Bugsfely

Monday, November 21, 2005

Ganti-ganti lang ang buhay

BELLA ANGELES-ABANGAN

If you haven’t any charity in your heart you have the worst kind of heart trouble. The measure of life is not its duration but its donation.”

Ang siniping talata ay sinulat ni Peter Marshall. Ang maganda sa buhay ay ang nagbibigay. Iyong ating buong pusong ibinibigay ang kanilang kailangan sa oras ng krisis.

Narito ang istorya ng magkaibigang matalik. Nagkahiwalay sila dahil naging immigrant ang mga magulang ni Henry. Katatapos lamang nila ng haiskul noon.

At nagdaan ang maraming taon. Binati pa rin si Henry. Umuwi siya sa Pilipinas at naghanap ng kidney donor.

Ayaw payagan si Gabby ng kanyang misis na ibigay bilang donasyon ang isa niyang bato o kidney.

“Kahit bayaran pa ng milyon ang kaisa-isa mong kidney ay parang patay ka na rin…”

“Umupo ka, Aileen. Ibig kong ipagkaloob kay Henry ang aking bato. Lumabas ang resulta at ka-match ko ang kanyang type A na dugo.

Noong kami ay nasa first year sa high school ay namatay si Itay. Ulila na akong matagal sa ina. Nakikitira lamang kami ni Itay sa kanyang Kuya Selo na mahirap din.

Sinagip ako ni Henry. Ang kanyang alawans na malaki ay hinahati niya at ibinibigay ang kalahati sa kanya.

Apat na taon na siya ang bumibili ng aking mga libro. Siya ang nagpapapagawa ng aking mga uniporme. Para siyang ama ko. Lahat ng gastos ay bigay niya. Hindi ito alam ng kanyang ama at ina.

“Noong nasa America na sila ay nagpapadala pa rin si Henry ng pambayad ko sa tuition sa college. Pinakuha niya ako ng Computer Programming. Kung ano ako ngayon ay dahil sa kanya. Kung kailangan niya ang buhay ko ay ibibigay ko pa rin. Alam mo, ako’y bigung-bigo noon. Nag-iisa ako sa buhay ngunit naroon siya at dinamayan ako.”

Noon din ay pinuntahan ni Gabby kasama si Aileen sa ospital si Henry. Naghihintay si Henry sa resulta kung magka-type sila.

Niyakap ni Gabby si Henry. Iipinagtapat ni Gabby ang resulta.

“Mabubuhay na ako. Magkambal na tayo. Lalakas na ako. Hindi na ako aalis ng Pilipinas. Nagpauwi ako sa bayan natin upang dito ako mamatay. Niloob ng Diyos na tayong dalawa ang dapat magdamdam.”

“Henry kong ano ako ngayon ay dahil sa iyo. Kung wala ka ay bagsak na ako noong mamatay si Itay.”

Naroong lumuluha sa kaligayahan ang mga magulang ni Henry. Naroon din si Aileen na hindi na nagagalit na ilipat ang isang bato ni Gabby kay Henry.

Kinabukasan ginawa ang paglilipat ng bato. Tagumpay ang operasyon! Tagumpay ang transplant! Doon na pinatira si Gabby at si Aileen sa malaking bahay ni Henry. Ang mga magulang ni Henry ay babalik sa America pagka’t may negosyo sila roon.

Ang kasabihang nasusubukan ang tunay na kaibigan sa kanyang pangangailangan ay minsan pang napatunayan sa magandang samahan nina Henry at Gabby.

Wednesday, November 16, 2005

Ngayon ang mahalaga

by Bella Angeles Abangan

He was going to be all that a mortal will be – tomorrow,

No one would be better than be – tomorrow,

Every morning he stached the letter – tomorrow

It was too bad he was, indeed, he was too busy to see Jim.

But he promised to see Jim tomorrow,

The greatest of workers this man would have been – tomorrow,

The world would have known him had he ever seen – tomorrow,

But the fact is, he died and he faded from view

And all that was left when living was through,

Was a mountain of things he wanted to do – tomorrow.

