Bugsfely

Wednesday, August 09, 2006

Pansamantala – materyal na bagay

Bella Angeles-Abangan

Mahilig sa kamunduhan? Salapi’y nagpapagalaw Pagsisisi’y hahantungan Nitong taong naliligaw.

Iyong mga taong hindi naturuan ng magulang noong bata pa na mahalaga ang ugali kaysa materyal na bagay ay kaawa-awa paglaki.

Iyong mga taong nakita ng mga anak sa magulang ang karamutan at katusuhan ay hindi magkakaroon ng magandang buhay.

Tuwing gabi bago tayo matulog ay magakakaroon tayo ng panahong mag-isip.

Saan ba patungo ang ating buhay? May naitago ba tayo na gagamitin sa ating paglalakbay sa kabilang buhay?

Narito ang unang kuwento hingggil sa tiyuhin na nangungutang ng pera sa tatlo niyang mga pamangkin na may mga asawa na.

Isang binata si Tonio at galing sa Cebu. Siya ay panganay sa tatlong magkakapatid. May limampung taong gulang si Tonio.

Kahit isa ay walang nagpautang ng limang libo kay Tonio maliban sa bunso. Umutang pa sa iba si Leon upang may maibigay lamang sa kanyang tiyo.

Noong bumalik si Tonio sa Maynila ay nakitira siya sa bunso, kay Leon. Nagpahanap agad siya ng abogado.

Ang totoo ay walang tagapagmana si Tonio. Ngayon ay tiyak na si Leon ang kanyang pagkakalooban ng mana.

Ganoon na lamang ang pagsisisi ng iba niyang pamangkin ‘pagkat hindi nila akalain na ang pinsan ng kanilang ama ay isang milyonaryo pala.

Samantala, narito ang isang Portuguese na nagtungo sa India unang makipagsapalaran.

Nagtagumpay si John sa India. Negosyo ang kanyang hinahawakan. May sarili siyang bapor pagkatapos ng dalawampung taon sa India.

Puno ang kanyang bapor ng mga bagay na materyal. Marami ring dalang pera si John.

Noon din ay nagdamit sira-sira si John. Una niyang ginawa ay nagtungo sa kanyang pinsan na may malaking bahay sa kanilang lalawigan.

“Inabot ako ng kahirapan sa India. Wala akong nadadala sa aking pagbabalik. Maaari bang makitira sa inyo.”

Noon din ay umasim ang mukha ng kanyang pinsan. Nag-dahilan ito na wala siyang bakanteng silid na maiibigay kay John.

Sa maghapon iyon ay nakapunta si John sa may dalawampung bahay ngunit kahit isa ay walang tumanggap sa kanya pagkat sira-sira ang suot.

Kinabukasan, ay suot prinsipe na si John. Kasunod niya ay mga katulong at bodyguard. Nakahimpil ang bapor niya sa piyer ng Lisbon. Kinagabihan ay nagbayaran sila ng may-ari ng mansion sa may plasa.

Ganoon na lamang ang pagsisisi ng mga nilapitan ni John. Hindi nila akalain na sinubok lamang sila ni John.

Napatunayan ni John na sa kanyang mga kamag-anak ay mahalaga ang salapi hindi ang pag-uugali.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home