Bugsfely

Wednesday, April 26, 2006

Nasa puso susi ng tuwa

by Bella Angeles Abangan

Selfish people, greedy ones, are victims of self conceit. They deprive themselves of life’s richest blessings, which are happiness and peace of mind. Greed suppresses expression, stops growth and unfoldment. Those seek to get something or nothing, to gain without giving hoarding and holding on without giving up anything, sooner or later will discover that the very thing they sought will be denied them. Their inflow will be determined by and correspond with their outflow.


Hindi nagpakilala ang sumulat ng tula. Ang mensahe ay ito: Ang mga taong sakim ay inaalisan nila ng ligaya ang kanilang sariling buhay. May kasabihan kung ano ang lumabas na buti, baga, ano mang masasabi nating tulong galing sa puso ay iyon din ang ating matatanggap.


Kung ano ang mithiing pinapangarap nila ay hindi nila maaangkin.
Ang tanong ng isang maramot sa anghel:


“Kailan ba ako matatapos sa pagbibigay?”


Ito ang tugon ng anghel:


“Kung huminto na ang pagbibigay ng Diyos sa iyo.”


Narito ang istorya ng magkaibigang matagal na nagkalayo. Mula ng matapos sila sa haiskul ay hindi na nagkita ang magkaibigan. Umuwi na si Marlo sa probinsiya upang tulungan ang kanyang amang magsasaka. Samantala, si Paolo ay nagpatuloy ng pag-aaral ng abogasya.


Kapwa may asawa at mga anak na sina Marlo at Paolo pagkaraan ng maraming taon.
Dinala ni Marlo ang kanyang pamilya sa Maynila pagka’t mahirap ang buhay sa probinsiya kung walang sariling lupang sasakahin.


Namasukan si Marlo bilang isang manggagawa sa isang konstraksyon.


Samantala, si Paolo kung ito ay maramot noong nag-aaral siya ay lalo na ngayon nang yumaman siya.


Maging sariling pamilya ay hindi pinagbibigyan ng kanilang hinihingi. Iyan ang dahilan kung bakit umalis sila.


Noong tumatawid ng hi-way si Mario ay hindi sinasadyang padaan ang kotse ni Paolo. Siya ang nasa unahan ng mga humintong sasakyan.


Namataan ni Paolo na tumawid ang kanyang matalik na kaibigan na tagasulat niya ng kanyang mga theme paper sa English at Pilipino.


Unti-unti niyang itinabi ang kanyang kotse. Lumabas ng kotse si Paolo at hinabol ang kaibigan. Nagkamustahan ang magkaibigan na puno ng pananabik sa balita ang kanilang mga puso.


Napansin ni Paolo na malusog at masaya si Marlo. Isinakay niya ang kaibigan at nagtungo sila sa Quezon City Circle.


Sa isang kainan sila nagtanghalian. At nagsimula ang kanilang balitaan.


Ikinukuwento ni Marlo na sa dalawang paper bag na kanyang dala ay naroon na ang mga natupad na pangarap ng kanyang mag-iina.


“Alam mo Paolo napilitan akong mag-overtime ng buong isang taon at iyon ay aking inalkansya. Hinahati ko sa dalawa ang ipon ko pagdating ng Disyembre. Tinutulungan ko ang taga-iskuwater para mayroon silang kaunting pang medya noche.”

Tuesday, April 25, 2006

Liwanag mula sa karimlan

by Bella Angeles Abangan

God moves in a mysterious way

His wonders to perform;

He plants His footsteps in the sea,

And rides upon the storm.

His purpose will ripen fast,

Unfolding every hour;

The bud may have a bitter taste,

But sweet will be the flower.

Blind unbelief is sure to err,

And scan His work in vain;

God is His own interpreter,

And He will make it plain.

Ang tulang nasa itaas na may pamagat na “Light Shining Out of Darkness” ay sinulat ni William Cowper.

Iyan ay bantog na bantog dahil sa unang saknong na ay pawang himala o kababalaghan ang ginawa ng Poon.

Ang Panginoon ay lumakad sa tubig at ang sinakyan ay bagyo. Ang kanyang layunin ay malalaman din natin sa dakong huli. Ang buko ng halaman ay mapait ngunit matamis ang bulaklak nito.

Iyong bulag nating paniniwala ay hindi kayang ipaliwanag ang kanyang ginagawa.

Narito ang istorya na maaari nating pamagatang Sumbat sa Budhi.

Pinagsisihan ni Manoling ang ginawa niyang pagkaduwag ngunit wala siyang maaaring pagpilian noong mga panahong iyon.

Immigrant ang buo nilang pamilya. Pilit na isinama ng kanyang magulang si Manoling pagka’t dalawampung taon na siya. Sa isang taon ay hindi na siya papayagan ng US Embassy na makapunta sa Amerika. Ang cut-off age ay dalawampung taong gulang.