Ang tula sa itaas – DELAY – ay sinulat ni Bruno Hagspiel. Ang mensahe ay huwag nang ipagpabukas pa ang magagawa ngayon.

Itong namana na pag-uugali ay namana natin sa ating mga ninunong dugong Kastila.

Ang gumagawa nito ay ang mga taong tamad. Ipabubukas pa gayong magagawa naman ngayon.

Narito ang istorya ng mag-ina. Si Racquel ay nakatapos din ng Nursing. Sa araw pa naman ng pagtatapos ni Racquel nalaman niya na hindi isinanla ang kanilang bahay at lupa kundi ipinagbili na pagka’t iyon ang huling taon niya sa Nursing. Ulila na sa ama ang dalaga.

Walang magawa si Sinang kundi ipagbili dahil isang taon pang mag-aaral si Racquel at marami silang utang.

Minadali niya ang pagtungo sa America upang mahandugan ang ina ng magandang buhay.

Napakabait ni Racquel. Inihabilin niya ang ina sa bahay ng kanyang tiyahin, kapatid ng kanyang ina. Inabot si Racquel ng limang taong walang uwian upang may maibiling bahay at lupa para sa kanyang ina.

Sabik na sabik ang ina na makita si Racquel. Ang laging sinasabi ng anak:

"Malapit na inay, makikita ninyo ang ipinagagawa kong bahay. Hindi na po ako aalis. Magkakasama na po tayo."

Iniwasan ni Racquel ang pakikipag-boyfriend.

Dumating ang long distance call para kay Racquel.

"Malubha ang iyong ina. Umuwi ka agad!"

Apat na araw lamang ay naroon na si Racquel sa ospital. Himas at hagod ang ginawa ni Racquel sa ina. Nakangiti na si Sinang.

"Matagal kitang hinintay."

"Aalagaan ko po kayo. Ipapasyal ko po kayo."

"Salamat Racquel sa pinagawa mong bahay para sa akin. Ipagdarasal kita saan man ako naroon. Tandaan mo Racquel mahal na mahal kita."

At nakita ni Racquel na wala nang pulso ang ina. Hindi na ito huminga. Sumubsob si Racquel sa unang katabi ng ina at umiyak nang umiyak. Mga iyak ng pagsisisi. Bakit pa naging ambisyosa siya. Kahit saan sila tumira basta’t magkasama.

Halos himatayin ang naulilang anak. Naroon sa sulok si Allan na kanina pa nanonood sa tanawing iyon. Siya ang nagbigay ng artificial respiration kay Sinang. Dumating ang dalawang nurse na tumulong din.

Nang dumating si Diding ay naayos na ang lahat. Tumulong nang husto si Allan. Nang maayos na ang mga bayaran sa ospital at dumating na ang memorial service na kinuha ni Racquel noong unang taon niya sa America ay nagpresinta si Allan na maghatid.

Tapos na ang duty ni Allan nang hapong iyon. Naroon ang kanyang kotse. Nagpasalamat si Racquel sa Diyos pagka’t ipinadala sa kanya si Allan upang mawala-wala ang matinding pighati sa kanyang puso.

May aral na natutuhan si Racquel – hindi na niya ipag-papabukas pa ang anumang magpapaligaya sa kanyang mahal.

Tuesday, November 15, 2005

Kabiyak – susi sa maunlad ng pamilya

by Bella Angeles Abangan

Meeting a happy husband, Benjamin Franklin asked him about his secret. This was his reply: "It is not a secret, Dr. Franklin, I have got one of the best wives, and when I go to work she have the kind of words of encouragement for me. And when I got home she meets me with a smile, and a kiss and surely tea is ready, and she has done so many things to please me through the day. That I cannot find any unkind word to say to anybody. I am happy…very happy."

Ikinuwento ni Benjamin Franklin ang karpinterong guma-gawa ng bahay malapit sa kanilang opisina. Napansin ni Benjamin na masaya lagi ang karpinterong ito.

Nagiging masaya rin ang kanyang kausap dahil sa kanyang sinasabi.

