Bugsfely

Monday, May 29, 2006

Tumawa at liligaya ka

Bella Angeles-Abangan

“Why should we not have a good time from a part of our daily program? Why should not this enter into our great life plan? Why should we serious and gloomy because we have to work for a living? There is a moral as well as healing influence in things which amuse and make us enjoy life. No one was ever spoiled by good humor, but tens of thousands have been made better by it. Fun is a good necessary to the wholeness of man as bread.”

Ang siniping talata ay sinulat ni Dr. Sidney N. Bremer. Ang kanyang mensahe ay ang tuwa o halakhak ay pagkain tulad ng tinapay. May dala itong gamot upang makalunas sa dinaramdam ng katawan.

Ang tanong ng sumulat ay bakit hindi natin isama sa ating plano ang mga gawaing magpapaligaya ng ating puso?

Ito ang maikling payo ni Dr. Marden:

“Use the laugh-cure, fun cure at home. Throw away the drugs and save on the doctors bills.”

Napakahalaga ng tawa sa ating buhay. Iyong pagiging masaya ay nakakaligaya ng ating puso. Nakakahaba ng buhay. Nakakaunlad ng kabuhayan pagka’t nakawawala ng problema.

Narito ang istorya ng isang Lolo na laging nagagalit mula nang siya’y mabyudo. Ang hindi malaman ng kanyang mga anak kung sadyang totoo ang kanyang reklamo o hindi. Inis siya sa lahat ng mga tao.

Tinanggihan na siya ang apat niyang mga anak. Daing nang daing at laging nagagalit si Lolo Hugo.

Inilipat si Lolo Hugo sa bahay ng kanyang bunsong anak na si Dante. Maliit ang bahay at mahirap lamang sina Dante.

May animnapung taon na si Lolo Hugo ngunit malakas pa rin. Noong unang Sabado ng buwan ni Lolo Hugo sa bahay ni Dante ay malungkot siya habang nakaduyan sa swing sa harapan ng bahay at nag-iisip.

Nilapitan si Lolo Hugo, “May kamukha ka napanood po namin sa telebisyon. Mabait po siya Lolo at tawa nang tawa. Kaya daw po siya tawa nang tawa ay upang mabuhay siya ng matagal. Sana, Lolo, tumawa ka rin nang tumawa. Siguro kaya ka malungkot ay dahil namatay ang Lola, hindi ba Lolo? Dapat mag-asawa ka Lolo.”

“Iyong kalaro ko Lolo sa tapat ng ating bahay ay may Lola na laging malungkot. Gusto mo, ireto kita sa Lola ni Shirley? Nakita ko na ang kanyang Lola. Masaya at maganda pa rin iyong lola ni Shirley. Paliligayahin ka niya at tiyak patatawanin ka niya lagi. Bukas Lolo, pupunta ako kina Shirley. Irereto kita.”

“Damuhong bata ito at ipahahamak pa ako....”

“Lolo kapag nag-asawa ka, babata ka pa...” Kinabukasan, nataranta at tumawa nang tumawa si Lolo Hugo.

“Lolo, magpustura ka mamaya. Sabi ko sa Lola ni Shirley darating tayo mamayang hapon. Mabuti raw nang makausap siya. Sabi ko kay Lola Medy na guwapo ang Lolo Hugo ko. Humanda ka Lolo, inililigaw kita.”

Tumawa nang tumawa si Lolo Hugo. Nawala ang matindi niyang pangungulila. Nagpasama si Lolo Hugo sa kanyang anak na si Dante sa barber shop.
Purihin ang Panginoon iibig na muli si Lolo Hugo.

Monday, May 22, 2006

Ilang kaarawan mo pa?

Bella Angeles-Abangan

A man was beaten by some thieves, And left alone to die;
Ignored by some who saw him there, But simply passed him by
With compassion in his heart
A good Samaritan
Bound up his wounds with healing oil,
And took him to the inn.
If I should meet someone today,
Discouraged and in need;
Would I respond by helping him
With kindly word or deed?
Or would I choose to pass him by,
And turn th other way?
How would I act? What would I do
If this occured today?

Sinulat ang tula sa itaas na may pamagat na THE GOOD SAMARITAN ng isang makata na nais ibahagi ang magandang mensahe. Hindi nagpakilala ang makatang ito na matulungin, may pusong maka-Diyos at maka-kapwa.

