Bugsfely

Thursday, July 20, 2006

Magtanim tayo ng pag-ibig

Bella Angeles-Abangan

Love is an attitude – love is a prayer, For a soul in sorrow, a heart in despair Love is good wishes for the gain of another, Love suffers long with the fault of a brother.
Love gives water to a cups that’s run dry,
Love reaches low as it can reach high,
Seeks not her own at expense of another,
Love reaches God when it reaches our brother.

Maraming magagawa ang pag-ibig. Hindi ibig sabihin nito ay pag-iibigan ng magnobyo. Ito ay pagmamahal sa mga nangangailangan.

Ito ay sinulat ng isang manunulat na hindi nagpakilala.

Love cannot be wasted. It makes no differences where it is bestowed it always brings big returns.

Noong tinanong ang isang matanda na 92 taong gulang ay ito ang sagot niya dapat sana ay kanyang ginawa.

“Sana may ginawa akong isang bagay o kabutihan na ang bunga ay hihigit sa aking pagtagal sa mundo.

Narito ang istorya ng magkaibigan na magkapitbahay. Sina Zeny at Linda ay magkapitbahay sapul nang sila ay maliit pa.

Nasa likod ng malapalasyong bahay ni Linda ang barung barong na bahay ni Zeny.

Pinadadala ni Linda ang kanyang baong pera at tinapay sa kanilang katulong para kay Zeny. Kapag araw ng Sabado at Linggo ay pinasusundo siya ni Linda. Naglalaro at nag-aaral sila sa bahay ni Linda.

Pareho sila nasa ikalimang baitang.. Nag-iisang anak si Linda. Ang mga magulang niya ay naroon sa Amerika at may malaking negosyo. Tuwing bakasyon ay pinapupunta si Linda sa Amerika.

Malaking tulong ang nagawa ni Zeny kay Linda. Siya ang umaaliw kay Linda kapag nalulungkot ito.

Dumating sa punto na pinakiusapan nina Sir Henry at Ma’am Glo ang mga magulang ni Linda na sa kanilang bahay na tumira si Zeny.

Pagkaraan ng mga taon ay pareho na sila tapos ng computer science at kapwa sa Amerika nanirahan.

Ngunit isang araw ay matindi na ang sakit ni Zeny. Hindi na gumagana ang kanyang bato pagkat pagkatapos alisan siya ng isang bato noong nakaraang taon.

Ipinagkaloob ni Linda ang kanyang bato kay Zeny. Ganoon sila kung magmahalan. Iba na ang bahay nina Zeny sa Maynila. Maganda na sa tulong ng mga magulang ni Linda.

Napakabuti ni Linda sa kaibigan. Si Zeny ang nakaawat kay Linda nang magdrug addict ito kasama ng mga kaklase sa haiskul noon.

Si Zeny ang nagtutor kay Linda mula sa elementarya hanggang kolehiyo.

Ayaw ni Linda sa Amerika noon pagkat may allergy siya sa lamig.

Si Zeny ang umakbay kay Linda sa Panginoon.

Ito ang pagtatapat ni Linda sa kanyang mga magulang.

“Kahit po buhay ko ay ibibigay ko kay Zeny. Dahil sa kanya ay maging ako ngayon kahit malayo kayo...

Wednesday, July 19, 2006

Pag-uugali ang batayan ng lahat

Bella Angeles-Abangan

“The crown glory of life is character. It is the noblest possession of a man-constituting a rank in itself and an estate in the general ‘good will’ dignifying every station and exalting every position in society. It exercise a greater power than wealth and secure all the honor, without the jealousness of fame. It carries with an influence which always tells, for it’s the results of proved honor, rectitude and consistency-qualities, which perhaps more than any other command the general confidence and respect of mankind.”

Ang pag-uugali ng isang tao ang batayan ng lahat ng tagumpay sa buhay. Ang kayamanang ito na hindi mapapantayan ang ugali ng isang tao.

