Bugsfely

Tuesday, December 20, 2005

Dakilang handog – ilaw

By Bella Angeles Abangan

"God has placed at our disposal all this splendid equipment for physical, mental, moral and spiritual symmetry and perfection which we have only to appropriate and make our own forever. Oh, it is great and there is no other greatness – to make some nook of God’s creation more fruitful, better, more worthy of God, to make some human heart a little wiser, manlier, happier – more blessed less accursed."

Ang talata sa itaas ay sinulat ni Dr. Sidney N. Bremer. Sang-ayon sa kanya ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang lahat ng mga biyaya na pampisikal, pang-isip, moral at espirituwal na dahil sa atin ang mga iyan ay maipagkakaloob natin sa kapwa na nangangailangan.

Narito ang isang istorya na nangyari sa New York Hospital noong malapit na ang Pasko may isang taon na ang nakakalipas.

Sinalubong ng ama ng baby ang doktor na nagpa-anak:

Ito ang malungkot na pagtatapat ng doktor sa ama:

"Ikinalulungkot ko po ang inyong anak ay nabuhay lamang ng ilang sandali. Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya ngunit namatay rin."

Ito ang tugon ng amang malungkot na malungkot:

"Nabasa ko po kamakailan na kailangan ang mata para sa corneal operation. Maaari po ba na ihandog namin ang mga mata ng aming anak?"

"Aba, oo! Lalo na ngayong magpapasko. Marami po ang walang liwanag ang kanilang mga mata."

Kinabukasan, dala ng tauhan ng Red Cross ang dalawang mata na galing sa baby. Ang isa ay ginawa ang corneal graft sa mata ng isang mangagawa na may malaking pamilya. Ganoon na lamang ang tuwa nito pagka’t makakatrabaho na siya nang husto. Ang laking pamasko ito ng Panginoon sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ang ikalawang mata ay ipinagkaloob sa isang dukhang ina na naiiwan sa bahay. Siya ay walang kasama kundi ang kanyang kambal na sanggol na kanyang pinasususo. Ang asawa niya ay nakapagluto na ng pagkain para sa maghapon.

Kahit tig-isang mata ang naipagkaloob sa dalawang nilikhang ito ay naroon ang taos-pusong pasasalamat na kanilang tinanggap sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga mata ng baby ay lumiwanag ang kanilang mundo. Naroon ang tuwa sa kanilang mga puso pagkat mapaglilingkuran na rin nila ang kanilang mga mahal sa buhay.

Isang katulong na lalaki ang nakaisip na ipagkaloob ang isa niyang mata sa kanyang amo na naaksidente at nabulag ang dalawang mata. Nagtungo sa ospital ang hardinero.

Nakita ni Tibo si Ma’am Glenda sa pinto ng ospital. Ipinagtapat ni Tibo na nais niyang ipagkaloob ang isa niyang mata sa kanyang amo.

Ibinigay niya ang kanyang mata noong unang araw ng Simbang Gabi. Ginanap agad ang operasyon. Kaya’t nang dumating ang Pasko ng Tatlong hari ay naroon si Sir Henry na naka-wheelchair at kinakausap si Tibo sa loob ng ospital.

"Ibig kong ilipat mo ang iyong buong pamilya sa bakante kong apartment na nasa kanilang kalye ng ating bahay. Kung hindi sa mata mo ay hindi ko na makikita ang daigdig Napakalaking tulong ang ginawa mo sa akin. Maganda ang aking 2006 at pagagandahin ko naman ang inyong buhay na mag-anak. Salamat Tibo, isa kang matapat na kaibigan. Ang Diyos na ang gaganti sa iyo… Higit na doble ang gagawin ko sa iyong sahod. Pasalamat tayo Diyos.

Monday, December 19, 2005

Biyaya ang makipag-ugnayan

by Bella Angeles Abangan

A love of reconciliation is not weakness or cowardice. It demands courage, nobility, generosity, an overcoming of oneself rather than of one’s adversary. In reality, it is the patient, wise art of peace, of loving, of living with one’s fellow, after the example of Christ, with a strength of heart and mind modeled on Him.

