Bugsfely

Tuesday, January 31, 2006

Pananalig

by Bella Angeles Abangan

Faith is not merely praying

Upon our knees at night;

Faith is not merely staying

Through darkness into light;

Faith is not merely waiting

For glory that may be.

Faith is the brave endeavor.

The splendid enterprise.

Nagbibigay ng inspirasyon ang tula sa itaas. Sinasabi rito na ang pananalig ang sandata natin sa pakikibaka sa buhay na ito.

Ang pagdarasal gabi-gabi, oras-oras o minu-minuto ay hindi batayan na tayo ay may matibay na pananalig. Ang pagsasabuhay ng salita ng Diyos ang mabisang sandata sa pakikipaglaban sa buhay na ito.

Si Jenny (hindi tunay na pangalan) ay isa sa aming anak sa "Lakbay Diwa."

Lahat ng pagrerebelde ng isang tinedyer ay natikman ko kay Jenny. Hindi siya pumapasok sa kanyang eskuwelahan. Nagsisinungaling. May boyfriend gayong first year pa lamang siya sa high school. Tumatakas sa paaralan upang manood ng television studios ng mga palabas na "live" Hindi siya gaanong tumutulong sa mga gawaing-bahay. Hindi ginagawa ang kanyang homework. Kasama niya ang mga barkada at gabi na kung umuwi.

Masama ang loob ni Jenny nang ipinasok ko siya sa Sisters of Mary School sa may Bacood, Sta. Mesa.

Ang tinatanggap sa paaralang ito ng mga madre ay ang mahirap na mahirap lamang. Sa ampunan galing si Jenny kaya siya tinanggap.

Bukod sa kursong sekondarya ay tinuruan sila ng basic computer, dress making at electronic. Para naman sa mga lalaki nag-aaral sa Sisters of Mary sa Silang, Cavite, may vocational courses din tulad ng automotive driving, air conditioning at driving.

Ang mga tinatanggap ay walang uwian at hindi maaring dalawin ng magulang. Sa loob ng isang taon ay may dalawang linggo silang bakasyon. Walang gastos ang mga magulang sa loob ng apat na taon.

Bukod sa pinapanday ang inyong isip sa mga leksyon kasama ang mga bokasyonal ay inihahasik sa kanilang puso ang salita ng Diyos at kagandahang-asal.

Ang nagtatag ng mga paaralang ito sa Pilipinas at sa Korea ay ang yumaong si Monsgr. Aloysius Schwarts, isang misyonaryong Amerikano

Nakabakasyon si Jenny sa kasalukuyan sa aming bahay. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga madre at kaniyang mga guro sapagkat nawala ang di-magandang pag-uugali ni Jenny.

Purihin ang panginoon.

Monday, January 30, 2006

Humanap ng paraan

by Bella Angeles Abangan

If you can’t go under, go over,

If you can’t go through, go around,

If you can’t go right, go left,

If you can’t get an angle, take two plate, and make it.

If you haven’t the right material, go get it,

If you can’t find it, make substitutions,

If you can’t substitute, improvise;

If you can’t improvise, make an innovation;

But above all, get the job done.

And thank God for His help!

Ang nasa itaas na pinamagatang "Always Look for Solution" ay ibinigay ng ina ni Henry Kaiser sa kanyang anak. Sinunod ito ni Henry at siya’y nagtagumpay.

Ang buod ng tula ay humanap ng paraan kung may problema lalo na sa gagawing trabaho. Hindi maaaring gumawa kung may nakaharang na sagabal.

Halimbawa, si Danny ay may budget na sa kanyang pamasahe patungo at pag-uwi sa trabaho sa isang buwan. Biglang nagkasakit ang kanyang bunso. Kailangang ibili ng gamot ang naitabi niyang pera. Wala na siyang pamasahe.

Iyan ang ihahanap niya ng solusyon.