Kaya’t pag-uwi niya ng bahay ay naroon ang masaya niyang asawa at sila ay nagkukuwentuhan ng mga nangyari sa maghapon.

Dapat bawat salitang bibitiwan ni misis ay magbibigay ng saya sa asawa.

Narito ang kuwento ng mag-asawa na may tatlong anak. Hindi nagtatrabaho si Aning. Dalawang taon pa lamang ang bata ay tinuturuan na niyang magtrabaho sa bahay.

Ang batang maliit na sinasanay ay walang "angal." Kaya’t ang sabi ng isang paham ay ganito:

"Ibigay mo sa akin ang unang anim na taon ng bata at ang lahat ay iyo na. May sarili na siyang pag-iisip. Kapag hindi siya tinuruan na magtrabaho o gumawa ng homework ay mahirap nang pasunurin. May pagtatalo na. Ang ina na nagkamali sa pagpapalaki ay makararamdam ng sama ng loob at pagod."

Malulungkot na gunita ang nasa kanyang isip. Darating ang mister na mainit ang kanyang ulo.

Si misis ang gumagawa ng maliliit na tuwa sa loob ng bahay. Naroon ang mumunting kuwento na pagsasaluhan habang sila ay kumakain.

Ganyan si Aning – may mga kuwaderno siya na sinusulat niya ang magagandang plano. Ang mga kapatid ni Aning ang nagbibigay sa kanya ng pera mula sa abroad. Kanyang iminungkahi na kung maaari ay ibigay na sa kanya sa buwan.

Noong binigyan si Aning ng apat niyang kapatid sa abroad ay nagplano na siya para sa darating na Pasko.

Nagtipid siya ng pamalengke. Nagtipid siya sa paggamit ng kuryente.

Pag-alis ni Manny ay namamalengke na siya. Nagrarasyon siya ng lutong ulam sa mga empleyado sa tapat ng kanilang bahay.

May bukas siya sa pader ng maliit na puwang. Ang mga nagpapaload at bumibili ng sim ay laging may nakahanda si Aning.

Noong dumating ang bespiras ng Pasko ay inihatid sa kanila ang ipinagawa niyang Christmas tree sa kanyang pamangkin.

Mataas ito at maraming sanga. Binalutan ang puno ng luntiang crepe ni Aning. Nakasabit doon lahat ng Christmas gifts na matagal na niyang binili para sa kanyang pamilya, magulang, at kapatid.

Ikinabit niya ang mga bagong kurtina. Naroon din ang mga sorpresa sa kanyang anak at mister. May hiniram siya na makina ng pananahi na hindi ginagamit ng kanyang Ate.

Marami siyang tinahi na pawang panggulat sa kanyang mag-aama. Naroon ang sabitan ng diyaryo. Naroon ang lagayan ng mga sapin sa paa. Ang kanyang munting pisara ay nakapaskil ang mga lulutuin sa loob ng isang linggo.

Ang mga bata at si Mister ay ikinabit na sa Christmas tree ang kanilang mga handog sa isa’t isa. Maging sa "Sharing a Joke" ay naroon sa malaking garapon na nakarol ang mga biro.

Ito ay binabasa nila pagkatapos ng hapunan.

Ang handog ng ama ay Biblia sa bawat isa. Bukod sa Biblia si Aning ay may special true perfume na hangad ni Manny.

Iyan ang larawan ng isang maligayang pamilya!

Thursday, November 10, 2005

Tanim para sa langit

by Bella Angeles Abangan

Do something for somebody, gladly,

It will sweeten your every care;

In sharing the sorrow of others

Your own are less hard to bear.

Do something for somebody always

Whatever may be your creed;

There’s nothing on earth can help you

So much as kindly as deed.


Pinakamagandang dapat mangyari sa isang taong malapit nang bawian ng buhay ay ang magunita niyang marami pala siyang tanim at wala siyang atraso sa kapwa.

Pinakamainam na nangyari sa isang tao ay ang wala siyang kagalit na sinumang tao.