Noong magkaroon kami ng rekoleksyon noon sa kombento ng mga madre sa Maneza ay nagpaliwanag ang retreat master na pari ng ganito:

“Upang maiwasan ninyo ang tukso ay itanong ninyong lagi ang ganito: Ilang kaarawan pa ako mayroon sa mundong ito? Anong sarap kung araw-araw ay unti-unti ninyong paghahandaan ang maluwalhati o kasumpa-sumpang araw na iyon.”

Senario One:
Ang katulong ay umiiyak. May nakapagsabi na may malaking problema ngunit hindi man lang siya pinansin. May damdamin siya. May kapaguran din siya. Alipin siya na lahat ng utos ay kailangang sundin. Kung iyong pagmamagandang-loob ay ipinakita sana ng amo. Tanim na iyan upang gumanda ang buhay sa lupa at kabila.

Senario Two:
Iyong kasamahan sa trabaho ay walang-wala. May pasahe paparoon ngunit wala kung pauwi. Gaano na abutan ang kaawa-awang kapwa.

Senario Three:
Naglagay ako ng “Wanted Cook” sa baba ng kolum na ito. Maraming tumawag. Salamat sa Poon nakakuha ako ng dalawang tagaluto, sina Nora at Lino. Dumating ang dati kong cook na working student na kumukuha ng Education.” Payat siya at umiiyak.

“Mahirap pala Tita Belle ang labis na laya. Bed spacer po ako at nag-aaral din sa gabi. Nagtatrabaho po ako sa isang fast food. Pero iba si Tita Bella. Hinahanap ko po ang ating malaking pamilya. Kapag hindi ninyo ako pinabalik, ewan ko po, kung ano po ang mangyayari sa buhay ko. Napakarami pong tukso sa labas.....”

Tinanggap kong muli si Noeme. Marahil sapat nang aral ang kanyang karanasan.

May tumawag. Magluluto raw sila. May kasama siya na all around helper. Pero, buntis siya. At ikawalong buwan. Pinipi niya ang sanggol sa tiyan sa pagsusuot ng maong na pantalon araw-araw. Hindi raw alam ng amo na dalawang buwan na ang sanggol sa kanyang tiyan nang pumasok siya bilang katulong doon.

Tinanggap ko sila hindi upang magluto may nakuha na akong cook. Tinanggap ko sila alang-alang sa napiping sanggol sa tiyan.

Pinasamahan ko si Annie sa PGH para sa check up. Labis daw ang liit ng sanggol ayon sa cityscan.

Pinakain ko siya ng anim na beses sa maghapon. Tubig oras-oras at mga bitaminang pantulong.

Nagsilang si Annie noong Marso 12, ng isang napakagandang batang babae na tinawag naming Aileen. Siya ay si Princess Aileen.

Ang sanggol ay nakaligtas sa incubator. Siya ay five pounds.

Sabi ng tresurera ng aming ampunan kahapon, “Tita Belle. zero-zero balance na po tayo....limang araw na kaming hindi nakakapunta sa lingguhang palengke sa Divisoria.”

“Relaks ka lang. Maraming kakalabitin ang Panginoon na sumusubaybay nito. Maraming Samaritano ang tutulong...”

Sa mga bills ang pambayad ay galing sa Lakbay-Diwa columns at books ngunit ang lahat ng pangangailangan ay galing sa mga samaritanong di-nakalilimot.

Tuesday, May 16, 2006

Mangarap ka at gawin

by Bella Angeles Abangan

Success will come

to the individual who seeks

it and is willing to do more

than is necesarry.


Iyan ang sinulat ni Walter Mason. Sinabi niya na magtatagumpay ang isang tao na handang puspusang gumawa higit sa inaasahan.


Iyong tinatawag na willing to do an extra mile higit sa dapat gawin ay totoong kapuri-puri.


Isang misis ang biglang dumating sa kanilang bahay pagka’t mataas ang kanyang lagnat.


Inabutan niya ang kanyang katulong na nakapagluto na gayong ika-sampu pa lamang ng umaga. Malinis ang buong bahay. Tapos na siyang maglaba. Pinakain ang dalawa niyang anak na maliit.


Ang dalagitang iyon na tawagin nating Aileen ay may ambisyon. Pangarap niyang mag-aral sa gabi.


