Bugsfely

Monday, May 28, 2007

Paglilingkod ang pinili

Bella Angeles Abangan

"Dare to be honest, good and sincere; Dare to be upright, and you never need fear, Dare to be brave in the cause of the right. Dare with the enemy ever to fight. Dare to be loving and patient each day; Dare to speak truth, whatever you say. Dare to be gentle and orderly, too; Dare to shun evil, whatever you be; Dare to speak kindly, and ever be true; Dare to be right, and you’ll find your way through;


Iyan ang magandang tula na papatnubay sa ating buhay. Iyan ang batas ng Diyos.

Halos nariyan nang lahat ang magagandang katangian na dapat ihasik sa ating puso, isip at budhi.

Iyong mga katangiang katapatan, matuwid, matapang, mapagmahal, matiisin, makatotohanan, malambing, maayos, mabait, matulungin ay mga katangian na dapat nating itanim sa ating sarili.
Iyan ang mga katangiang kinatutuwaan ng Diyos at matatagpuan kay Vivien.

Narito ang isang istorya ng magkapatid na nagkasalungat sa lahat ng anggulo. Lupa at langit ang kanilang pagitan.

Ang dahilan ay marunong umunawa ang panganay sa kanyang kapatid na si Kate.

Noong magpapasukan nalaman ng kanilang ama na ang kukuning karera ni Vivien ay pagmamaestra. Nagalit ang ama ni Vivien.

Hindi binigyan si Vivien ng pangmatrikula. May katuwiran din si Jude sapagkat iyong dalawang negosyo ay iiwan niya kay Vivien. Matalino at mabait na anak si Vivien kaysa kay Kate.

Katulong lamang si Vivien ni Kate na ubod ng gastadora at kapritsosa. Sila ang dalawang personalidad na magkaibang-magkaiba.

Naging peace-maker ang ina, si Toyang. Pumayag ang ama at ganito ang pinagkasunduan.

Kukunin ni Vivien ay Business Administration. Ngunit papayagan siya ng kanyang ama na ang buo niyang Sabado ay gugulin niya sa paglilingkod sa mahihirap. At ang Linggo ay para sa pagtuturo ng Biblia sa mga iskuwater sa kanilang lugar.

Puspusang "apprenticeship" ang ginawa ni Vivien. Sinanay ng ama ang magkakapatid ngunit ang humahawak ng manibela ay si Vivien.

Naroon ang mag-ama na laging magkausap. Laging ipinaliliwanag ni Vivien na ibig niyang magkaroon ng panahon para sa mga kaawa-awang anak ng Diyos.

Nang magtapos si Vivien ay paralisado na ang kaliwang katawan ni Jude.

Pinangangatawan ni Vivien ang pamamahala sa dalawang kompanya ng kanyang ama. Katulong niya si Kate na hindi seryoso sa pamamalakad ng daan-daang mga tao.

Nalaman ni Vivien na siya ay hindi pala tunay na anak. Isa siyang ampon. Kaya pala ang puso niya ay nasa mahihirap. Isang taga-iskwater din ang ina ni Vivien.

Noong namatay sa sakit sa puso ang ina ni Vivien ay may babaing nagdala kay Vivien kina Jude. Noong limang taon na si Vivien ay saka sinilang si Kate.

Ngunit na-spoiled si Kate ng ama. Nang lumaki si Kate ay naging iresponsable ito. Pinagbuti ni Vivien ang pamamahala ng iniwang negosyo.

Lumapit si Vivien sa Poon upang samahan siya sa maselang trabaho na ibinigay sa kanya ng Diyos.

At nagbilin ang matanda noong malapit na itong kunin ng Diyos.

"Anak, kahit hindi kita tunay na anak ay mahal na mahal ka namin. Napatunayan namin ito sa iyo."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home