Iyan ang sinulat ni Dr. Sidney N. Bremer sa kanyang aklat, Successful Achievement.

Ang isang mayamang bulok ang budhi ay taong hindi igagalang wala siyang karangalan.

Ang taong matalino pagkat mataas ang kanyang puwesto ngunit kung marami siyang bisyo na nakakahiya ay wala rin siyang dignidad.

Dito umikot ang istorya na ni J. Hawes.

“Character is power- is influence; it makes, creates fund, draws, patronage and support; and open a sure and easy way to wealth, honor and happiness.”

Iyan ang nagagawa ng mabuting pag-uugali. Ito ay lakas impluwensiya, hindi maghihirap at magiging maligaya.

Ang pagiging matapat ng isang tao sa Diyos at sa kapwa ay isang kayamanan.

Iyong isang ama na nagkaroon ng malaking pakinabang sa pinapasukan niyang trabaho ay natuto pang pagnakawan ang kumpanyang bumubuhay sa kanyang pamilya.

Ang mga perang kanyang tinatanggap ay binibigyan siya ng resibo na peke pagkat siya ang naglimbag.

Nang mag-imbistiga ang may-ari kung bakit marami silang utang sa bateryang pinagkukunan ay naroon ang pagtuklas. Na hindi ipinapasok ni Salud ang bayad. May sampung taon na siyang naglilingkod sa tindahan na iyon ng baterya. Napakarami niyang biyaya.

Hindi kayang mabayaran ni Salud ang kanyang mga ninakaw na pera pagkat ipinagawa niya ito ng kanilang bahay.

Pagkaraan ng ilang panahon dahil walang pinagkukunang pera si Salud ay naibenta niya ang kanyang ipinagawang bahay. At ang pera na pinagbilhan ay kulang pa sa mga utang. Nauuwi sa malaking kahihiyan kapag hindi naging matapat ang isang tao.

Noong nagkaroon ng digmaan ang Amerika at Inglatera ay nabilibid si Richard Jockson. Hindi niya nagustuhan ang pamamalakad military ng kanyang bansa.

Kayat nakapagsabi si Jockson na sa Inglatera na lamang siya magpapalista bilang kawal.

Ipinapiit si Jackson. Nakakalaya siya sa araw at sa gabi ay doon siya natutulog sa kulungan. Binigyan siya ng ganitong kundisyon sa ganda ng kanyang record.

Noong nagkaroon ng bista sa kabilang bayan ay humiling si Jackson na siya na lamang ang pupunta. Sa kanyang pagtungo doon nakita niya si Mr. Edward, myembro ng council ng paglilitis na kilala na. Tinanong siya kung saan siya pupunta. Ito ang tugon ni Jackson:

“To Springfield, Sir to be tried for my life,”

Nahatulan siya ng kamatayan at nagtanong ang hukom kung may tututol.

Tumutol si Mr Edward at sinabi ang karapatan ni Jackson. Maaari siyang tumakas pagkat wala siyang kasamang mga alagad ng batas.

Noon din ay pinakawalan si Jackson sa salang treason.

Maging sa pag-aasawa ang dapat na unang isaalang-alang ng isang ikakasal ay kung karapatdapat ba ang taong kanyang kakasamahin.

Sunday, July 16, 2006

Suriin ang sarili

Bella Angeles-Abangan

Just stand aside, and watch yourself go by; Think of yourself, as "He" instead of "I". Pick flaws, find fault, forget the man is you, And strive to make your estimate ring true.
The faults of others then will dwarf and shrink.
Love’s chain grows stronger by one mighty link,
When you with "he" as substitute for "I."

Ang tula sa itaas na pinamagatang "A Cure For Fault Finding" ay mula kay Strickland Gillilan.

Upang maunawaan natin ang ating sarili ay kailangang suriin nating mabuti pagka’t hindi natin nalaman na iyong ating pinipintasan ay higit pa tayong masama sa kanya.