Ika-apat pa lamang ng hapon ay nasa bahay na ang amo niya na may-ari ng isang patahian ng RTW.


Malapit sa Panginoon si Aileen kaya’t alam niya na magtatagumpay siya balang araw kung magiging karapat-dapat siyang pag-aralin.


At iyon nga ang nangyari. Ang trabaho ng tatlong katulong na umalis ay kayang-kayang gawin ni Aileen. Noong sumunod na pasukan ay sinamahan pa siya ng kanyang amo na mag-enrol.


Kung nais nating magtagumpay ay samahan natin ng dasal ang ating pangarap at puspusang paggawa.


Mangyayari ang ating pinapangarap kapag gumawa tayo ng paraan. Ito ang sinulat ni Nicholas Murray Butler:


“I divide the world into three classes: The few who make things happen; the many who want things happen; and vast majority who have no idea of what happen. We need more people who make things happen.”


Kung iisipin ay anong ikli ng panahon na ibinigay sa atin ng Diyos kahit pa abutin tayo ng isandaang taon ay imposible pagka’t darating din ang panahong kukunin tayo ng Diyos. Siya ang ating tawagan. Sa Kanya tayo kumapit upang ang ating pinapangarap ay matupad.


Narito ang isang istorya ng tatlong Maria na lahat ng di-maganda ay naroon sa bunso, kay Princess.


Sina Maricel at Lea ay kapwa maganda, marunong at magaling kumarinyo sa magulang.
Si Princess ay hindi kagandahan kung ihahambing sa dalawa na laging nasa honor roll.
Iyong dalawa ay puring-puri ng kanilang mga magulang. Kumuha si Maricel ng medisina at si Lea ay dentistry. Sila ay nag-asawa agad. Samatalang, nursing ang kinuha ni Princess.
Dumaan ang maraming taon. Pagkaraan ng paninirahan ni Princess ng apat na taon sa States ay dala na niya ang iaalay niya sa kanyang mga magulang na naghihirap na noon. May asawa na ang dalawa niyang mga kapatid.


Isang matandang biyuda na kanyang inaalagaan ang umampon kay Princess, private nurse ni Mrs. Harris. At nang mamatay ito ay ipinamana sa kanya ang yaman nitong pagkarami-rami. Ang bugtong na anak na lalaki ng namatay ay isa ring milyonaryo.


Hiyang-hiya kay Princess ang dalawang matanda na ang puring-puri ay ang dalawang anak na hindi na nakaalala sa kanilang magulang.

Nariyan ang Panginoon

One thing can always cheer me

When I’m feeling sad and low,

When I tire of daily trials

That I have to undergo.

When those who could seem closet

Seem like people I don’t know,

One thing can always cheer me …

When I do not understand

How pain and sadness in our lives

Can get so out of hand.

When the best human efforts

Doesn’t meet the days demands,

One thing can always cheer me

I know that God is around.

And show me I will never

Have to struggle on my own,

For no matter what might happen.

I will never be alone…

The one thing that always cheer me

Is just knowing God is near.

Ang tula na nasa itaas ay nagbigay ng inspirasyon. Sa mga nanalig na nariyan ang Poon sa kanilang piling ay mapalad sila sapagkat nasa kanila ang Poon.

Ang nagbibigay ng lakas sa mga walang-wala ay iyong kaalaman na ang Diyos ay kanilang kapiling.

"Sapagkat nang kapiling namin ang Poon! Daig namin ang mayayamang walang puso."

Sa paggising natin sa umaga ay ugaliin nating magdasal. Kahit maikli ang panalangin kung taos sa puso ay pakikinggan ito ng Diyos. Maaaring ganito ang ating ibulong:

"Mahal na Poon, samahan po Ninyo ako sa maghapong ito. Kayo na po ang bahala sa akin. At sa mga nangangailangan ng aking tulong alang-alang po sa Inyo ay aking gagawin."

Narito ang isang istorya ng dalawang lalaking palaboy sa Rizal Park.

Hindi nagbabatian sina Pabling at Danny pagka’t nag-kasamaan sila ng loob dahil sa isang kotseng magkatulong silang nagpaandar.

Kapwa sila tumulong ngunit nang mag-abot ng pera ang may-ari ng kotse ay si Danny ang tumanggap ng mas malaking halaga samantalang si Pabling ang mekaniko.