Ganyan ang buhay ng tao. Sa tuwing kikilos tayo ay may sagabal. May suliranin na dapat ihanap ng lunas. Isipin natin na nariyan ang Panginoon. Siya ay naghihintay. Kailangang magpatulong tayo.

Narito si Nancy na bagong graduate sa haiskul. Mahirap lamang ang kanyang mga magulang. Hindi siya kayang pag-aralin sa kolehiyo. Apat silang magkakapatid. Siya ang panganay.

Nag-iisip si Nancy kung paano siya makapag-aaral. Kumuha si Nancy ng isang kuwaderno at isinulat ang mga posibleng solusyon. Nananalangin si Nancy mula noong kanilang pagtatapos. Inialay niya ang kanyang malalayang oras sa pagtulong sa mga gawaing bahay. Siya na ang naglalaba, nagluluto at namamalantsa.

Hindi siya nagbibigay ng sama ng loob sa kanyang mga magulang.

Iniiwan niya ang nangliligaw sa kanya. Ang paliwanag niya ay ganito:

"Sabi ng Mommy at Papa ko ay mag-aaral pa ako. At pagkatapos kong mag-aral ay magtatrabaho pa ako. At kapag may trabaho na ako ay pag-aaralin ko pa si Karen ang kapatid na sumunod sa akin. Makapaghihintay ka ba ng ganyan katagal?"

Ang lahat ng mga nanliligaw ay isa-isang nawala.

Nagpulong ang mga magulang ni Nancy kasama ang bagong nagtapos.

Nakapagyarian nila na kumuha siya ng eksamen sa unibersidad ng gobyerno o state university tulad ng PUP, PLM, Rodriguez Vocational, Philippine Normal University at iba pa.

Maghahanda ng pera bilang pambayad sa eskuwelahan. Enero pa lamang ay kukuha ng mga entrance exams.

Maghahanap ng extra money. Maaaring magtinda. Maaaring maging katulong sa mga kamag-anak lalo na kung may tindahan.

Maghanda ng isang malaking hulugan ng pera at lahat ng mga matitipid ay doon ihuhulog ng buong pamilya.

Magtitipid ang buong pamilya sa tubig, ilaw, mga merienda at iba pa.

Gawing motto ay "Ang hindi kayang bilhin o hindi dapat bilhin ay huwag bilhin."

At higit sa lahat ay itutok ng buong pamilya ang kanilang atensyon sa Panginoon. Huwag kaligtaan ang pagdarasal tuwing hapon nang sama-sama.

Wednesday, January 25, 2006

Inspiration ng isang guro

by Bella Angeles Abangan

The Lord will you gave health and strength,

For works He bids you do;

To serve Him from a heart of love,

Is all He asks of you.

Ang maikling tula ay nagsasabi na kapag kumapit tayo sa Panginoon at sinunod natin Siya ay hindi Niya tayo pababayaan.

Narito ang istorya ni Teddy Stallard. Siya ay nasa klase ni Miss Ria Thompson.

Alam ni Miss Thompson ang kahirapan ni Teddy. Naroon ang kanyang record na wala na siyang ina at ang ama niya, isang magsasaka ay hindi siya pinapansin.

Pumapasok si Teddy na marumi at hindi pinalantsa ang damit. Wala siyang homework. Lagi siyang huli at liban sa klase. Mahina si Teddy sa kanyang mga leksyon. Kandidato siya sa mga bagsak.

Lagi siyang nasa hulihan. Sa wari ni Teddy ay hindi siya kasali sa klase. Hindi siya makaiyak. Wala siyang baon pagkat mahirap lamang silang mag-ama. Pumapasok siya na hindi kumakain ng almusal.

Noong dumating ang bispiras ng Christmas ay nagkaroon ng munting salu-salo ang klase ni Miss Thompson.

Naroon sa mesa ng guro ang kanilang aginaldo. Binubuksan ni Miss Thompson ang mga naroong handog sa kanya.

Huling binuksan ng guro ang regalo ni Teddy. Nakabalot ito ng manila paper at naka-scotch tape.

