Bugsfely

Monday, January 08, 2007

Bumangon pagkatapos na madapa

Bella Angeles-Abangan

What is a failure? It is only a spur To the man who’ll receive it right And it makes the spirit within him stir, To go once more and fight and fight, If you never have failed, It’s an easy guess, You never have know a high success.

Hindi nagpakilala ang sumulat ng tulang "Kabiguan" kung walang naranasang kabiguan sa buhay ay hindi natin matitikman ang tamis ng tagumpay.

Magiging maganda ang takbo ng buhay kapag bumangon tayong muli pagkatapos nating mabigo.

Kapag nasa dusa tayo lahat ng buti ay ating gawin.

Narito si Junior na hindi umuwi sa kanilang bahay noong hapon nang mabatid niya na hindi siya kasama sa gaganaping graduation sa darating na Sabado.

Biglang nagunita ni Junior ang babala ng kanyang ama:

"Kapag hindi ka nakasama sa haiskul ay huwag ka nang magpakita sa akin. Lulumpuhin kita..."

Ginawa na sa kanya ang paglumpo noon kaya lamang ay inawat ng kanyang ina ang pamalo ng kanyang ama.

Kinuha ni Junior ang pambayad ng kanyang ina sa ilaw. Bugbog sarado ang ipinatikim sa kanya ng kanyang ama.

Madaling-araw na nang magmano si Junior sa kanyang ina na naghihintay sa kanya sa sala.

Dahan-dahan kinuha ni Junior ang kanyang mga damit. Inilagay niya ito sa isang malaking bag ng kanyang Kuya Cesar.

Lumuwas si Junior ng Maynila. Mula sa terminal ay sumakay si Junior sa bus patungong Maynila.

Ang trabaho ng kanyang tiyuhin, kapatid ng kanyang ama na kanyang pinuntahan, ay cad boy sa isang exclusive golf course sa may Alabang.

Namumulot doon ng golf si Tito Narsing. Kinabukasan ay dinala sa ospital ang tiyuhin ni Junior.

Kilala na si Junior ng namamahala kayat isa na si Junior sa cad boys na naglilingkod doon bilang kapalit ng kanyang tiyuhin.

Noong uwian na ang pinaglilingkuran na kaybait-bait ni Junior ay kanyang hinagad nang hinagad.

Naroon na si Mr. Smith sa kanyang kotse nang maabutan ni Junior ang Amerikano. Inabot ni Junior ang wallet na puno ng doyar.

Umalis na bigla si Junior. Lumabas sa kotse si Mr. Smith at tinawag si Junior. Inabutan ng isang bill na one hundred pesos ni Mr. Smith ang binatilyo.

"Boy, here’s something for you..."

"Sir thank you..."

"Okey, do you want to go abroad? I am retiring tomorrow. My wife and I are going home to America. I am a consul. I will make you my aide and helper. You want to go with us this Friday? Alright tell your mother and your father.

Sa tuwa ni Junior ay tumango lamang ito. Hindi siya makapagsalita sa tuwa. Isinakay si Junior sa kanyang kotse. Wala pang isang oras ay naroon na sila. Kaharap ang kanyang ama at ina na kapwa tulala.

Wednesday, January 03, 2007

Itanim ang kabutihan sa puso

Bella Angeles-Abangan

Kindness is love planted in the heart – Love that deepens and grows. Ever unfolding new sweetness – as the blossoming of a rose. Kindness is a special warmth – That makes a moment bright, A smile that makes a day complete and seems to set things right. Kindness is laughter gladly shared – It’s gentle, loving way, Of making the world a happier place – For others day by day.

Ang tula sa itaas na may pamagat – Kabutihan ang Itanim ay may magandang mensahe:

"Buti ang laging itanim sa bawat sandali."

Ang mabuting puso ay marunong gumawa at tumulong.

Napakasarap na kapamilya o kaibigan ang mabuting tao. Nariyan ang kanyang pusong mapagmahal sa kapwa.

Marunong dumamay ang ganitong mga tao. Ang kabutihang-asal ang nakatanim sa kanilang puso sa bawat sandali.

May isang biyuda na walang anak, maselan, istrikta at mahirap kasamahin si Donya Luz.

May tatlong mga ahensiya ng mga katulong ang sumuko sa kanya.

Palit siya nang palit ng mga katulong.

Marami siyang reklamo sa mga katulong na nakukuha niya. Ang hinahanap niya ay isang perpektong katulong at isa lamang ang kaniyang kailangan.

Trabaho ng tatlong katulong ang kanyang ipinapagawa.

Walang negosyo si Donya Luz. Ang namana niyang mga lupain at paupahang bahay ay higit sa sapat na kailangan niya.

Hindi niya hinatian ang kanyang nag-iisang kapatid na lalaki na namatay sa sama ng loob sa Bisaya.

Kakaunti ang kanyang ibinigay na parte pagka’t nag-asawa ito sa hindi niya gusto.

At sa wakas ay nakatagpo rin siya ng isang dalagita – si Angelie!

Isang anghel ito na walang kapaguran! Masayahin, matulungin at mapagtiis si Angelie, ang labing-anim na taong dalagita na taga-Bacolod.

Gumising si Angelie ng ikaapat na umaga. May listahan na siya ng mga lulutuin sa araw na iyon. Umiikot siya na parang trumpo sa malaki at lumang bahay na iyon.

Nakahanda na ang mga gagamitin ni Doña Luz sa paliligo.