Ang kanyang tinanggap na mga biyaya ay kanyang ibinabahagi at kung wala man ay nakagagawa siya ng maganda sa kapwa. Kapag napapagaan niya ang krus na pasan ng mga kaawa-awa.

Narito ang istorya ng isang dalaga na ang naging patakaran na niya sa buhay ay ang tumulong nang tumulong sa kapwa.

Kung walang pasok sa eskwela si Maricar ay naroon siya sa simbahan at kasama sa mga Reachout Program ng kanilang samahan.

Isang hapon ay kasama ni Maricar ang mga bata. Pauwi na sila noon. Galing sila sa simbahan noong hapong iyon. May tumigil na isang magarang kotse. Ang nakasakay ay isang may edad nang Amerikano at ang kanilang kapitbahay na si Mang Mario.

Sinabi ng Amerikanong si Mr. Roger White na kamukhang-kamukha siya ng kaisa-isang niyang anak na namatay. May dimple si Maricar sa magkabilang pisngi. Ganoon din ang kanyang yumaong anak.

Ibinigay ng matanda ang kanyang calling card. Siya ay isang consultant sa isang computer company. Kaya siya nagawi sa pook na iyon ay ibig ng Amerikano na dalawin ang pamilya ng mabait niyang tsuper na si Mang Mario.

At ipinayo ng Amerikano na kumuha si Maricar ng Computer Programming. At kung ibig pumunta sa States ay sulatan lamang siya.

Lalong naging lubusan ang paanyaya ni Mr. White sa dalaga nang malaman nito na putol ang dalawang paa ng ama ni Maricar. Nabagsakan ito ng malaking kahon na itinataas ng crane noong nakadestino ito sa isang konstruksyon sa Cotabato.

Dumaan ang maraming taon. Naroon na sa States si Maricar. Maraming padalang pera si Maricar sa mga alaga niyang mga bata sa pook na iyon. Kasama-sama niyang nag-aaral doon si Anita, ang mabait na anak ni Mang Mario.

Marami siyang tanim kaya’t ani siya ng ani. Ang mga spiritual seeds na inihasik ni Maricar sa mga puso ng kanyang mga estudyante sa katekismo ay inaani na niya.

Kasama-sama noon ni Maricar si Anita sa pagtuturo sa mga batang hindi pa nag-aaral sa kanilang pook.

Napakabuti ng Diyos, kung gumanti ay labis-labis at umaapaw pa.

Wednesday, November 09, 2005

Sa tulong mo natuto ako

by Bella Angeles Abangan

Count your blessings

Instead of crosses;

Count your gain

Instead of losses.

Count your joy

Instead of woes.

Count your smiles

Instead of tears;

Count your friends

Instead of woes.

Count your courage

Instead of fears.

Count your kind deeds

Instead of mean.

Count your health

Instead of wealth;

Count on God

Instead of yourself.


Ang pamagat ng tula ng hindi nagpakilalang awtor ay "Give Thanks."

Sa isang memorial service ay sinalubong ni Nestor ang matalik niyang kumpadre na si Tommy.

Nagyakap ang dalawa at tiningnan ni Tommy ang inaanak niyang labindalawang taong si Jess.

Ang sanhi ng kamatayan ni Jess ay ang pagkalunod nito sa pagsi-swimming. Ang paglangoy ay kasama sa agenda ng kanilang school excursion.

Hindi niya maidemanda ang eskwelahan pagka’t nilagdaan niya ang permission slip.

Nang umupo na ang magkumpadre ay nagpasalamat si Nestor sa ibinigay ni Tommy na tula na may pamagat "Magpasalamat Ka!" Isinabit niya ito sa dingding. Mula noon ay nagpapasalamat si Nestor sa Diyos pagka’t mapagmahal ang kaisa-isang niyang anak na si Jess. Nang matanggap ni Nestor ang tula ay hindi lamang siya nagpasalamat sa Diyos, kanyang ipinadama ang pagmamahal niya kay Jess.

Tuwing Linggo ay umaalis silang mag-ama. Pina-pasyalan nila ang isang mall. Laging nagsisine silang mag-ama.

