakabangga sa kanya ng isang kotse ay hindi sakop ang oras sa kanyang walong oras na paglilingkod.
May tatlong buwan ding nakasemento ang kanyang paa na muntik nang maputol. Hindi siya nakapagpadala kahit isang dolyar.

Inutang lamang ang kanyang ginamit sa pagtungo doon sa abroad. Nang makipag-away siya sa kanyang superbisor na Arabo ay nasuntok niya ito.

Alam niyang pinahihirapan siya ng husto. May lihim na galit sa kanya ang kanyang boss.
Naospital ang kanyang superbisor. Nakulong si Elmer. Mabait na Arabo ang pumalit sa dating superbisor. Iyon ang tumulong kay Elmer upang maging tatlong buwan sa halip na isang taon ang hatol sa kanya.

Uuwi na sa Pilipinas si Elmer. Naging kaibigan niya ang superbisor na tumulong sa kanya. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng pamasahe at kaunting pocket money noong umuwi na siya. Walang naipon o naipadala si Elmer.

Hindi alam ng kanyang pamilya na siya’y uuwi. Noong dumating siya ng bahay ay katanghaliang tapat.

Anong sarap ng pakiramdam ng nasa sariling tahanan. Nakatulog siya nang maayos. Narinig niya ang pagmamahal ng kanyang mag-iina sa kanya.

Noong kainan na ay biglang lumabas si Elmer. Noon lamang sila naliwanagan kung bakit napauwi siya.

Sa kanilang hapag-kainan ay iyon ang mga sandali ng kanilang pagpapasalamat sa Panginoon. Sa tahanang iyon narinig ang malulutong na halakhak ng buong mag-anak. Ang pakiramdam nilang lahat ay naroon sila sa alapaap.


Huwarang magulang ating tularan
Bella Angeles-Abangan

Let me hold your hand as we go downhill,
We’ve shared our strength and we share it will.
It hasn’t been easy to make a climb,
But the way was eased by your hand in mine.
Like the lake, our life has had ripple, too
Ill-health, worries, and payment due,
With happy pauses along the way,
A graduation, travel abroad and a raise in pay,
At the foot of the slope, we will stop and rest.
Look back, if you wish:
We’ve been truly blessed,
We’ve been spared the grief of being torn apart,
By death of divorce or a broken heart.
The view ahead is one of the best.
Just a little bit further, and then we can rest,
We move more slowly, but together still,
Let me hold your hand, as we go downhill.

Iyan ang tulang "Let Me Hold Your Hand" na sinulat ni Peggy Cameron King na angkop sa ulirang mag-asawa.

Kung pag-aaralan ng mag-asawa ang kasalukuyan nilang buhay ay maniniwala kaya sila sa nakasulat na ito?

"Ang tagumpay ng isang tahanan at maligayang pagsasama ay nasa kanilang puspusang pagsisikap, sakripisyo at walang hanggang pagmamahalan."

Narito ang isang istorya ng mag-asawa na walang kapantay ang pagmamahalan. Iyon ay kanilang ipagpapatuloy hanggang sa kabilang buhay.

Isang hapon ay umuwi si Almario na dala ang halagang tatlong daang piso. Inabot niya ang pera na ang paliwanag niya ay mula sa delihensya.

May isang buwan na walang trabaho si Almario. Nang umagang iyon ay nakapamili si Maribel. Naibili niya ng damit at sapatos ang kanilang tatlong mga anak na dalagita.

Pagkagaling ng mag-anak mula sa simbahan at pagsaluhan ang simpleng nakahain sa hapag-kainan ay nalaman ng tatlong dalaginding ang pinagmulan ng kanilang mga damit, sapatos, at pagkain.

Napaiyak ang tatlong tinedyer. Ipinagbili ni Almario ang kanyang dugo at si Maribel ay ipinagbili niya ang huling alahas niyang namana sa kanyang mga magulang.

Isinumpa ng tatlong anak na lalo nilang mamahalin at paglilingkuran ang kanilang mga magulang at puspusan silang mag-aaral.

Salat silang mag-anak sa lahat ng bagay ngunit saganang-sagana sila sa pagmamahalan at pagmamalasakitan.

Dumaan ang maraming taon. Nakatira sa malaking bunggalo ang mag-anak. Propesyunal na ang tatlong dalaga.

Masayang ipinagdiriwang ng buong pamilya ang Silver Wedding Anniversary ng kanilang mga magulang. At ang kapuna-puna ay romantiko pa rin ang dalawang matanda na retirado na sa lahat ng obligasyong pinansiyal.

Pakikipagsapalaran sa buhay
Bella Angeles-Abangan

"The best character are made by vigorous and persistent resistance to evil tendencies; whose amiability has been built upon the ruins of ill temper, and whose generosity springs from an overmastered and transformed selfishness. Such as character, built up in the presence of enemies, has for more attraction than one which is natively pleasing."

Ang awtor ng sumulat sa itaas ay si Henry Martyn Dexter. Sang-ayon kay Dexter ang katangi-tanging asal ay nagmumula sa puspusang pakikipagsapalaran sa kasamaan.

Ito ang katangi-tanging ugali na bunga ng pagtatagumpay sa kasamaan. Ang naibandila ng may katawan ay ang kabutihang-asal anuman ang mangyari.

Dala ng taong ito ang marangal na budhi at kapuri-puring pag-uugali saan man siya naroon.

Narito ang istorya ng tatlong kabataan na katatapos lamang ng haiskul.