Pinagkatiwalaan na ng biyuda si Angelie na maglabas ng kanyang isusuot-pambahay o pang-alis.
Silang dalawa lamang ang naroon sa bunggalo na iyon na may tatlong asong malalaki.

Isang gabi ay inapoy ng lagnat si Donya Luz. Tinawagan niyo sa telepono ang kanyang pinsang doktor, Dr. Robert.

Nagbigay ng mga reseta at paliwanag kay Angelie hinggil sa mga gagawin. Ayaw ni Donya Luz sa ospital. May phobia siya mula noong mamatay ang kanyang asawa. May anim na buwan sila sa osptital.

Si Angelie ay ang nurse, doktor at katulong sa bahay iyon.Noong pinamalengke ni Donya Luz si Angelie ay nagsiyasat si Donya Luz kuwarto nito na walang bentilador. Maliit na bintana lamang ang daanan ng hangin.

Muntik nang mahilo si Donya Luz sa kanyang natuklasan. Sa ibabaw ng aparador ni Angelie ay naroon ang larawan ng isang pamilya. Si Angelie ay sampung taon noon at kapiling ng kanyang ama at ina.

Ang ama nito ay si Emmanuel, ang kapatid niyang hindi tinulungan hanggang sa huling sandali. Sumunod na namatay ay ang ina ni Angelie.

Ulilang lubos na si Angelie. Gagawin niyang tagapagmana ay ang kanyang tunay na pamangkin. Si Angelie ay ang umakay sa kanya sa Diyos.

Tuesday, January 02, 2007

Kumapit ka sa Poon

Bella Angeles-Abangan

Does some problem look unsolvable? Does some long term burden appear, too heavy for you to hear? Does the future appear foreboding? Cast your burden on the Lord, Ask Him to help you just for today. As Jesus said, "Do not worry about tomorrow, Take just one tick at a time." One of the best things about the future Is that it comes one day at a time.

Ang tula sa itaas ay sinulat ng makatang may initial na R.W.D.

Ang mensahe sa tula ay ito: Humingi ng tulong sa Panginoon para sa ngayon. Ang bukas ay nasa kamay ng Diyos.

Ang bukas ay binubuo ng paisa-isang araw. Anumang bigat ng ating dala sa ngayon ay ibigay natin sa Diyos. Magtiwala tayo. Ngayon muna ang ating lutasin. Susunod na ang bukas.

Narito ang isang istorya ni Chedeng. Malaki ang kanyang pamilya. Sampu ang naging bunga ng kanilang pagsasama ni Serafin na kamamatay lamang. Isang aksidente ang ikinamatay ni Serafin. Nahulog ito mula sa ikaanim na palapag ng ginagawang gusali sa Makati.

Paano na sila ngayon?

Hindi muna iniisip ni Chedeng ang mangyayari sa kanyang sampung mga anak. Ang panganay, si Berting ay magtatapos sa haiskul. At ang bunsong si Bebot ay tatlong taong gulang.

Pagkatapos ng pa-siyam kay Serafin noong gabing iyon ay may hawak na bolpen at notebook si Chedeng. Tulog na ang mga bata. Tanging si Serafin ang naghahanap-buhay. Sa bahay lamang siya pagkat walang mag-aalaga sa mga bata. May tinda si Chedeng na arozcaldo at sago’t-gulaman sa silong ng kanilang bahay.

Ang kanilang barung-barong ay kailangan ng maraming repair pagka’t may tumutulo na sa mga yero.

Umaga na nang matapos ang magdamag na pagpaplano ni Chedeng.

Kinabukasan, Sabado ng umaga. Kinausap niya ang sampung mga anak.

Walang kaalam-alam si Bebot sa mga nangyayari bagamat tanong ng tanong ito kung kailan uuwi ang kanilang Tatay.

Sang-ayon ang lahat ng mga bata sa kanyang desisyon. Ihahabilin ni Chedeng ang kanilang munting bahay sa kanyang hipag, kay Lina.

Limang grupo sila ng kanyang mga anak. Ihahatid ni Chedeng ang mga bata sa kanyang limang kapatid. Kanilang mungkahi ito kaya’t hindi mahirap ang gagawing paghahabilin ni Chedeng. Sa bahay ng bunso niyang kapatid sila maninirahan. Kasama niya roon ang panganay at bunso niyang anak.

Nagtrabaho si Chedeng bilang saleslady sa isang department store.

Tapos si Chedeng ng Commerce. May maganda siyang personalidad kaya’t siya’y natanggap. Pinsan niya ang nag-alok ng trabaho pagkaraan ng isang buwan na sumama siya sa kanya sa buy and sell ng bahay at lote.

Dumaan ang mga taon. Malaki na ang mga bata. Narito ang senario na hindi kapani-paniwala. Naroon ang sampung magkakapatid sa bahay na nilapitan nila. Maliit ngunit bagong bunggalo at kanila na ito.

Kaarawan ng kanilang ina. Isang salu-salo at pasasalamat sa Diyos ang inihanda nila.

Walang inimbitang bisita. Sila-sila lamang. Naroon si Padre Ramon, ang pangalawa sa panganay, ito ang nag-misa.

Hindi makapaniwala si Chedeng. Totoo naghihimala pala ang Diyos. Sa Kanyang mga kamay, naroon ang kanilang bukas. Pinagsama nilang lahat ang pananalig at paggawa