Minsan, nagsabi si Jess nang ganito, "Papa, sana ganito tayo lagi. Lagi ko inaabangan ang ating pagsisine at pamamasyal tuwing Linggo."

May kumirot sa puso ni Tommy. Hindi niya iyon ginagawa kay Mike. Abalang-abala si Tommy sa kanyang trabaho sa opisina. Mainit ang kanyang ulo pagka’t laging bagsak ang kanilang mga proyekto. Hindi sila kumikita at panay pa ang pagpapasuweldo sa kanyang dalawampung tauhan, hindi pa kasama ang pitong empleyado sa opisina.

At ang kanyang galit, dahil na rin sa kanyang kamalian, ay ibinubuhos anak niyang tinedyer na gabi na kung umuwi. Lalo niya itong sinampal nang sumagot sa kanya si Mike."Bakit ako uuwi nang maaga, pareho naman kayo wala ni Mommy. Umalis na ang ating katulong kaya’t hindi pa ako kumakain.

Sinampal muli ni Tommy si Mike:"Hindi ka marunong gumawa ng paraan."

Hinagis ni Tommy ang mga de latang corned beef sa mesa.

Nang gabing iyon pagkagaling ni Tommy sa punerarya ay umuwi siya agad ng bahay.

Tumakbong-paakyat sa hagdan si Tommy patungo sa kwarto ng kanyang anak. Naroon si Mike na may hawak na malaking bote. Ang laman nito ay iba’t ibang uri ng gamot.

Magpapakamatay si Mike. Wala si Katie, ang kanyang asawa. Nasa madyungan ito. Niyakap ni Tommy si Mike. Umalis silang mag-ama. Kakain sila ng masarap na hapunan sa malaking restawran. Isang blessing ito.

Buhay si Mike! Buhay si Mike!

Tuesday, November 08, 2005

Iwasang husgahan sa hitsura

by Bella Angeles Abangan

"Do not consider his appearance or his height for I have rejected him, the Lord doesn’t look at. Man looks at the outward appearance but the Lord looks at his heart."

Ito ay mula sa I Solomon 16-17. Sinasabi na huwag nating husgahan ang tao sa kanyang pananamit o hitsura. Marami ang nagkakamali kung sino ang kanilang kinakausap. Marami ang kanilang hinihiya.

Narito ang dalawang istorya tungkol sa dalawang matanda. Ang isang mag-asawang matanda ay pinagkalooban ng kagandahang-loob kaya’t tinumbasan nila ito ng isang hindi akalaing sorpresa.

Ang mag-asawa ring matanda ay minaliit ng isang presidente ng isang malaking unibersidad na tanyag sa buong daigdig.

Narito ang mag-asawa na napasyal sa pook na iyon na tanyag sa siyudad.

Napuntahan na nila ang lahat ng mga hotel ngunit punong-puno. Noong pagod na pagod na sila ay kinausap sila ng clerk na nasa counter. Ipinagtapat niya na may malaking pandaigdig na komprehensya sa lungsod na iyon.

Ibinibigay niya ang kanyang munting silid sa mag-asawa na walang matulugan. Kinabukasan inabutan ng mag-asawa ang clerk ng tarheta. At ang sabi ng lalaking matanda:

"Padadalhan kita ng ticket sa eroplano. Huminto ka na sa pagtatrabaho mo sa hotel na ito. Ipagpapagawa kita ng napakalaking hotel."

Ngumingiti ang clerk. Parang imposible ang sinasabi ng mag-asawa. Gayon pa man ay magalang siyang nagpasalamat. Nalimutan na ng clerk na iyon ang pangako sa kanya. Pagkaraan ng isang taon ay nakatanggap siya ng ticket sa eroplano.

Sinalubong siya ng mag-asawa. Dinala siya sa harapan ng napakataas na hotel. Hindi niya akalain na siya ang mamamahala ng Wardorf-Astoria Hotel.

Samantala, nagtungo ang mag-asawa sa Europa kasama ang kanilang binatang anak. Sa kanilang pamamasyal sa Europa ay inabot ng matinding karamdaman ang binata.

