Bugsfely

Wednesday, January 03, 2007

Itanim ang kabutihan sa puso

Bella Angeles-Abangan

Kindness is love planted in the heart – Love that deepens and grows. Ever unfolding new sweetness – as the blossoming of a rose. Kindness is a special warmth – That makes a moment bright, A smile that makes a day complete and seems to set things right. Kindness is laughter gladly shared – It’s gentle, loving way, Of making the world a happier place – For others day by day.

Ang tula sa itaas na may pamagat – Kabutihan ang Itanim ay may magandang mensahe:

"Buti ang laging itanim sa bawat sandali."

Ang mabuting puso ay marunong gumawa at tumulong.

Napakasarap na kapamilya o kaibigan ang mabuting tao. Nariyan ang kanyang pusong mapagmahal sa kapwa.

Marunong dumamay ang ganitong mga tao. Ang kabutihang-asal ang nakatanim sa kanilang puso sa bawat sandali.

May isang biyuda na walang anak, maselan, istrikta at mahirap kasamahin si Donya Luz.

May tatlong mga ahensiya ng mga katulong ang sumuko sa kanya.

Palit siya nang palit ng mga katulong.

Marami siyang reklamo sa mga katulong na nakukuha niya. Ang hinahanap niya ay isang perpektong katulong at isa lamang ang kaniyang kailangan.

Trabaho ng tatlong katulong ang kanyang ipinapagawa.

Walang negosyo si Donya Luz. Ang namana niyang mga lupain at paupahang bahay ay higit sa sapat na kailangan niya.

Hindi niya hinatian ang kanyang nag-iisang kapatid na lalaki na namatay sa sama ng loob sa Bisaya.

Kakaunti ang kanyang ibinigay na parte pagka’t nag-asawa ito sa hindi niya gusto.

At sa wakas ay nakatagpo rin siya ng isang dalagita – si Angelie!

Isang anghel ito na walang kapaguran! Masayahin, matulungin at mapagtiis si Angelie, ang labing-anim na taong dalagita na taga-Bacolod.

Gumising si Angelie ng ikaapat na umaga. May listahan na siya ng mga lulutuin sa araw na iyon. Umiikot siya na parang trumpo sa malaki at lumang bahay na iyon.

Nakahanda na ang mga gagamitin ni Doña Luz sa paliligo.

Pinagkatiwalaan na ng biyuda si Angelie na maglabas ng kanyang isusuot-pambahay o pang-alis.
Silang dalawa lamang ang naroon sa bunggalo na iyon na may tatlong asong malalaki.

Isang gabi ay inapoy ng lagnat si Donya Luz. Tinawagan niyo sa telepono ang kanyang pinsang doktor, Dr. Robert.

Nagbigay ng mga reseta at paliwanag kay Angelie hinggil sa mga gagawin. Ayaw ni Donya Luz sa ospital. May phobia siya mula noong mamatay ang kanyang asawa. May anim na buwan sila sa osptital.

Si Angelie ay ang nurse, doktor at katulong sa bahay iyon.Noong pinamalengke ni Donya Luz si Angelie ay nagsiyasat si Donya Luz kuwarto nito na walang bentilador. Maliit na bintana lamang ang daanan ng hangin.

Muntik nang mahilo si Donya Luz sa kanyang natuklasan. Sa ibabaw ng aparador ni Angelie ay naroon ang larawan ng isang pamilya. Si Angelie ay sampung taon noon at kapiling ng kanyang ama at ina.

Ang ama nito ay si Emmanuel, ang kapatid niyang hindi tinulungan hanggang sa huling sandali. Sumunod na namatay ay ang ina ni Angelie.

Ulilang lubos na si Angelie. Gagawin niyang tagapagmana ay ang kanyang tunay na pamangkin. Si Angelie ay ang umakay sa kanya sa Diyos.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home