Bugsfely

Thursday, March 29, 2007

Taos sa pusong pagmamahal

Bella Angeles-Abangan

"What greater is there for two human souls than to feel that they are joined for life to strengthen each other in all sorrow, to minister each other in all pains, to be one with each other in silence, unspeakable memories at the moment of the last partings."



Ang sumulat ay si Mary Ann Evans. Ang sagisag na ginamit niya kapag sumusulat siya kay George Elliot.

Ito ang kanyang paliwanag hinggil sa dalawang pusong pinag-isa:

Kapag ang dalawang puso ay nagmahalan nang labis pagkat pinag-isa ang kanilang kaluluwa at kanilang sarili ay lumalakas sila. Nagdaramayan sila sa sandali ng pamimighati. Nasa kanila ang katahimikan at ginugunita ang di malimot na mga alaala hanggang sa dumating ang huling sandali nila sa daigdig.

Ang malungkot na kamatayan ay hindi iniisip.

"Matagal pa kaming mag-asawa na kukunin ng Diyos."

Ito ang isinulat ni Joseph Addison tungkol sa pag-aasawa:

"Two persons who have chosen each other out of all people, with the dream to be each other’s mutual comfort and entertainment, have in that action, bound themselves to be good humoured affable, discreet, forgiving, patient, and joyful with respect to each other’s weakness and perfection to the end of their lives."

Pinangarap ng mag-asawa na sa kanilang pagsasama na magkaroon ng kasiyahan, aliw, tuwa, na bunga ng pagpapatawa ng kabiyak.

Upang mawala ang lagim at sawa ay naging kaibig-ibig sila, may disiplina sa sarili, mapagpatawad, masayahin at marunong umunawa sa pagkukulang ng isa’t-isa.

Pinapangarap natin ang magandang buhay ay puno ng kaligayahan kahit tuyo at bagoong ang pinagsaluhan. Langit ang ating nadarama kapag sumapit na ang dilim.

Ang magkabiyak ay magkakaisa sa kanilang mga pangarap. Naroon ang katawan, kaluluwa, puso, at isip na kasama sa pagtatalik at pangarap.

Ngunit iyong pili nang pili at may katusuhan pa na ang iniisip ay luho ng katawan at masaganang pamumuhay ay ito ang malimit nilang hantungan at sabihin: "Akala ko ay matalino na ako. Ginamit ko ang aking isip. Ngunit hindi na ako titikim ng kaligayahan. Ang aking pinasukan ay tunay na impiyerno. Ang asawa ko ay makapangyarihan. Hawak niya ang pera at bibigyan ka lamang kung kailangan."

"Para pala akong alipin. Kayod na sa araw papagurin pa sa gabi. Mabuti pa ang alipin pagkat may pahinga ito pagsapit ng dilim… paano kaya ako makakawala."

Anong sarap na pumasok sa pag-aasawa kung kapwa magkatugma. Kung iisa ang pintig ng mga puso.

Nakilala ko ang misis ng kaibigan kong manunulat. Nag-asawa siya na may edad na.

Tanong ako ng tanong kung kailan siya mag-aasawa. Ngumingiti lamang siya noon. Nagkita kami sa blow--out ni Diego Cagahastian kasama niya ang kanyang misis at anak na apat na taong gulang na babae na kay ganda-ganda na parang manika.

At ikalawa naming pagkikita ay sa SM North. Masaya silang lumabas ng sine na magkapit-baywang. Pinagkukuwentuhan nila marahil ang kanilang napanood.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home