May nadamang awa is Miss Thompson. Itinaas niya ang pulseras na may iba’t ibang nakasabit na may kulay. Kulang-kulang ang mga bato at lumang-luma.

Isinuot ni Miss Thompson at nakangiting sinabi sa klase.

"Tingnan niyo… Ang ganda-ganda! At may kasama pang pabango."

Nagniningning ang mga mata ni Teddy…

"Palakpakan natin si Teddy. Kahit paano ay nakapagbigay sa akin si Teddy."

Malakas ang palakpakan ng buong klase. Bago nag-uwian ay ito ang paggunita ni Miss Thompson kay Teddy:

"Upang hindi ikaw maligaw ay gunitain mong lagi ang Niño Jesus. Lagi kay kumapit kay Baby Jesus. Malapit na ang kanyang kaarawan. Hindi ka maliligaw. Ikaw, Teddy ay magtatagumpay."

Pinakinggang mabuti ni Teddy ang payo ng kanyang guro. Nagpaiwan si Teddy. Ito ang wika ng guro nang halikan niya sa pisngi ang batang sampung taon.

"Huwag mong kalilimutan na mahalin ang Baby Jesus. Mahalin mo rin ang iyong ama upang magbago. At ipagdasal mo ako lagi. Mag-aral kang mabuti."

Niyakap ni Teddy ang kanyang guro. Sa pakiwari ni Miss Thompson ay bagong-buhay ang kanyang dating kaawa-awang mag-aaral.

Pagkaraan ng ilang taon ay tumanggap si Miss Thompson ng sulat mula kay Teddy na nagbabalita na siya ang nangunguna sa mga nagtapos sa haiskul. Isang sulat pa pagkatapos ng ilang taon na siya ay summa cum laude. At pagkaraan pa ng ilang taon ay superbisor na siya sa isang malaking kompanya.

At sa dakong huli ay naroon ang paanyaya "wedding invitation" na siya ay ikakasal na. Ang papel niya ay siya ang kanyang ina.

Nakita ni Miss Thompson si Teddy pagkaraan ng maraming taon – isang ulirang binata na punung-puno ng grasya ng Diyos ganoon din ang maganda niyang kabiyak.

Purihin ang Panginoon.

Monday, January 23, 2006

Nasa Kanya ang gabay ng Poon

by Bella Angeles Abangan

"I am sending you out like a sheep among the wolves. Therefore be as shrewd as snakes and as innocent as doves."

Ang maikling siniping-sabi sa Biblia ay kinuha sa Matthew 10:16.

Sinasabi na kapag tayo ay napapaligiran ng di-mabubuting tao ay tumulad tayo sa manlilinlang na ahas at maamong kalapati upang mapaglabanan ang kasamaan sa tulong Niya.

Kung tayo ay nagigipit ay manalangin tayo sa Panginoon. Ang kanyang payo ay magpakatalino tayo tulad ng ahas at kasing-amo ng kalapati.

May binihag na dalagita upang ipatubos sa milyonaryong ama.

Noong naglasingan na sa isang kubo sa bundok ang mga bumihag ay humanap ng paraan ang dalagita. Lasing na lasing ang nagbabantay sa kanya. Nakakadena ang dalawa niyang paa na may susi. Ngunit malaya ang dalawa niyang kamay. Ginapang niya ang kapirasong tubo. Ipinukpok niya ito sa ulo ng natutulog. Kinuha niya ang susi sa bulsa nito upang mabuksan ang kadena. Nakita niya ang kanyang handbag sa isang sulok. Nakatago sa ilalim nito na hindi makikita ang kanyang cellphone.

Dahan-dahan siyang lumabas na hindi namama-layan ng mga naroon na tulog na tulog. Kumaripas siya nang takbo. Hanggang nakatawag siya sa cellphone. Nasaklolohan siya nang dumating ang dalawang kotse na sakay ang mga pulis at kasama ang kanyang ama.