Noon ay 1884. Naospital sa Europa ang binata, tanging anak ng mag-asawa, ngunit namatay din ito. Inuwi nila ang bangkay. Napakalaking trahedya ito sa mag-asawa.

Pagkatapos ng libing ay pinag-usapan nila kung paano hindi mamamatay ang memory ng kanilang kaisa-isang anak.

Napagkasunduan nila na sa edukasyon sila magbibigay ng donasyon. Nakipagkita sila sa presidente ng Harvard University. Siya ay si Charles Elliot.

Ang akala ni President Elliot ay magkakaloob sila ng scholarship. Itinanong ng mag-asawa kung magkano ang halaga ng buong building. Ang tugon sa kanila na maasim ang ngiti ay ganito.

"Napakamahal! Milyon po ang halaga nito…"

Pagkatapos ng isang taon ay nabalitaan ni President Elliot na isang malaking unibersidad na ang halaga ay milyon ang itinayo sa California. Ang donor ay mag-asawang matanda para sa parangal sa kanilang anak. Ito ay ang Stanford University.

Walang imposible sa Diyos kapag marangal ang hangarin ng tao.

Monday, November 07, 2005

Tandaan mga magtatapos

by Bella Angeles Abangan

Buy an alarm clock that works.

Never date a girl whom her father calls "Princess."

If you don’t like your job, quit. Otherwise shut up!

Dirty laundry never goes away.

Be nice to ordinary people, you are still one of them.

Someday your family will be all you have. Treat them right.

There is no such thing as a free lunch.

He is our Lord. Go to Him and fill your heart with faith.

Remember you have just one soul, one life, and one lifetime.

You will never have another.

Select your one best friend. Spend your time with him in the most productive way. Time will never pass again.

Ang sampung tips sa mabuting buhay ay sinulat ni Wes Smith. Makatutulong sa ating buhay kung iisa-isahin natin ang mga ito.

Minsan may pagka-pilosopo tayo. Ibig natin tayo ang bida. Naroon ang bahala na saloobin. Para sa mga taong ganyan ay para silang makapangyarihan. Hindi sila nakikinig sa mga payo.

Ang sampung pamantayan ay makatutulong sa atin. Kapag ginawa natin ang mga ito na pamantayan natin sa buhay ay hindi tayo maliligaw.

Taun-taon ay maraming nagtatapos sa haiskul na pampubliko at pribado. Marami ang hindi nakapagpapatuloy sa pag-aaral. Anuman ang kanilang kukuning bokasyonal kung seryoso sila sa pag-aaral ay hindi sila maliligaw.

Hindi dahil sa taas ng kanilang pinag-aralan o ekslusibong paaralan ang kanilang pinuntahan. Ang mahalaga ay kung maganda ang kanilang saloobin o attitude sa buhay.

Narito ang istorya ni Carlo. Hindi siya nalu-lungkot dahil hindi siya nakapagpatuloy sa kolehiyo.

Ang ginawa ni Carlo ay kumuha siya ng driving at automotive. Nagpakadalubhasa siya sa dalawang bokasyonal na ito.

Maraming naging suking customers si Carlo. May nagpapa-service sa kanya ng dalawang beses isang linggo.

Pagkaraan ng ilang taon ay nagkaroon ng isang truck si Carlo. Nakapag-asawa siya ng ubod ng sipag. Ang isang truck ni Carlo ay naging limang truck pagkaraan ng anim na taon. Nag-service si Carlo kung saan-saan. Laging nakangiti si Carlo. Talo niya ang mga kaklase niya na tapos ng kurso ngunit sila ay suwelduhan.

Natutuwa si Carlo kapag naaanyayahan siyang magsalita sa iba’t ibang pagtatapos. Binibigyan niya ng diin ang sipag at tiis na dapat nating ilangkap sa ating sarili.