Kapag sinuri natin kung sino tayo ay mauunawaan natin ang ating kapwa. Matatanggap na natin sila.

Narito ang isang istorya ng magbiyenan. Iyong pagiging mataray ng kanyang biyenan ang dahilan kaya’t ayaw sumuko ni Jasmin, reyna ng katarayan.

Nagkasakit na ang kanyang biyenan ay hindi pa rin siya dumadalaw.

Noong magtanan ang kanyang panganay, si Jason ay nagkaroon siyag bigla ng manugang. Siya ay agad naging biyenan.

Napuna niya ang kanyang sarili na ubod ng taray kay Evita, na kaklase ni Jason.

Nagdadalang-tao si Evita kaya’t sumama ito sa kanyang anak na nag-aaral din. Pareho silang nasa ika-apat na taon sa Accounting .

Tatlong lalaki ang anak ni Jasmin. Noong sumumpong ang sakit sa puso ni Jasmin ay si Evita ang nagbabantay sa kanya sa gabi kahit nagdadalang-tao ito.

Samantala, nang magkasakit ang kanyang biyenan ay hindi na nag-alaga si Jasmin ay hindi pa rin ito dumadalaw.

Si Evita ay tumutulong sa kusina pagka’t umalis nang lahat ang kanilang mga katulong.

May dalawang linggo si Jasmin sa ospital. Hindi rin siya dinalaw ng kanyang biyenan. Gumaganti lamang ito.

Nang bumalik si Jasmin galing sa ospital ay hindi siya makapaniwala. Nagpatahi si Jasmin ng bagong kurtina na kulay ginto ang buong sala. May bagong kobre kama ang higaan ni Jasmin. May isang linggo ring nananahi sa kanila ang pinsan ni Evita.

Sa kusina ay naroon ang "cork blackboard" sa dingding. Si Evita ay gumawa ng talaan ng isang linggong menu. Si Evita rin ang namamalengke.

Noon naihahalintulad ni Jasmin ang kanyang sarili kay Evita. Mula nang ikasal sila ng kanyang asawa ay hindi man lamang siya nakapaglingkod kahit minsan sa kanyang biyenan.

Kinabukasan, nagpahatid si Jasmin sa bahay ng kanyang biyenan. Namili muna siya ng mga prutas.

Iyong balak na dalawa ay napalitan ng ganito:

"Mama, sa ayaw po ninyo o gusto ay isasama ko kayo sa amin. Ako po ay magaling-galing na. Aalagaan ko po kayo. Patawarin po ninyo ako."

Yumakap ang matanda kay Jasmin at humagulhol ng iyak. Iyak ng kaligayahan pagka’t ngayon lamang siya nasiyahan. Makakapiling na rin niya ang kanyang anak.

Thursday, July 13, 2006

Mahalin ang pamilya

Bella Angeles-Abangan

We may not always realized that everything we do, Affects in our lives but touch others too,

And little of thoughtfulness
that shows we care,
Creates a ray of sunshine
For both of us we share,
Yes everything we offer
Someone a helping hand,
Every time we show to them care and understanding:
Every time we have a kind and gentle word to
gentle word to say,
We help someone and joy in
this world where we stay;
For happiness brings happiness
is the love we always stay,

Ang tula sa itaas ay ipinahahayag ng sumulat na hindi nagpakilala ang pag-ibig na ating ibinigay sa pamilyang ating bubuuin ay napakalaki ng epekto.

Sinasabi sa tula ay magsilbi at maglingkod tayo sa pamilya maging lider tayo sa pamilyang ating kinagisnan. Maging modelo tayo sa ating pamilyang binubuo at ginagabayan maging tayo ay magulang o anak.

Magkaroon tayo ng repleksiyon kung ano ang papel na pinagaganap sa atin ng Diyos.

