Bugsfely

Thursday, April 12, 2007

Huwag umasa sa iba

Bella Angeles-Abangan

"I always stood on my feet – always relied upon myself. It is really a detriment to have behind you. When you depend upon yourself you know that it is only on your merit that you will succeed. Then you discover your latent powers, awake to your manhood, and are on your mettle to do your utmost. It is very good motto to depend upon yourself. I am a great believer in self-reliant manliness, which is manhood in its noblest form."



Sinulat ni Charles M. Scwab, isang matagumpay na negosyante. Sa ating sarili tayo aasa at hindi sa iba. Iyan ang mensahe ng nasa itaas na talata. Sinulat ni Dr. Mattews:

"Of all elements of success, none is more vital than self-reliance, and determination to be one’s helper, and to look for others for support. It is the secret of all individual growth and vigor, the master key that unlocks all difficulties in every profession or calling.

Sa pagtulong natin sa ating sarili ay matatagpuan at matutuklasan natin na may nakatago pala tayong talino na maaaring asahan.

Sinasabi na ang "lobster" o malaking sugpo kapag napunta sa baybay dagat ay hindi ito gagapang patungong dagat. Hihintayin niya ang malaking alon upang matangay siyang muli sa dagat. At kung hindi ay doon na siya mamamatay.

Ang tao ay hindi dapat maghintay ng kanyang magandang kapalaran. Kailangang gamitin niya ang anumang talino na mayroon siya.

Narito ang istorya ng isang bata na lalabuy laboy sa daan. Noong inilibing ang kanyang lola ay nakita niyang sinira ang kanilang barung-barong ng tatlong tao. Ganoon din ang ginawa sa ibang barung-barong: Kinabukasan, inaayos na ang malawak na lupang iyon na iba na raw ang may-ari.

Bumalik si Tongtong upang pulutin ang ilan niyang mga damit at isang lumang sapatos na masikip na sa kanya.

"Kahit anong mangyari ay huwag kang gagawa ng masama magpakasipag ka. Huwag kang aasa sa ibang tao."

Lagi niyang nariririnig ang pangaral na iyan ng kanyang lola oras-oras. Tumutulong si Tongtong sa may-ari ng gawaan ng balot. Doon siya natutulog sa isang sulok ng kusina na laging puno ng mga balot. Pagkatapos ay nagtitinda naman siya sa umaga ng mga peryodiko.

Ipinasok sa eskuwela si Tongtong ng may-ari ng gawaan ng balot. Bawat taon ay tumataas ang kanyang grado ng dalawa.

Nakahabol din siya sa grades six kahit tatlong taon lamang siyang nag-aaral. Dumaan ang maraming taon nang magkapera si Tongtong, ay binili niya ang gawaan ng balot ni Aling Nene.

Ang matandang dalaga na para niyang ina ay kailangan ang malaking pera para sa pagpapagamot nito.

Nagkaroon ng magandang kapalaran si Tongtong dahil sa payo ng kanyang lola:

"Huwag kang aasa sa iba."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home