Ang ibinulong niya sa kanyang ama habang siya ay nakayakap:

"Dad, leksyon ito sa atin ng Itaas. Mag-bahagi tayo sa kapwa. Mag-amang pulubi ang nagturo sa akin ng daan at kung saan ako naroon."

Tangu ng tango ang ama na hindi mapigilan ang pagluha. Mga luha ng tuwa dahil nag-iisang anak si Diana. Kamamatay lamang ng kanyang kabiyak.

Narito ang istorya ng isang may edad nang negosyante.

Malaki ang utang ng ama ni Zoraida kay Max. Ang kapital ng kanilang sari-sari store ay mula sa negosyanteng ito.

Noong lumaki na ang utang at inabot ng isang milyong piso ay ito ang minungkahi ni Max.

"Narito ang aking mungkahi. Maglalagay ako sa bag na ito ng dalawang maliliit na bato. Isang puti at isang itim. Kapag nabunot mo Zoraida ay itim na bato ay pakakasal ka sa akin at wala nang utang ang ama mo. Kapag puti ang iyong nabunot ay malaya ka at wala na ring utang ang iyong ama."

Mabilis ang mga mata ni Zoraida. Nasilip niya na dalawang maitim na bato ang inilagay ni Max.

Walang kakaba-kaba na bumunot si Zoraida. Nakaupo sila sa may swing na napapaligiran ng mga batong puti at batong itim ang paligid.

Kunwari ay nabitiwan ni Zoraida ang bato. Sinadya niya ito. At nakita nila na tatlong itim na bato ang natira. Hindi nakakibo si Max pagka’t mahahalata ni Jack ang ginawa niyang panluluko o katusuhan.

Kapag humingi tayo ng tulong sa Diyos tulad ng ginawa ni Zoraida ay hindi tayo mabibigo.

Tuesday, January 17, 2006

Nagtanim ng kabutihan

by Bella Angeles Abangan

I shot an arrow into the air,

It fell to earth, I knew not where,

For, so swiftly it flew, the sight

Could not follow in its flight.

I breathed a song, I knew not where,

For who has sight so keen and so strong,

That is can follow the flight of a song,

Long, long afterward, in a Tree,

I found the arrow, still unbroke,

And the song from beginning to end,

I found again in the heart of a friend.

Ang tula sa itaas ay sinulat ni Henry Wadsworth Longfellow. Napakaganda ng mensahe. Anumang gawin nating buti o sama ay babalik sa atin.

Hindi tayo nagmithi na ang ating ginawaan ng buti ay gaganti. Tanging ang Diyos lamang ang nakakabatid.

Noong nagbasa ako ng isang aklat tungkol sa ESP ay nakita ko sa aklat ang larawan ng isang kulay orange na arrow na mula sa bibig ng nagsalita ay lumabas ang nag-aapoy na malambot na arrow at bumalik ang arrow sa nagsalita.

Ang tanim na buti ay babalik sa atin pagkaraan ng ilang panahon na hindi natin akalain. At kung masama ang ating tanim ay naroon ang karma na naghihintay sa atin.

Ito ay isang personal na karanasan. Noong maliit pa ang aking bunso, si Anthony, ay dinala ko sa isang malaking ospital ngunit inuuwi ko muli. Isang linggo na ang kanyang pagsusuka at pagdudumi. Lahat ng gamot ay kanyang inilalabas. Dinala ko siya sa isang malaking ospital na may klinika si Dr. Immura. Ito ay nangyari noong 1964. Si Anthony ay anim na buwan at sumususo pa sa akin.

Nakilala ko si Dr. Imamura pagka’t may tinulungan ako na isang sanggol ng aming kapitbahay. Pareho ang sakit nito kay Anthony. Dinalhan ko ng pagkain si Ming, ang ina.

Nalaman ni Dr. Imamura ang aking pagmama-lasakit gayong hindi ko siya kamag-anak.

Napagaling ni Dr. Imamura ang tinulungan ko at ang aking bunso. Noong idinaan ko si Anthony sa klinika at aalis na kami ay inabot ko ang isang sobre kay Dr. Imamura bilang bayad.