Narito ang isang tinedyer na nalulong sa barkada. Nilimot niya na siya ay estudyante. Hinahasa siya sa paaralan upang kumita siya ng maganda pagdating ng araw.

Naging kaaway ni Nando ang buo niyang pamilya. Laging ginagabi kung umuwi si Nando. Para sa tinedyer na ito ay maligaya na siya sa kanyang kabarkada. Sa piling niya na kakatikim ito ng ligaya. Kayat kapag siya’y kinagagalitan ay nagwawala siyang lalo. Minsan ay halos madaling araw na ito kung sumipot sa kanilang tahanan.

Isang araw ay nagyaya ang ama ni Nando, si Manuel na magpasyal at kumain sa labas. Nagkaroon sila ng simpleng piknik doon sa may tabing dagat ng PICC.
Nakapaghanda si Isay ng adobo, ginisang bagoong na alamang at mangga manibalang at ginisang corned beef.

Anong sarap ng kanilang salu-salo, pagkatapos nilang kumain ay nagpahayag si Manuel na marami siyang sharing na ipapahayag sa inyong lahat lalung lalo na sa inyo mga anak.

“Maganda ang takbo ng aking pag-aaral noong ako’y nasa elementarya. Ngunit noong ako’y naroon na sa haiskul ay nag-iba na ang takbo ng aking pag-aaral. Sa pagmamahalan ng aking pamilya ay bigla akong naging ‘outsider.’ Mula sa umaga hanggang gabi ay barkada ko ang aking nasa isip at laging binibigyan ng priority. Natuto rin akong mag-‘cutting classes.’

“Natuto rin akong gumamit ng mariwana ang nagturo sa amin ay si Norman ang kaibigan ko na pinakamalaki lagi ang baon sa amin.

“Ako ang unang naging masama sa aming pamilya. Lagi akong ipinagtatanggol ni inay hanggang matuto na ring umuwi ng gabi si itay. Hanggang makisama siya sa kanyang childhood sweetheart, nang dahil sa aming hindi magandang samahan, away dito away doon ay maagang nakapag-asawa ang aming dalawang ate.

Pawang tanan ang kanilang ginawa. Pinahinto na ako ni inay noong isinumbong ako ng aking guro na may dalawa akong bagsak. Nangangahulugan na uulitin ko ang aking fourth year.

“Nang nagtanan kami ng iyong ina ay nagkasakit si inay dahil ako ang kanyang paborito, dahil nag-iisa akong lalaki. Iba’t-ibang trabaho ang pinasukan ko upang kumita lamang.

“Sa pabrikang pinapasukan ko ay dyanitor ako ang bagong manager ay kaklase ko na komokopya lamang sa akin noon.

“Bukas ay doon na ako maglilingkod sa opisina niya. Nalaman niya na may sakit ako sa baga siya ang magpapagamot sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit ibig kong makatapos kayong lahat ng pag-aaral lalo ka na Nando dahil ikaw ang magiging padre de pamilya pagdating ng araw.”

Monday, July 10, 2006

Mga kaluluwang pinag-isa

Bella Angeles-Abangan

"What greater things is there for you two human soul than to feel that they are joined for life to strengthen each other in all their work, to rest on each other in all sorrow to minister to each otner in all pains, to be one with another in silent, unspeakable memories at the moment at the last parting." Sinulat iyan ni Mary Ann Evans ang ginamit niyang penname ay George Elliot.



Kilala si Mary Ann sa kanyang magagandang pangaral. Sa kanyang isinulat sa itaas ay naroon ang kanyang pahayag na napakataas ang uri. Pagsasama ng mag-asawa kung nag-iibigan.

Sila na magkapilas puso ay magkakasama sa hirap at ginhawa. Magkasalo anumang dusa at saya sa buhay.

Nakakalungkot kung malaman ng isa na ang kanyang kabiyak ay may taning na pala ang buhay.