"Hindi mahalaga na tayo ay suwelduhan lamang. Magkaroon tayo ng sariling negosyo. Iyung magagamit natin ang ating potensyal. Lumingon tayong lagi. Una ang Panginoon at ikalawa ay ang ating mga magulang. Ikatlo ay ang mga taong tumulong sa atin. Tayo ang nasa itaas. Kailangan nila ang ating tulong. Laging isipin natin maging modelo sa mga kabataan. Sila ang ating tagahanga!

Wednesday, November 02, 2005

Pagandahin ang ngayon

by Bella Angeles Abangan


This day is mine to mar or make,

God keep me strong and true,

Let me no erring by path take,

No doubtful action do.

Grant when the setting sun

This fleeting day shall end,

I may rejoice over something done,

Be richer by a friend.

Let all I meet along the way

Speak well of me tonight.

I would not have the humblest say

I do hurt him by a slight.

Let there be something true and fine

When night slips down to tell

That I have live this day of mine

Not selfishly but well.

Hindi nagpakilala ang sumulat ng tula sa itaas. Sinasabi sa tula na nananalangin na maging maganda ang kanyang maghapon. Pagdating ng takipsilim ay naroon siya at nasisiyahan pagka’t maganda ang kanyang maghapon. Lahat ng kanyang nakaharap ay nasisiyahan sa kanyang sinabi at ginawa.

Narito ang isang teenager na kinatutuwaan ng lahat niyang kaeskuwela.

Pinatatawa niyang lahat ang kanyang mga kaibigan. Kapag siya ay wala ay nalulungkot ang lahat. Nagtataka sila baka si Darius ay may sakit!

Isang araw ay dumating ang ama ni Darius at isinauli ang mga hiniram na libro.

Nalaman nila ang kanilang kaklase ay may sakit na pulmonya. Malubha si Darius.

Ikinuwento ng ama ni Darius, si Mang Ambo, na napakasipag ng kanyang anak.

Si Darius ay nagrarasyon ng diyaryo sa umaga. Pagkagaling sa paaralan ay nagtitinda naman ng balut.

Ang "sharing" niya sa kanyang ama ay puno ng katuwaan. Ayaw ni Mang Ambo mawala sa kanya si Darius.

Isa sa mga dumalaw kay Darius ay si Peter. Bagong transfer ito pagka’t na-expelled siya sa ibang paaralan. Ayaw nang pumasok ni Peter. Naging kaibigan ni Peter si Darius.

Isang araw ay niyaya ni Darius si Peter sa simbahan. Ito ang sinabi ni Darius kay Peter:

"Lalagyan ko ng Diyos ang iyong dibdib." Tanghali noon at papasok sila sa eskuwela. Tinuruan niya si Darius na magdasal at makipag-usap sa Diyos.

Unti-unti ay nagdarasal na si Peter sa loob ng kanyang silid. Nag-aaral na si Peter gabi-gabi. Nangyari ito mula nang ipasyal ni Darius si Peter sa kanilang barung-barong. Sa palagay ni Peter ay hulog ng langit si Darius sa kanya. Napahiwalay si Peter sa kanyang mga barkada na pawang may mga bisyo.

Noong gabing iyon ay malungkot na umuwi si Peter mula sa ospital. Dinalaw nila si Darius sa isang siksikang ward.

Nakangiti si Darius. Pumayat ito. May dextrose ito at oxygen sa ilong.

Habang kumakain ang pamilya ni Peter ay umiiyak si Peter. Nagkatinginan ang mag-asawa na parehong doktor. Ang ama ni Peter ay isang chest specialist.

"Sige, Peter, pagkakain natin ay pupunta tayo sa ospital. Ililipat ko si Darius sa private room. Ako ang magiging doktor niya."

Tumindig si Peter at niyakap nang mahigpit ang ama.

Samantala, noong mga sandaling iyon ay naroon ang ama ni Darius sa loob ng chapel ng ospital at kinakausap niya ang Panginoon. Puno ng luha ang mga mata ng matanda.

Tuesday, November 01, 2005

Di ko kayo malilimot, Inay

by Bella Angeles Abangan


She has only gone on a little ahead,

To fashion a home for me.