Hindi niya ito tinanggap! Para akong nasa langit. Iyon ang aking last money, R50 lamang. Nagpasalamat ako nang puspusan kay Dr. Imamura na hindi binuksan ang sobre. Nahalikan ko siya sa pisngi sa aking matinding tuwa. Napakagaling niya at wala pang bayad gayong isang linggo niyang itong ginamot.

Pinadaan namin ni Maring ang taksi at bumili ako ng kalahating fried chicken sa MAX sa matinding gutom.

Masarap tumulong kahit hindi papalitan ang ating naitulong. Ipaparamdam sa atin ng Diyos na may Mahiwagang Kamay na magbabalik as atin ng buting ginawa natin. Sa ating matinding pangangailangan ay may ibang kamay na tutulong naman sa atin na hindi natin inaasahan.

Napakabuti ng Diyos at nagunita ko ang kasabihang:

"Garbage in, garbage out" dapat "Graces in, graces out."

Ang Dakilang Kamay ng Diyos ang magbabalik sa ating ng ating buting ginawa. Purihin ang Panginoon!

Thursday, January 12, 2006

Maging matatag ka

BELLA ANGELES-ABANGAN

If you can keep your dreams When life has tried you, And find the faith to keep your ideals strong, If you can trust that quiet voice inside you,


When it seems hard to know,
When it seems hard to know
What is right and wrong.
If you can be just a friend to those around you,
And pass on every kindness you receive,
If you can face temptations that surround you,
And hold on the things you believe
Then you will fulfill the hopes of those who love you,
And all your dreams will come true.

Ang awtor ng tula ay hindi nagpakilala. Malubha ang kalagayan ng pasyente na inaalagaan ng tatlong caregiver.

Nag-iisang anak si Mercy ni Ma’am Vivian. Tapos na si Mercy ng Nursing. Siya ang lider ng tatlong care-givers.

Natuto si Mercy na pamahalaan ang kanilang tatlong negosyo ng kanyang ama. Maraming tauhaan si Mercy. Wala pang isang buwang namatay ang kanyang ama sa isang car accident.

Hindi malaman ni Mercy ang gagawin. May accounting firm, may gas station, at may dalawampung townhomes ang kanyang mga magulang.

Lalong lumapit sa Panginoon si Mercy. Noong malaman ni Mercy na materialistic ang kanyang boyfriend ay unti-unti siyang lumayo.

Ang puno ng kanilang accounting firm na isang maginoo ang kanyang napusuan.

Kailangan ni Mercy ang tatag ng kalooban.

Isang gabi ay sinalubong si Mercy ng kanilang katulong na masama ang kalagayan ng kanyang ina.

Naroon noon si Dante, ang puno ng accounting firm. Siya lahat ang nangasiwa sa pagdadala sa ospital sa mama ni Mercy.

Ang akala ni Mercy ay makakaya niya. Nawalan ng malay si Mercy. Dinala agad ito sa ospital.

Nagkaroon si Mercy ng atake sa puso. Noong mamatay ang ina ni Mercy ay naroon ito sa ospital. Hindi niya alam na pumanaw na ang kanyang ina.

Noong nasa ospital si Mercy ay unti-unting ibinalita ni Dante ang mga nangyayari sa loob ng sampung araw.

Walang kamag-anak na mapagkakatiwalaan si Mercy. Mabuti at ginawa itong lahat ng kanyang boyrfriend.

Ganoon pa man ay kailangang lakasan at tibayan ni Mercy ang kanyang kalooban.

At noon ibinulong sa kanya ng kanyang katulong na kailangang magbigay siya sa mahihirap. Marami ang minsan na lamang kung kumain sa isang araw. Tumulong ng puspusan si Mercy sa mga iskuwater na malapit sa kanila.

Natuklasan ni Mercy na masamang tao pala ang kanyang boyfriend.

Nang lumakas na si Mercy ay nagpasama siya kay Dante na mag-shopping sa isang mall.