Ang sumulat ng talata sa itaas ay si Anthony P. Castle. Sinasabi sa itaas na ang unang bumati ay may grasya. Ito ay sinulat ni Edmund Burke:

"It takes two sides to make a lasting peace, but it only takes one to make the first step."

Narito ang isang istorya tungkol sa isang mayamang lalaki na biyudo, si Don Pepe.

Nang malaman niyang nagdadalang-tao ang kanilang kusinera anak ng kanilang labandera ay dinala niya agad ang kanyang nag-iisang anak sa Amerika. Iniwan niya si Bobb sa kanyang kapatid na panganay. Hindi muna niya ito pinag-aral. Iyong mag-ina ay pinalayas niya.

Iisa ang naiwan sa kanyang katulong. Si Edgar, ang kanyang tsuper. Hindi makaalis si Edgar pagkat maraming utang ang ama nito.

Isang hatinggabi ay nakatanggap ng long distance si Don Pepe. Kailangang pumunta siya agad sa America. Nagpakamatay si Bobby. Halos himatayin si Don Pepe.

Naroon siya at nagsisisi. Hindi niya akalaing mahal na mahal ni Bobby si Nene, ang dalagitang kusinera nila, anak ni Salud, kanilang labandera.

Tinawagan ni Don Pepe si Concita, bunso niyang kapatid na babae. Kukunin niya ang bangkay ni Bobby. Ipasusunog niya ang bangkay nito upang maiuwi niya agad.

Naroon ang matinding pagsisisi sa puso ni Don Pepe, pagkat maaari naman niyang tanggapin si Nene. Mabait ang dalagitang ito.

Ipinagluluto pa siya nito ng special na ulam pagkat may sakit siyang diabetes.

Sa pagbabalik ni Don Pepe ay hinarap niya ang paghahanap kay Nene at sa ina nito. Nang magtungo si Don Pepe sa pook na tinitirhan ng mag-ina ay wala na roon sila. Ginibang lahat ang mga barung-barong doon.

Walang makapagturo kung saan lumipat ang mag-iina. May lumapit kay Don Pepe at sinabi kung saan matatagpuan si Nene at ang ina nito. Sila ay umuwi na sa Cebu City. Magtitinda daw muli ang ina ni Nene sa palengke ng Carbon. Ang dating tinitinda nito ay isda.

Umupa ng detektib si Don Pepe. Sinabi pa ng kausap ni Don Pepe na kasama raw ng mag-ina si Sonny Boy.

Lalong naging masidhi ang pagnanais ni Don Pepe na kunin ang mag-iina lalo na ng kanyang apo. Dugo ni Sonny Boy.

Iyon lamang ang paraan upang matuwa ang kanyang anak saan-man siya naroon. Kailangang tangkilikin niya ang mag-ina.

Hindi na hinihintay ang ulat ng kanyang detektib. Pinapunta niya muli si Conchita upang magbantay sa bahay. Nagtungo si Don Pepe sa Cebu. Kasama niya si Edgar at hinanap nila Carbon market. Inisa-isa ni Edgar ang mga tindera ng isda. Sa dulo ay naroon si Salud, ang ina ni Nene.

Noon din ay isinama si Don Pepe sa bahay na tinutuluyan nilang mag-ina. Kinarga agad ni Don Pepe si Sonny Boy.

Umiyak si Nene nang malamang patay na si Bobby. Noong hapong iyon ay sakay lahat sila ng eroplano. Masayang-masaya si Don Pepe. Sinasabi niya na si Sonny Boy ang kapalit ng anak niyang si Bobby, ang kanyang tagapagmana.

Isinumpa ni Don Pepe sa Diyos na magbabagong-buhay na siya. Hindi na siya magiging mapagmataas. Nagpapasalamat siya sapagkat binigyan pa siya ng Panginoon ng isa pang pagkakataon.

Monday, December 05, 2005

Nagbubunga buting ginawa

by Bella Angeles Abangan

Grace is the good pleasure of God that inclines Him to bestow benefits on the underving. It is everything for nothing. It is helping the helpless, going to those who cannot come in their own strength.