Sa tuwing magigising siya sa gabi ay naroon ang katotohanan na malapit na siyang iwan ng kanyang kabiyak. Narito ang sinulat ni Andre Mauricious, tungkol sa pinag-isang mga puso na laging nagpapadama ng pag-ibig.

"Asuccessful marriage is an edifice that must be rebuilt everyday."

Upang tumagal ang pagsasama ng dalawang sadyang pinag-isa ng Panginoon ay narito ang ilang Tips upang maging mabango ang pagsasama.

Alagaan ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpapadama kung gaano siya kamahal araw-araw. Minsan sa dantay ng kamay o hawak ay nararamdaman na naroong taglay ng kanyang palad ang isang libong pagmamahal.

Nariyan ang akbay ng kabiyak na puno ng pagmamahal. Ang hagod ng kamay sa buhok habang natutulog ang kabiyak. Kahit iyong paglalagay ng kumot upang hindi siya malamigan. Ang mga dampi ng palad sa pisngi ng minamahal ay napapapitlag ang puso. Maraming nagagawa ang mga kamay ng isang minamahal… Kahit sila ay malayo sa isat-isa ngunit nagkakatanawan ay isang kaway lamang na kakambil ng ngiting puno ng pag-ibig ay sapat na.

Iyong hagod ng kamay sa pagod na likod sa dumating na kabiyak. Paglalagay ng pulbos sa pawisang katawan. Ang hagod ng kamay ng minamahal sa masakit na katawan ay katumbas na ang libu-libong pagmamahal.

Iyong "little things means a lot" ay isang maligayang pitlag ng puso kung ito ay matatanggap. "Love notes" ng mahal na kahit sila ay walang wala kapag sinulat ang laman ng puso ay daig ang mayayamang mansion ngunit nag-aaway.

Isang bulaklak lamang ng rosas na dala ni mister ang "peace offering" ay malaki ang nagagawa ng pusong sinugatan.

Isang balot na pansit na dala ng manggagawa para sa kanyang kabiyak ay anong sarap ng pakiramdam ng inaalayan.

Pag-iingat na huwag masugatan ang puso ng kabiyak. Pigil ang makamandag na sila. Pawing inspirasyon ang laman ng mga salita para sa isang mahal.

Pagluluto ng paboritong ulam ng kabiyak. Naroroon ang paghahandog na kasama ang pag-ibig. Anong sarap ng samahan ng mag-asawa na naghihintayan sa oras ng pag-kain. Pagsusulat ng mga liham na puno ng pag-ibig para sa malayong minamahal.

Isang mister sa Saudi ang nakatanggap ng isang handog na mula sa misis sa kanyang kaarawan.

Naroon ang inggit ng mga kasama ng mister. Pagkat ang handog ay hindi matutumbasan ng salapi. Ito ay tinatawag na "Album ng Pag-ibig." Naroon ang mga larawan na may istorya mula sa araw ng kanilang pagkikita. Bawat larawan ay may istorya. Ang mister ay natulog na ang handog ng kanyang misis ay nasa ibabaw ng kanyang dibdib.

Sa tatlusok na pag-ibig ay naroon at kasama nila ang Panginoon. Nasa kanila ang bendisyon. Para sa walang hanggang pag-iibigan.

Halinang patamisin ang mga natitirang taon ng pagsasama.

Pampalakas ang balakid

Bella Angeles-Abangan

"The man who succeeds has a program, he fixes his course and adhered to it. He lays His plans and execute them; he goes to his goal. He is not pushed this side and that every time a difficulty is trust in his way. If he can’t go over it he goes through it. Nothing within the realm of the possible can with the man or woman who is intelligent beat on success."


Ang taong may plano sa buhay ay hindi maaaring matumba o madapa pagkat babangon siya at magpapatuloy.

Iyan ang matalinong tao kapag naroon sa kasaganaan ay napakaganda ng kanyang katayuan nasisiyahan siya at hindi nagmamalabis.