Nakasalubong ni Mercy si Bobby, ang kaklase niya sa kolehiyo. Hindi kilala ni Dante si Bobby ngunit kilala siya ni Bobby.

Ito ang peke na accountant ng tiyuhin ni Bobby na nanluko sa kanyang tiyahin.

“Ingat, peke iyang boyfriend mo.”

Sapat na iyon upang tapatin ni Mercy si Dante na ibibigay niya ang kanyang huling sahod.

Lumakas ang loob ni Mercy. At sa dakong huli ay nakilala ni Mercy na tapat sa kanya si Bobby, ang lalaking hulog ng langit sa kanya.

Tuesday, January 10, 2006

Pagkakawanggawa sa iba

Bella Angeles-Abangan

Do something for somebody, gladly, It will sweeten your every care, In sharing the sorrow of others, Your own are less to bear, Your own are less to bear, Your own are less to hear, Do something for somebody always, Whatever maybe your creed, There’s nothing on earth can help you, So much as kindly as deed.

Ang sumulat ng tula na “Do Something for Others” ay hindi nagpakilala. Sinasabi sa tula na ang ating problema kapag tumulong tayo sa isang kaawa-awa ay magiging maliit.

Narito ang istorya ng kolumnistang ito – si Tita Belle.

Kaarawan ko ngayon. Kakaiba ang panawagang ito. Hindi para sa sumusulat nito kundi para sa mga bata at matanda ng LAKBAY-DIWA AMPUNAN.

Sasamantalahin ko na sa aking kaarawan ay idudulog ko sa mga mambabasa ang aking dala-dalang problema.

May 38 kami rito. Si Christopher ay isang taon at hindi pa nabibinyagan. May mga batang hindi pa nag-aaral. Sina Clarissa, tatlong taon at si Marissa, 2 taon at si Ryan ay tatlo rin. Sila ang hindi pa nag-aaral. Samantala, si Shanelen at Shannon ay nasa Grade I at Grade II.

Mayroon kaming mga elementarya. Tatlo sa kanila ang magtatapos sa elementarya. Sila ay sina Princess, Maricel, at Jay-R. Dalawa ang nasa private school at mga iskolar, sina Angelie at Angerico. At dalawa sa high school. Sila ay sina Nikka at Abigail. May isa kaming nasa kolehiyo, una naming ampon, may half tuition, si Angelo. Mayroon pa rin kaming nag-aaral sa non-formal education. Sila ay sina Ricky, R-Jay, Almario, at Ronald.

Hindi ko na binabanggit ang mga nasa elementary at high school. May mga handicap kaming inampon, si Gilbert, dating driver ay nagkaroon ng stroke. Nasa wheelchair siya. At isang batang babae na dalaga na biktima ng hydrocephalus.

Marami kaming mga single parents at mga volunteer workers na hindi ko na babanggitin.

Nang masunog ang aming bahay noong Enero 4, 2004, ay nakita ng yumao kong kabiyak na huwag na ituloy sa SEC ang aming mga papeles na application form upang maging foundation ito. Kailangang magkaroon kami ng social worker na aming bibigyan ng sahod. Ito ay magbibigay ng ulat sa DSWD. Requirement ito.

Ang payo sa akin ni Peping noon ay huwag nang gawing FOUNDATION. Madali kaming makakahingi sana ng donations. Ang ina o ang single father ng mga bata ay sa amin din naglilingkod na walang sahod. Basta’t pag-aralin ang kanilang mga anak ay natutuwa na sila. Tatlo ang aming bahay na pawang mga ampon ang nakatira. Nang maging matumal ang negosyo namin ng mga aklat ng Lakbay-Diwa sa National Book Store ay naramdaman namin ang matinding kagipitan sa pera.

Ang Rustan Supermarket na kinukunan namin ng mga gulay, tinapay, isda at prutas ay nagbibigay ng apat na beses sa isang linggo. Gabi namin kinukuha ang mga pull-out ng supermarket. Sa hatinggabi ay namimili kami ng maaaring pakinabangan.