Nagpasensya na lang si Pabling. Magkatabi silang natutulog noon sa damuhan ng Rizal Park. Kung umuulan ay naroon sila sa Quirino Grandstand.

Alam ng bawat isa na kapwa sila biyudo. Pareho sila galing sa Mindanao. Kapwa bigo ang kanilang adbenturera sa Maynila kaya’t hindi na nila binalikan ang kanilang pamilya.

Isang hatinggabi ay narinig ni Danny na dumaraing si Pabling.

Lumapit si Danny kay Pabling. Nagdedeliryo ito sa matinding lagnat.

Tumakbo si Danny sa botika. Iyong itinatagong pera ni Danny ay binili niya ng gamot sa lagnat.

Doon sila natulog sa baba ng Quirino Grandstand. Sa lumang bag ay kinuha ni Danny ang kanyang maliit na tuwalya.

Pinunasan ni Danny si Pabling. Nilagyan niya ito ng basang tuwalya sa noo pagkatapos niyang painumin ng dalawang klaseng gamot.

Nakatulog na si Danny. May araw na nang magising ito. Wala sa tabi niya si Pabling.

Magaling na si Pabling. Bumili ito ng tinapay at kapeng maiinit.

Ito ang wika ni Pabling sa kanyang kaibigang gumamot sa kanya.

"Nakapag almusal na ako Danny. Ito ang iyong almusal. Tuwing umaga ay isasama kita Danny sa aking dasal. Ikaw ay hinipo ng Diyos upang dumamay sa akin. Salamat sa Diyos. Salamat sa iyo. Pagpalain ka nawa ng Diyos."

Nagyakap ang magkaibigan na puno ng kasiyahan ang kanilang puso. Kapwa nila natagpuan ang Diyos sa kanilang puso.

Thursday, May 11, 2006

May biyaya sa pagbibigay

by Bella Angeles Abangan

He who earns is an industrious man;

He who spends is a well-furnished man;

He who gives is a blessed man,

He who saves is a prepared man.


Sinasabi sa tula na sinulat ng makatang ayaw magpakilala na ang nagbibigay ang pinakadakila sa apat na uri na binanggit sa tula.


Iyong kumikita ng pera ay masipag. Iyong ginugugol ang pera ay kumpleto ang kanyang mga gamit. Iyong nag-iimpok ay laging handa pagkat iniipon niya ang kanyang pera.

Ngunit nakahihigit sa lahat ay iyong ibinabahagi ang kanyang kita sa mga kaawa-awa.
Iyan ang ibig tukuyin ng maikling tula sa itaas.


Narito ang isang istorya ng tatlong padre de pamilya na magkakasama sa isang baryo.
Nagtungo sila sa Saudi. Mapalad sila pagkat ang namamahala ng konstraksyon ay kanilang kababata.


Hindi mahirap ang ibinigay sa kanila na trabaho.


At hiniling nila na magkasama sila sa sleeping quarter ay pinagbigyan rin.


Katatapos lamang nila na maghapunan noon. Ibinigay sa kanila ang kanilang mga hinihintay na sulat.


Ang saya-saya nina Inong at Fermin. Samantala, malungkot si Doming pagkat iyong ampon nila ay laging dinadala sa ospital.


Ipinakita nina Fermin at Inong ang mga litrato na padala ng kanilang misis. Mula sa Pawis ng Saudi ni Fermin ang ipinagpagawa ng bagong bahay na nasa larawan.


Ang ikalawang larawan ay pawis din ng Saudi – isang bagong taksi na hulugan na at tumatakbo na.


Walang maipakitang larawan na pundar si Domeng. Ang lahat ng mga padala niyang pera kay Mameng ay nauwi sa pagpapagamot kay Ramil. Siya ay kanilang ampon. Walang anak sina Domeng at Mameng.


Nasa Grade II si Ramil at laging liban sa klase. Dumating ang kababata nina Domeng. Siya ang kanilang balediktoryan. Tuluy-tuloy ang pag-aaral ni Mark sa Maynila pagkat lagi siyang iskolar. Ipinadala siya sa States upang magpakadalubhasa sa puso.