Hindi na siya nakabalik ng Pilipinas. Siya ang paboritong anak ng kanyang ina na naging invalid mula ng ito’y ma-stroke.

Sa pagsunod ni Manoling sa kanyang ina, naiwan niya si Thelma na nagdadalang-tao. Ito ay kanyang nobya. Iyon ang nagpabalisa kay Manoling araw-araw. Hindi sila nagka-anak ng kanyang naging asawa sa Amerika na si Melody, isang Pilipina na naging masakitin.

Ngunit milyonaryo ang mga magulang ni Melody. Sa kanila ipinamana ang pera sa bangko at mga ari-arian.

Halos sabay si Melody at ang ina nito. Noon naisipan ni Manoling na umuwi ng Pilipinas. Kamamatay rin lang ng ina ni Manoling noon.

Samantala si Jenny, ang naiwang anak ni Manoling kay Thelma ay hindi nakatapos ng elementarya. Siya ang tagahanap-buhay para sa ina at Lola.

Nagtitinda siya ng supot na plastik sa palengke ng Quiapo.

Doon silang nakatirang mag-iina sa tabi ng ilog Pasig sa gilid ng palengke. Maliit at sira-sira ang kanilang barung-barong.

Pinahintulutan ng tadhanang magkita sina Manoling at Jenny. Nagpakilala si Jenny.

Masama ang loob niya sapagkat sa kahirapan ay hindi na siya nakapag-aral. Hanggang Grade II lang ang natapos niya. Nag-iisa na lamang siya sa kanilang giray-giray na barung-barong.

Hindi kumikibo si Manoling. Ang totoo ay tuwang-tuwa siya sapagkat natagpuan din niya sa wakas si Jenny.

Inabot ni Manoling sa anak ang malaking envelope na may lamang sulat niya sa kanyang ina na pawang bumalik. Maling tirahan. Lumipat na noon ang ina at lola ni Jenny.

Inabot din ni Manoling sa anak ang complete report ng isang detective agent tungkol sa kanilang mag-ina. Sila pala’y pinasusubaybayan ni Manoling kahit noon pa.

Monday, April 10, 2006

Kung sa iyo mangyari?

I would be friend of all, the poor, the friendless

I would be giving and forget the gift

I would be humble for I know my weakness

I would lock up and laugh and love and lift.


Iyong nasa itaas na tula ay sinulat ni Howard Arnold Walter. Ito ay pinamagatan niya ng “MY CREED.”

Narito ang isang istorya na iikot sa buhay ng mag-asawang mayaman na ang lalaki ay isang doktor at nagtitistis pa.

Siya ay si Oscar at ang kanyang negosyanteng maybahay ay si Mikee.

Isang Hapon, malapit na noon gumabi ay hinintay ng magkaibigan ang pag-alis ng kotse ni Oscar sa tapat ng munting bahay.

Pagkaalis ng kotse na minamaneho ni Oscar ay bumaba ang kaibigan ni Mikee, si Annette.
Nagpanggap siya na isang taga-Census. Ginabi raw siya dahil malakas ang ulan noon.

Tinanong ni Annette ang mga tao sa bahay na sira-sira at gumigiray na.

Isang payat na babae ang nakahiga. Nilapitan siya ni Annette. Sa kanyang mga tanong ay ito ang report ni Annette kay Mikee na naghintay sa loob ng kotse.


Si Diding ay may kanser sa obaryo. Open close surgery ang ginawa ni Dr. Oscar Dumatol.
Ito ay malignant cancer na kayat hindi na itinuloy ang operasyon. Ang kanyang mister ay namatay sa isang aksidente may anim na buwan na ang nakalipas.

Ang kasama ni Diding sa bahay ay ang limang taong anak na si Girlie at amang bulag. May isang buwan nang hindi nakapagtinda si Diding bilang sidewalk vendor pagkat nasa ospital.
May dalawang ulit nang nagdadala ng bigas at grocery ang mabait na doktor na awang-awa nang ihatid si Diding mula sa ospital. Walang sumundo kay Diding.

Napuna ni Annette na umiyak si Mikee. Iyong selos sa kanyang dibdib ay nahalinan ng awa at pagsisisi.

Binuo ni Mikee na dalawa na ang tutulong kina Diding. Kukunin niya ang matandang bulag at ang anak ni Girlie, sa kanya na kapag nawala si Diding. Wala silang anak ni Oscar. Dalawa na ngayon ang tutulong sa pamilyang iyon.

Parang langit ang nabuksan kay Mikee. Ibang Mikee na siya mula sa gabing iyon.

Tiyak na mililigayahan si Oscar.

Tiyak na mag-iiba na ng prinsipyo si Mikee. Ang lagi niyang itatanong ngayon sa kanyang sarili:


“Kung sa akin kaya mangyari iyon?”