May mga gintong-puso na kaibigan ang nagkakaloob ng kanilang love offering. Hinihingi nila ang aking bank account at sila ay nagpapadala. Sila ang mga mambabasa na may mga gintong puso.

Ang mga nagbibigay ng bigas, de lata at pera ay ipinakukuha ko sa pick-up.

Sila ang bumubuhay sa amin at ang dalawamg kolum ko ay pambayad sa mga bills at kanilang baon.

Sa mga babati sa akin (927-66-81) ay marami pong salamat. At sa mga donors ay Diyos na ang gaganti sa inyo. Salamat po muli – Tita Belle.

Wednesday, January 04, 2006

May paraan lagi ang Diyos

by Bella Angeles Abangan

"If you do not know how to meet any particular problem, you have only to ask the Lord who gives generously to all men without feeling them guilty. And you might be sure that the necessary wisdom will be given by Him."

Ang nasa itaas na hinangong-sabi ay mula sa James 1:5. Sinasabi na kapag nagkaroon tayo ng kanilang problema na hindi natin kaya ay kumatok lamang tayo sa Panginoon at tayo ay tutulungan Niya.

Ang mahihirap ay nasisiyahan na umasa sa awa ng Poon. Humihingi sila ng bendisyon sa Poon. Sapat na sa kanila na kumain kahit dalawang beses sa isang araw. Kaligayahan na nila ang makapag-aral ang kanilang mga anak. Lubos ang kasiyahan nila kung may sarili silang bahay at trabaho.

Samantala, sa ilang mga maykaya, kahit maraming grasya na ang ipinagkaloob ng Diyos ay hindi pa rin sila nasisiyahan.

Narito ang istorya ng isang sundalo na noong panahong iyon ay nakikipaglaban sa digmaang sibil –Amerikano laban sa Amerikano.

Sa labanang iyon ay napatay ang kanyang ama at kuya. Nagtungo siya sa White House upang humingi ng sulat para sa kanyang kumander na i-exempt siya sa civil war dahil walang gagawa sa kanilang bukid.

Naroon pa lamang siya sa gate ng White House ay hindi na siya pinatuloy ng guwardia.

Umalis ng malungkot ang sundalo. Naupo ito sa bangkong marmol malapit sa puting palasyo.

Maya-maya ay isang batang anim na taon ang lumapit sa sundalo na malungkut na malungkot. Nagtanong ang batang lalaki:

"Bakit po kayo malungkot."

Noong mga sandaling iyon ay ibinigay niya ang kanyang buong problema sa bata. Inihinga ni James ang kanyang problema sa interesadong bata. Parang malaki tao na ang kausap ng sundalo. Ito ang wika ng bata kay James:

"Iyan ba lamang ang iyong problema? Madali lamang iyan. Basta sumunod ka sa akin…"

Sa likuran nagdaan si Todd. Sa likod na gate na pinipihit ang kandado. Alam na alam ni Todd ang pasikut-sikot.

Maraming pinto silang dinaanan. Hindi sila pina-pansin ng mga guwardia. Kung saan sila nagpasikut-sikot hanggang makarating sila sa malaki at magandang opisina ni President Abraham Lincoln. Hindi man lamang kumatok ang bata.

Kausap ng Presidente and Secretary of State. Nakalatag sa malaking mesa ang isang malaking mapa ng Amerika. Naroon sa mapa ang battle plans.

Huminto ang President at hinarap si Todd. Ito ang tanong ng Presidente:

"Ano ang magagawa ko sa iyo, Todd?"

"Daddy gusto ng kasama kong sundalo na maka-usap ka."

Dininig ng Presidente ang ibig mangyari ng sundalo. Mabilis siyang gumawa ng "letter of exemption" sa labanan para sa sundalo. Haharapin niya ang kanilang bukid pagka’t wala na ang kanyang kuya at ama.