Nang bumalik si Mark sa Pilipinas ay dumalaw siya sa kanilang baryo. Siya ang gumamot kay Ramil hanggang mapagaling niya ito.


Nanirahan na sina Domeng sa Maynila. Natuklasan ni Mameng na mataas ang IQ ni Ramil. Dating estudyante si Mameng sa Education. Hindi lamang siya nakatapos dahil sa kahirapan.


Tulad ni Mark si Ramil ay tuluy-tuloy ang pag-aaral hanggang magpakadalubhasa siya sa States sa utak. Siya ay naging neuro-surgeon.


Nakipag-ugnay si Domeng kina Fermin at Inong. Isang malaking handaan ang idaraos sa baryo bilang pasasalamat nina Domeng at Mameng.


Doon gaganapin sa malaking compound nina Domeng. Naroon ang kanilang bahay-bakasyunan. Dalawang van ang dumating. Nagpa-catering sina Domeng.


Ang lahat ng sahod ni Domeng noon sa Saudi ay para sa pagpapagamot kay Ramil na kanilang ampon. Ngunit mabait ang Poon.


Ang dalang suwerte at biyaya ng ulilang sanggol na iyon ay di-mailarawang grasya galing sa Panginoon.

Kapag tinapik tayo

by Bella Angeles Abangan

Maraming nalilimutan

Napabayaan sa buhay


Pagtapik ay naramdaman.

Sundin agad at pakinggan.

Pagka’t tayo’y tao lamang...


Isang linya iyan sa isang awit. Ang tao ay tunay na marupok. Madaling matukso at magkasala.

Sa kislap ng salapi wala riyang kapamilya, kamag-anak o kaibigan. Nariyan ang kaimbian ng tao.

Sa pagpapasasa sa salapi at luho sa buhay sa buhay ay tuluyan nang nalimot ang Diyos at mga mahal sa buhay.

Nawala sa kanyang gunita na minsan ay haharap siya sa “Timbangan ng Buhay.” Siya ang hahatol kung saan patungo ang kaisa-isa nating kaluluwa.

Narito ang isang istorya ng isang mag-ina na ubod ng yaman.

Iyong kanyang nag-iisang anak ay kanyang tagapagmana ng lahat niyang pundar.

Ipinagpatuloy ni Thelma ang negosyo ng kanyang yumaong asawa na palaisdaan sa Carmona. Ilang hektarya ang kanyang mga bangus at tilapia.

Iyong malawak niyang bakuran ay ginawa niyang Town Homes. Marami siyang pera sa stock market. Namana niya ito sa kanyang milyonaryang asawa.

Isang madaling-araw umuuwi ang anak niyang binata. Nabangga ang bagong kotse nito. Noon pa ay ipinaramdam na kay Thelma na delikado ang labis niyang pagpapalayaw kay Dennis, isang binata.

Maraming vibration ang kanyang nakukuha sa pag-uwi nito ng hatinggabi na kung minsan ay lasing pa.

Isang gabi ay naaksidente si Dennis. Nabangga ang kotse niya ng isang truck. Agaw-buhay ito nang dalhin sa emergency room, pinakamalapit na ospital.

Hinimatay si Thelma nang malaman niyang patay na ang kanyang kaisa-isang tagapagmana. Kahit isa sa pito niyang katulong ay hindi namighati sa kanyang pangungulila. Ubod nang sakim ni Thelma. Kahit sinong katulong o kanyang manggagawa ay hindi man lamang niya natutulungan sa kanilang paghihirap.

Pagkatapos ng libing ni Dennis ay biglang bumait si Thelma. Nag-iisa na siya sa buhay!
Natagpuan niya sa mga gamit ni Victor, kanyang mister ang isang sulat ng anak nito sa labas, si Jenny.

Minsan ay nagsadya sa kanya ang dalagita na ito na humihingi ng tulong. Malubha ang kanyang ina na nasa ospital. Hindi niya ito sinabi sa kanyang mister. Hindi niya ito tinulungan.

Pinuntahan ni Thelma ang tirahan ng dalagitang nakikipagsulatan sa ama, kay Victor.
Naroon ang dalaga na naglalaba. Doon na niya nilabhan ang mga tanggap nitong labada.
Hindi talagang maiiwan ni Jenny ang tatlong kapatid niya sa maliliit. Sila ay sina James, anim na taon, Fanny, walong taon at Millet sampung taong gulang.