Kapag naroon sa kahirapan ay masiglang nakikipaglaban. Ganyang ang buhay na maraming hirap, pighati at dusang dumarating. Ang taong ito ay matatag at matibay.

Ayon sa English proverbs ay: "Adversity makes a man wise."

Narito ang istorya ng isang bata habang lalong nahihirapan ay lalong tumatapang.

Si Marcelo ay pinagtatawanan lagi ng kanyang mga kapatid. Tahimik lamang ang kanyang ama at ina sa nakikita nila na aral ng aral. Ang pangatlo sa anim na magkakapatid.

Sa maliit na barong na iyon ay may maliit na gasera. Si Marcelo laging humihiram ng mga libro sa kanilang aklatan sa paaralan.

Kapag Biernes ay nag-uuwi si Marcelo ng aklat ng dalawang piraso. Noong una ay mga kuwento ang kanyang binabasa ngunit ng magtagal ay ibat-ibang aklat na ang kanyang hinihiram.

Noong dumating si Marcelo sa ika-limang baitang ay lumipat sila ng bahay pagkat pinaalis ang mga iskuwater sa lupang iyon.

Maaga na lamang siyang umaalis ng bahay at habang naglalakad patungo sa paaralan ay may sampung spelling words na kanyang isinasaulo. Ito ay hindi nila assignment.

Napunta si Marcelo sa section one sa Grade V. Natalo niya ang kanyang mga bagong kaeskuwela.

Nagkasakit si Marcelo ng H-Fever. Inutusan niya ang kanyang kapatid na humiram ng notebook sa kanyang kaeskuwela at kahit sa higaan ay nag-aaral pa rin siya.

Lalong nanguna si Marcelo sa klase pagkat buong libro ng kanyang subject ay binabasa at pinag-aralan niya ng advance ang kanilang mga leksyon. Tuwing dumarating ang Abril at Mayo ay kanyang hinaharap ang lubusang pagbabasa.

"Totoo pala ang kasabihang ang taong pala basa ay laging nangunguna."

Naging balediktoryan si Marcelo sa elementarya. Nakapasa rin si Marcelo sa written exam sa Philippine Science Highschool. Naroon siya nakatira sa Dorm ng paaralan, may alawans pa siyang tinatanggap. At pagkatapos ni Marcelo sa highschool ay nagtungo siya sa UP at pagkatapos niya sa UP ay hindi pa rin siya tumigil. Nagtungo siya sa abroad at kumukuha ng MBA. Doon na nakapagtrabaho si Marcelo.

Ang lahat ng kanyang pagsusumisigasig ay dahil noong araw na siya ay nasa elementarya. Nagbiro ang kanyang kaklase, inilagay nito ang pitaka sa loob ng lumang bag ni Marcelo. Iyon ay pag-aari ni Norman. Ang nagbiro ay si Danny at ganoon na lamang ang panghihiya nito kay Marcelo.

Dinala si Marcelo sa silid ng guidance councilor.

Noon siya sumumpa sa sarili na sa tulong ng maykapal ay lalo siyang mangunguna. Ang puhunan niya ay tapang, tibay ng loob at pananalig sa Poon.

Thursday, July 06, 2006

Pampasigla ang mga mithiin natin

Bella Angeles-Abangan

“To fix a wandering life and give it direction is not an easy task. But a life which has no definite aim is sure to be fritted away in empty and purposely dreams. Listless fritters, busy idlers, purposely busy bodies are seen around, a healthy definite purpose is a remedy for a thousand bills which attend aimless lives.” Ang sumulat ng nasa itaas na talata ay si Sweet Marden Orison.

Naranasan niya ang maging yagit na dinadalang agos sa kanal Wala siyang magulang na magtatanong sa kanyang pagdating kung kumain na siya. Wala rin siyang bahay na uuwian pagsapit ng gabi. Mistula siyang isang kaluluwang lagalag.