Inabutan ng pera ng Presidente ang sundalo bago ito lumisan. Nagpasalamat din ang sundalo kay Todd at kinindatan ni Todd ang kaibigan niyang sundalo.

Dininig din ng Diyos ang dalangin ng sundalo noong nakaupo siya sa marmol na bangko malapit sa White House.

Monday, January 02, 2006

Magwawagi ka rin

by Bella Angeles Abangan

Let those who have failed take courage,

Though the enemy seems to have won,

Though his ranks are strong;

If he be in the won,

The battle is not won.

Far as the morning follows,

The darkest hour of the night,

No question is every settled

Until it is settled right.

Keep on with weary battle,

Against triumphant might,

No question is every settled.

Until it is settled right.

Ang tula sa itaas ay sinulat ni Ella Wheeler Wilcox. Ang mensahe niya sa mga aping-api ay darating din ang katarungan ng Diyos at ang mga dukha ay magtatagumpay.

Kailangan ay magtiis, magtiis at magtiis ang mga nasa ilalim. Darating din ang panahong magtatagumpay ang tama. May paraan ang Diyos.

Narito ang isang istorya tungkol sa aking kaklase sa Graduate School sa UST.

Magkasama kami ni Jenny nang siya makasal kay Victor na simpl. May sampu lamang kaming inanyayahan sa kanyang kasal.

Palaging nagkukuwento si Jenny sa akin kapag kumakain kami sa kantina. Bumukod na sila at isang kuwarto ang kanilang inuupahan.

Si Victor ay nagpapa-aral pa ng dalawang kapatid sa high school. Kapus sila lagi pagka’t nasa bahay lamang si Jenny. Laging lutong ulam ang kanilang binibili.

Wala silang badget para mamasyal o manood ng sine. Hindi pa sila makabili ng telebisyon. Ang libangan nila ay magbasa.

Nanghihiram na lamang ng mga aklat si Jenny pagka’t naging kaibigan niya ang librarian ng malaking aklatan sa UST.

"Alam mo Belle, kahit panty at brief ay hindi kami makabili…"

Inaliw ko si Jenny na kapag nilimot niya ang mga hirap at hindi na siya magdadaing ay darating din ang biyaya ng Diyos.

Isang gabi ay dalawang lalaki raw ang naghanap kay Jenny. Noong una ay ayaw nitong sumama sa dalawang lalaki na hindi nila kilala.

Doon na sila pinatulog sa malaking bahay. Ipinaliwanag ng dalawang abogadong sumundo na may hahatiing malaking kayamanan. Ang yaman ay hahatiin sa tatlong bahagi. Ang isang bahagi ay mapupunta kay Jenny.

Dumating ang kapatid ni Jenny mula sa Amerika. Pilit na nagbayad ng detektib ito upang ang nag-iisang anak ni Marlon ay mabigyan ng mana. Ang yaman ay galing sa kanilang lola na matandang dalaga.

Patay na ang mga magulang nina Marlon, Manuel (galing sa Amerika) at Mark na nasa Marikina.

Namatay si Marlon sa sakit sa puso. Noon ay isang taon si Jenny. Minsan lamang dinala ni Marlon ang ina ni Jenny sa Lola nito. Namatay din ang ina ni Jenny.

Parang hindi makapaniwala nang kinabukasan ay pirma lamang ang ginawa ni Jenny. Hindi na pumasok sa trabaho si Victor.

Mayamang-mayaman na si Jenny. Ang malaking lupa sa Marikina ay ipagagawa raw na subdivision sang-ayon sa nakabili nito.

Mahaba ang kuwento ni Jenny sa akin. Sinunod daw ako ni Jenny. Hindi na negatibo ang lumalabas sa kanyang bibig. Iyan ang dahilan kung bakit nagwagi rin siya laban sa kahirapan. Pawang dasal ang ipinalit niya sa kanyang mga daing.

Sa kasalukuyan ay nasa Amerika si Jenny at maligayang-maligaya sila ni Victor kasama ang kambal nilang anak.