Niyakap nang mahigpit si Thelma ni Jenny iyong mga luha sa mata ni Thelma ay nangangahulugan ng tuwa.

Parang umakyat sa langit ang apat na magkapatid na pawang napatigil sa pag-aaral.
“Anong bait ng Diyos!” Ito ang wika ni Jenny noong isinakay na sila ni Thelma sa magarang kotse nito.

Thursday, May 04, 2006

Lilinaw din ang tubig

by Bella Angeles Abangan

“The facts of existence are like so much loose type which can be set up into many meanings. One man leaves these facts in chaotic disarrangement or stets them up into cynical affirmations, and he exists. But another man takes the same facts and by spiritual insight makes them mean glorious things and he lives.”


Ito ay sinulat ni Harry Emerson Fosdick. Ang mensahe ay ito: Pinaghambing ni Harry ang dalawang uri ng lalaki. Ang isa ay magulong-magulo ang buhay at siya ay humihinga pa rin at buhay.

Ang isa naman ay maganda ang takbo ng kanyang buhay sa tulong ng espirituwal na pamamaraan. Ang kahulugan nito ay mabunyi at maluwalhati ang kanyang buhay. Siya ay tunay na buhay na buhay. Laging isama nating ang Poon sa ating pamumuhay kung nais nating maging maganda ang ating buhay.

Ito ang sinulat ni John Donne:

“I cannot say that all part of my life is lost which I spent not in communion with God, or die in doing good.”

Narito ang isang istorya tungkol sa isang ina na lihim na naninimdim. Alam niya na balang araw ay lilinaw din ang tubig sa ilog. At masasalamin ang tunay na larawan ng nasa ilalim ng tubig.

Ngunit inilihim ni Aileen ang kanyang dala-dalang damdamin sa puso. Ang pagkakaalam ng kanyang ulirang dalaga ay patay na ang kanyang ama.

Isang US Navyman ang boyfriend ni Aileen. Nagsama sila ng mga limang taon nang dumating ang petisyon ng mga magulang nito. Single parent ang application ni Gerald at naisama niya ang kanyang panganay na anak. Ngunit hindi nakarehistro sa apelyido ni Gerald ang anak nilang babae kundi sa apelyido ng babae. Natuklasan ni Aileen na dadalhin ni Gerald ang dalawang bata sa Amerika.

At nagkatotoo ang kutob ni Aileen na hindi na siya babalikan ni Gerald. Nagkaroon si Gerald ng problema sa kanyang mga magulang. Upang mapadali ang kanyang pagiging American citizen ay pinag-asawa siya kay Lea, isang Pinoy-Kano na dalaga.

Iyon na ang simula nang pagkakatali ni Gerald kay Lea na mahal na mahal siya.

Dumaan ang mga taon. Magtatapos na si Angelica, nag-iisang anak ni Aileen. Hindi siya nagka-anak kay Sam. Maykaya si Sam. Pinakasalan siya kahit may anak na siya. Mahal na mahal ni Dick ang batang si Angelica mula nang ito ay limang taong gulang.

May sampung taong nagsama sina Sam at Aileen. Mabait at maunawaing inhenyero ito at naging butihing ama at asawa.

Isang araw magtatapos si Angelica noon sa Computer Science nang ibalita niya sa ina na may nanliligaw sa kanya. Nakilala niya si Steven nang magpraktikum si Angelica sa kompanya ni Steven. Siya ang assistant manager ng malaking kompanyang iyon na nabili ng kanyang ama.

Inihatid ni Steven si Angelica at ipinakilala siya sa kanyang ina. “Mama siya po si Steven de Silve Junior.” Nabigla ang ina ni Angelica. Nabigla si Aileen.

Ang hiling ni Aileen sa Panginoon ay makilala niya sana ang anak na matagal na nawalay sa kanyang piling mula nang ito’y tatlong taong gulang. Pinaupo ni Aileen ang anak na ibig na ibig niyang yakapin. Ngunit hindi na napigilan ang bugso ng kanyang damdamin.

Nawalan ng malay si Aileen.

Nagkagulo sa sala. Tumulong si Steven at pinangko ang di nakikilalang ina. Tatawag sana ng doktor si Steven ngunit nahimasmasan din si Aileen.