There will be curtains blowing,

And books as it used to be,

Pictures, a desk and tables fair

Where friends shall love to come.

She has only gone on as a mother would

To find me a new home.

She has gone on as others have

Who vanished from our sight.

Others whose lives with ours were wed

Till that mysterious flight,

None shall declared her death to me.

My loneliness deplore –

Oh, it is like her to go ahead,

To open the new door.

She has only gone on a little ahead,

To find me the loveliest place.

There will be golden roses there

Abloom in an azure space,

O, Mother now it is clear to me,

You have only gone ahead.

Ang magandang tula ay sinulat ni Angela Morgan. Ito ay isang parangal sa ating mga ina. Minsan ay hindi natin matanggap na siya ay nauna na.

Noong sumapit ako sa sampung taong gulang ay umuwi na ang aming dalawang katulong sa kanilang lalawigan.

Ako’y sampung taon noon. Sumiklab na ang World War II. Sa mura kong isip ay nagsimula na akong maglingkod kay Inay. Hindi sanay si Inay sa mga gawaing-bahay. Hindi kami nawawalan ng katulong. Ako, sa bata kong gulang ay inialay ko sa Diyos at kay Inay ang mga trabaho sa bahay.

Ako ang nakakatanda sa babae. Matanda ako kay Corazon. Ang dalawa kong Kuya ay hindi maaaring asahan.

Noong ako’y magtapos sa Education ay lalo kong pinagbuti ang pagtulong kay Inay.

Uliran si Inay! Siya ang naging inspirasyon ko sa aking pagsusulat bagamat si Lola Bina ang nagturo sa akin na magkuwento. Ang laging sinasabi ni Inay sa akin:

"Bella, kailan ko kaya mababasa ang kuwento mo sa Liwayway?"

Ito ang libangan ni Inay, pagbabasa ng Liwayway.

"Hayaan po ninyo, malapit na…,"ang sagot ko naman.

Bago sumakabilang buhay si Inay ay nabasa niya ang dalawa kong kuwento sa Liwayway.

"Huwag kayong mag-aaway. Magtulungan kayong lagi pagka’t iisang tiyan ang inyong pinanggalingan. Iyan ang payo ni Inay.

Noong mamatay si Itay ng Oktubre 1966 ay nagsabi siya sa akin noong kami ay nakaupo sa isang bangko at kumakain sa ilalim ng puno:

"Tingnan mo Bella, ayun ang Tatay mo na malayo sa ating lugar ngayon. Saan kaya ako ililibing? Malayo sa Tatay mo? Sana mayroon tayong museleo katulad ng ibang mayaman. Hindi tayo maaarawan at hindi tayo mauulanan…"

Naging hamon sa akin ang sinabi ni Inay. Wala pang isang taon ay kinuha na siya ni Itay. Ginawa ko lahat ng paraan upang makuha ang rotonda na binigay na "Tip" sa akin ng may-ari ng Tres Amigos Memorial Service.

Noong isang araw (Bisperas ng Todos lo Santos) ay sumaglit ako pagkagaling ko sa puntod ni Peping, aking mahal na kabiyak, sa libingan ni Itay at Inay sa South Cemetery. Nagpalinis at nagpapintura ako. Kasama ko sina Almario at R-Jay.

Noong hapon ay naroon ako sa Himlayang Pilipino upang matulog doon magdamag.

May dinala akong bulaklak at kandila para sa aking ama at ina. Nagpamisa na rin ako para sa aming mga patay.

Matagal nang namayapa si Inay ngunit ang kirot ay naroon pa rin. Hinubog niya ako sa mga kuwento. Tinularan ko si Inay. Pakuwento rin ako humuhubog ng puso, isip at kaluluwa.

Ang mga taong buhay pa ang mga ina at ama ay ipadama sana sa kanila sa salita at sa gawa ang pagmamahal.

Noong pumanaw si Inay ay hindi ako umiyak. Maging sa anggulong ispirituwal ay sinilbihan ko si Inay. Naroon ang kasiyahan sa puso ko na mula sa gulang na sampung taon ay pinaligaya ko na si Inay!