Wala rin siyang paaralan na gagabay sa kanyang pag-aaral. Ang matindi niyang problema ay kung panahon ng pag ulan ng niyebe o yelo. Mahihirapan siyang matulog sa bangketa. Kayat nakikitulog siya sa itaas ng kisame o atip sa bahay ng kanyang mga kaibigan.

Nagkaroon ng direksiyon ang buhay ni Orison ng mabasa niya sa atip ang manipis na aklat ni “Samuel Smiles, Self-Help”. Mula noon ay nagkaroon na siya ng direksiyon sa buhay. Sumilang na ang mithi sa kanyang puso. Nag-aral kahit na malaki na siya. Magbabasa siya ng magbabasa upang mabalikan niya ang mga nakaraang leksiyon.

Si Orison ay nakatapos sa University of Boston. Narating niya ang pinakamataas na Education, nakamit niya ang doktorado sa Education. Nagbigay siya ng leksiyon upang pukawin ang kaisipan ng mga mahihirap na bata na may natatagong potensiyal katulad niya.

Noong ginagawa ni Mang Domingo, ang latero ang aming lumang L-300 ay naikuwento niya sa aming family driver na si Mang Ben na may black sheep daw sa kanilang pamilya. Narito ang bahagi ng kanyang kuwento:

“Sumuko na nga kaming mag-asawa sa aming anak na si Zaldy. Bawat guro niya ay ipinatatawag kami mula ng siya ay nasa Grade I. pasang awa siya sa kanyang grado at kay haba ng kanyang mga bad record sa school. Galit narin sa kanya ang aming baranggay chairman, naninigarilyo na siya at palaging nasa tong-its.

Hindi siya matalo kahit sa mga binata na ang kanyang mga kalaban. Bihira na siya kung umuwi ng bahay. May takot na kami na baka kung ano ang mangyari sa kanya. Marami din siyang kaaway mga myembro ng fraternity. Wala kaming kapayapaan ng isip...”

Malayo ang bahay nila sa Bagong Silang pa, doon din dinadala ang mga iskuwater na nanggaling sa iba’t ibang pook.

Ipinadala ko kay Domingo si Zaldy bago magmahal na araw.

Maliit si Zaldy maitim, payat at listong bata. Lahat ng kanyang potensiyal ay ginamit niya sa kasamaan. Sa tatlong linggong pamamalagi niya sa amin ay tatlong beses siyang tumakas.

Minsan ay ipinasama ko siya sa “Life in the Spirit Seminar.” Na itinatag ni Bro. Bingbong Crisologo ito ay sa Love Flock.

Iyong unang kanyang pagdalo ay pinalabas siya dahil bawal daw ang doon ang bata. Iyong ikalawa ay pinasingit ko siya. Sabi ko kahit “saling pusa” may mapupulot din si Zaldy para sa kanyang kaluluwa.

Noong pagkatapos ng kanyang tatlong araw na siminar ay nawala ang kanyang pagkagalawgaw.

Iyong sinasabi na baka hawahan niya ang mga batang lalaki sa aming ampunan ay kabaligtaran ang dinadasal ko. Siya ang mahawahan ng mababait kong ampon.

Noong makarating siya sa pook ng Sisters of Mary sa Silang Cavite ay nakita niya mula sa labas ang ganda ng lugar. Nagkaroon siya ng “mithi” na mapabilang siya sa mga nagtatatakbong bata sa limang hektaryang lupa. Mayroon din silang tatlong gusali na tig-aapat na palapag.

Hindi siya marunong magbasa ng English o sa Pilipino. Iyon bang panay pasang-awa ang grado niya makaalis lamang sa paaralang iyon ay ipinapasa na siya.
Ipinasok ko si Zaldy sa paaralang malapit sa amin. Kasamasama si Zaldy sa limang araw na pagkuha ng mga gulay na ipinupull-out sa isang malaking supermarket.