Pinaupo ni Aileen sa gilid ng kama ang dalawa. Dahan-dahang ipinagtapat ni Aileen ang lahat ng nangyari. May tatlumpung taon na ang nakakalipas. Lumuhod sa gilid ng kama si Steven. Pagkatapos magpasalamat sa Panginoon pagka’t ang imposible ay naging posible. Dahil sa himala ay nayakap niya ang kanyang ina. Ang sarap pala ng may ina. Nung gabing iyon ay dumating si Gerald, diborsyado sa unang asawa. Tinawagan siya ni Steven . Lilinaw rin ang tubig kapag naroon ang bendisyon ng Poon.

Magdiyalogo tayo, anak

by Bella Angeles Abangan

Seryosong kanilang usapan

“Anong aral ‘yong ibibigay

Sa anak pagdating ng araw

Ika’y mabuti bang huwaran?”

Kung tayo ay magulang ay maitatanong natin sa ating mga sarili ang ganito: “Maganda ba tayong modelo ng ating mga anak? Binigyan ba natin sila ng panahon upang makausap sila nang puspusan?”

Maraming magulang na nagbigay ng payo sa paraang pagbabanta o warning sa oras ng kainan.

Ganito iyon:

“Mag-aral kang mabuti at kapag lumagpak ka ay makakatikim ka ng maraming uri ng parusa. Alam mo na kung paano ako magalit...”

Hindi lamang makasagot ang anak na nagrerebelde ngunit ang laman ng kanyang isip ay ganito:

“Bakit hindi mo tanungin ang iyong sarili?

“Wala na nga tayong makain ay naglalasing ka pa? Martir na nga si Mommy ay pinagtataksilan mo pa?”

Narito ang senaryo hinggil sa mag-ama. Nanggaling si Gerald sa probinsya. Isang linggong magbabakasyon ang matanda sa bahay ng kanyang panganay na anak na maykaya sa lahat ng anim niyang anak.

Alam niya ang nangyayari sa loob at labas ng bahay na iyon. Ang ugat ng gulo ng pamilya na malapit ng mawasak ay ang kanyang sariling anak.

Isang hapon ay kinausap niya ang kanyang anak na mataas ang tungkulin sa kompanyang pinaglilingkuran.

“Mike, bakit naman gabing-gabi ka na umuwi? Alam mo bang tatlong araw ang warning kay Fred ng kanilang guidance councilor? Si Nina naman ang iyong panganay ay laging nag-o-overnight sa kanyang kaklase. At ang iyong bunso ay puro barkada. Kaawa-awa naman ang asawa mo. Napuna ko nang mawalan kayo ng katulong ay pumayat na siya. Kapag hindi ka nakinig sa akin ay huwag mo na kaming kilalaning magulang ng iyong ina. Wala ka palang kuwentang mag-pamilya. Lalo na nang magkapera ka, lalo kang naging loko. Naging alipin ka ng salapi mo. Nagkamali ako, Mike, ikaw pa naman ang modelong anak ko noon. Aalis na ako ngunit ito ang tandaan mo. Kapag hindi ka tumino ay sising alipin ang aabutin mo....”

Niyakap ni Mike ang ama na mahal na mahal niya. Nagpakasakit ito upang maging abogado lamang siya. Hindi niya bibiguin ang kanyang ama.

“Tatay, mabuti na lamang at dumating kayo.....”Alam na ni Gerald na nagising na ang kanyang anak!

Samantala sa kabilang dako ay isang ama rin ang dumalaw sa kanyang anak sa Maynila na may pamilya na rin.

Nag-usap ang mag-ama sa veranda ng bahay ni Marvin. Ito ang wika ni Jeffrey sa kanyang anak:

“Nakuha mo anak ang lahat ng aking itinuro sa iyo pati pagpapamilya. Iyong study table sa bawat kwarto ng mga bata. Iyong kanilang grado na naka-graph sa itaas ng kanilang study corner. Iyong kanilang sharing sa trabaho sa bahay dahil wala kayong katulong. Iyong kanilang pagsama sa mga club sa simbahan at ang ganda ng pakikisama ng iyong mga anak pati iyong puso sa puso. Ikukuwento ko iyan sa iyong ina. Tiyak na matutuwa siya. Binabati kita Marvin. Ikaw ang magandang ehemplo ng iyong mga anak......”