Ang sumulat ng talata sa itaas ay si Lehman Strauss. Ang kanyang mensahe ay tinutulungan at pinagkalooban ng Poon ang mga taong nangangailangan. Sila ang tumantaggap ng biyaya pagdating ng araw pagkat sila’y karapat-dapat.

Ito ay sinulat ni Donald Grey Bernhouse tungkol sa nagagawa ng pag-ibig sa kapwa:

"Love that reaches up is adoration. Love that reaches across is affection. Love that reaches down is grace."

Iyong mga inaabot natin ay kakambal niyan ay grasya o biyaya para sa atin.

Narito ang isang istorya tungkol sa dalawang kawal. Noon ay may civil war sa America. Nakaligtas si James at iniisa-isa niya angm ga bangkay na kanyang nararaanan. Hinahanap niya si Allan.

Nakita niya sa wakas si Allan na sugatan at matindi ang mga tama ng bala. Kinuha niya ang dala niyang first aid na nakatali sa kanyang baywang. Noong maayos na ang sugatang kaibigan ay nagtanong pagkatapos sabihing hindi niya ito iiwan.

"Mayroon pa ba akong maipaglilingkod sa iyo," tanong niya sa kaibigan. Hindi niya alam na ito ay anak ngi sang milyonaryong hukom.

"May papel ka ba at panulat. Didiktahan kita ng maikling liham para sa aking ama. Kung dumating ang araw na kailangan mo ang tulong ng Papa ko ay ipakita molamang itong liham ko.

Ito ang maikling liham na nilagdaan ni Allan.

"Mahal kong Dad, Ako’y hindi na magtatagal dito sa labanan. Ang aking kaibigan ay tinulungan ako. Ginawa niya lahat ng kanyang magagawa para sa akin.

Kung magpupunta siya sa iyo ay tulungan mo siya alang-alang sa akin. Allan.

Ito ay nilagdaan ni Allan. Namatay si Allan noong gabing iyon.

Dumaan ang mga buwan. Walang trabaho at wala ring pamilya o bahay si James. Pinuntahan niya ang bahay ng hukom. Ayaw siang papasukin dahil ayos pulubi si James. Sira-sira ang kanyang damit na may ilang buwan nang hindi hinuhubad. Narinig ng Hkom anggulo sa labas.

Lumabas ang hukom at ipinaliwanag ng bantay na nagpipilit ang pulubi na pumasok. Inabot ni James ang lukut-lukot na liham sa Hukom.

Noong una ay hindi niya maunaawaan pagkat ibang sulat-kamay. Idinikta ito ni Allan kay James. Ngunit nakilala ng hukom ang lagda ng anak. Niyakap niya si James. Pinasapalamat niya ito. Ito ang kanyang wika:

"You can have anything my money can buy. Ang anything that my influence can secure."

Nagbunga rin ang mga dalangin ni James. May tatlong araw na siyang hindi kumakain. At di-akalain ni James na siya ang ipapalit ng Hukom kay Allan.

Hindi makahinga si James sa tindi ng tuwa.

Sunday, December 04, 2005

A great List

Make sure you read all the way down and click on the smile- it is worth it.
(This has 2 parts: a list and at the end, something to open--enjoy!)

The most destructive habit__________________Worry
The greatest Joy___________________________Giving
The greatest loss___________________________Loss of self-respect

The most satisfying work___________________Helping others
The ugliest personality trait________________ Selfishness
The most endangered species________________Dedicated leaders

Our greatest natural resource______________Our youth
The greatest "shot in the arm“______________Encouragement
The greatest problem to overcome____________Fear

The most effective sleeping pill_______________Peace of mind
The most crippling failure disease_____________Excuses
The most powerful force in life_______________Love

The most dangerous pariah__________________A gossiper
The world's most incredible computer_________The brain
The worst thing to be without________________Hope

The deadliest weapon________________________The tongue
The two most power-filled words______________"I Can"
The greatest asset____________________________Faith

The most worthless emotion__________________Self-pity
The most beautiful attire_____________________SMILE!
The most prized possession___________________Integrity

The most powerful channel of communication__ Prayer
The most contagious spirit____________________Enthusiasm