Nagkuwentuhan sila isang gabi. Iyon na ang pagpapaalam ni Eric. Kinukuha siya ng kanyang tiyuhing pari. Magiging working student si Eric upang matupad ang kanyang ambisyong maging pari.

Pagkaraan ng isang buwan ay nagpaalam si Melvin kay Loloy, ang natitira sa magkaibigan.
"Sasama ako sa Ninong ko. Magtatrabaho siya sa States. Maiiwan ang aking Ninang. Pag-aaralin ako ng medisina. Sa wakas ay matutupad din ang aking ambisyong maging doktor."

Malungkot si Loloy. Walang tiyuhin o ninong na kukuha sa kanya. Naroon ang kanyang amang may sakit sa baga. Awang-awa sila sa ama nila na dati ay isang basurero.

Nakakaawa rin ang kanilang ina na isang side walk vendor sa palengke.

Araw at gabi ang pagpapayo ni Mang Indo kay Loloy, ang kanyang panganay:

"Tandaan mo anak, ang karunungan ay hagdan patungo sa itaas. Ang tanglaw mo ay kagandahang-asal. Nasa Biblia iyan, anak. Hanapin mo ang karunungan at hindi ka magsisisi. Ang arkitekto ng ating kinabukasan ay ang ating sarili at magagawa lamang iyan kung mayroon tayong matatag na disiplina. Hawak mo ang iyong sarili. Pag-asa ka ng apat mong mga kapatid."
Nag-aral ng komersiyo si Loloy sa gabi. At sa araw ay kargador siya sa palengke. Kanyang kinaibigan ang kanyang mga kaaway na nambubuska sa kanya.

Nagtatag si Loloy ng Kabataan ni Kristo. Ito ay isang lihim na samahan. Lahat ng buti na kanilang mapag-tagumpayan ay kanilang isinusulat. May malaking envelope ang bawat isa sa kanila.

Unti-unting nawala ang mga walanghiyang kabataang kinatatakutan ng mga tindera sa palengke.

Si Loloy ang modelo ng kanyang mga kasama. Nang magkita sila ng pari at doktor niyang mga kaibigan ay hinahangaan nila si loloy na isa nang self-made.

Naakay na niya ang kanyang sarili at maraming kabataan na dati ay mga sakit ng ulo ng magulang.

Susubukan ka
Bella Angeles-Abangan

"Everybody really knows what to do have his life filled with joy. Quit hating people; start loving them. Quit being mad at people, start liking them. Quit doing wrong, quit being filled with fear. Quit thinking about yourself and go out do something for other people. Everybody knows what you have to do to be happy. But the wisdom of the test lies in the final word: "If you know these things happy are you if you do them."

Iyan ang sinulat ni Norman Vincent Peale. Umiikot iyan sa pagmamahal sa kapwa.

Kung pupunuin lamang natin ng punuin ang ating puso ng pag-ibig at hindi poot o anumang negatibong emosyon ay tiyak na papasok ang Panginoon at kasunod na ang tuwa.

Itong pag-aalaga ng galit sa dibdib ay tiyak na nagtagumpay na ang ating kaaway. Iniwasan niya tayo ng galit o balaraw na nakabaon as ating puso.

Kailangang magkaroon ang isa’t isa ng pag-ibig sa puso. At iyan ay dapat magsimula sa mag-asawa upang may matularan ang mga anak.

Isang linggo ng hapon ay biglang dumating si Paul, ang mayamang amo ni Leandro.
Alam ng kanilang tsuper ang pook ng mga iskuwater. Doon matatagpuan ang mabait na dyanitor ng kompanya. Siya ay Friday boy ni Paul. Kahit anong ipagawa niya ay kaya ni Leandro.
Kinabukasan ng umaga ay kasama na ni Paul ang dyanitor sa eroplano patungong Bacolod.
Susunduin ni Paul ang nagtampong asawa kasama ang kanilang dalawang anak na sina Darwin, anim na taon, at Cindy, tatlong taon gulang.

At itinanong ni Paul noong nasa eroplano na sila kung ano ang kanyang ginagawa sa tapat ng kanilang bahay. Ito ang paliwanag ni Leandro:

"Iyon po ay mini-nursery ng aming pook. Doon po iiwan ang mga bata ng mga ina na nagtatrabaho sa labas. May mga boluntaryo na nanay na mag-alaga sa mga bata. Marami po ang nasa listahan. Ako po ay kanilang karpintero. Kulang po kami ng kahoy at semento…"
Binata si Leandro kaya’t siya ang isinama ni Paul. Napakaganda ng pilosopiya ni Leandro! Humanga si Paul. Iniisip niyang magbigay ng kahoy at semento.

Ito ang pagpapatuloy ni Leandro:

"Sir, may pagsubok po sa itataas. Kapag tayo po ay tinanong ng Diyos kung ano ang ginawa natin sa kapwa ay may maisasagot po ba tayo?"

Naantig ang budhi ni Paul. Lagi siyang tinatawagan nito sa kanyang opisina. Nagpapasama si Vivian kung saan-saang casino.

Nagpapaligaya sila ni Vivian. Iyon ay hindi na natiis ni Monica, asawa ni Paul.

Iyong isang oras na paghihintay nila sa domestic airport at isang oras na biyahe ay parang nakatapos siya sa "Unibersidad ng Buhay."

Ang daming alam ni Leandro na isang book addict.

At lahat ay isinasagawa ni Leandro. Siya ang naglapit kay Paul sa Diyos.

Purihin ang Panginoon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home