Bugsfely

Thursday, August 24, 2006

Sa Pagbabalik mo

Bella Angeles-Abangan

Home to laughter, home to rest,
Home to those that we love best,
Home to where there is none to hate,
Where no foes in anguish wait.
Where no jealous envious mind,
Seeks with glee a fault to mind
Now the day is done and I.
Turn to hear a welcoming cry,
Love is dancing at the door, I am safe at home once more.

Ang tulang nasa itaas ay mula sa panulat ni Margaret Fishback Powers.

Ang kanyang mensahe ay napakagandang ilarawan ang isang huwarang tahanan na pawang nagmamahalan ang mga naninirahan.

Kung tayo ay magninilay-nilay ay anong uring tahanan mayroon tayo? Masaya ang samahan? Nagkakasundo-sundo? Nagtutulungan? Nagmama-halan?

Anong sarap umuwi sa sariling tahanan na tayo ay hinihintay. At kung tayo ay malayo ay kinasasabikan ang ating pagdating.

Narito ang istorya tungkol sa isang mister na nag-abroad.

Si Elmer ay inabot ng sunud-sunod na kamalasan. Nang matapos siyang maaksidente ay hindi siya nakapag-padala sa kanyang mag-iina pagka’t hindi siya binayaran. Ang pagkakabangga sa kanya ng isang kotse ay hindi sakop ang oras sa kanyang walong oras na paglilingkod.
May tatlong buwan ding nakasemento ang kanyang paa na muntik nang maputol. Hindi siya nakapagpadala kahit isang dolyar.

Inutang lamang ang kanyang ginamit sa pagtungo doon sa abroad. Nang makipag-away siya sa kanyang superbisor na Arabo ay nasuntok niya ito.

Alam niyang pinahihirapan siya ng husto. May lihim na galit sa kanya ang kanyang boss.
Naospital ang kanyang superbisor. Nakulong si Elmer. Mabait na Arabo ang pumalit sa dating superbisor. Iyon ang tumulong kay Elmer upang maging tatlong buwan sa halip na isang taon ang hatol sa kanya.

Uuwi na sa Pilipinas si Elmer. Naging kaibigan niya ang superbisor na tumulong sa kanya. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng pamasahe at kaunting pocket money noong umuwi na siya. Walang naipon o naipadala si Elmer.

Hindi alam ng kanyang pamilya na siya’y uuwi. Noong dumating siya ng bahay ay katanghaliang tapat.

Anong sarap ng pakiramdam ng nasa sariling tahanan. Nakatulog siya nang maayos. Narinig niya ang pagmamahal ng kanyang mag-iina sa kanya.

Noong kainan na ay biglang lumabas si Elmer. Noon lamang sila naliwanagan kung bakit napauwi siya.

Sa kanilang hapag-kainan ay iyon ang mga sandali ng kanilang pagpapasalamat sa Panginoon. Sa tahanang iyon narinig ang malulutong na halakhak ng buong mag-anak. Ang pakiramdam nilang lahat ay naroon sila sa alapaap.

Huwarang magulang ating tularan
Bella Angeles-Abangan

Let me hold your hand as we go downhill,
We’ve shared our strength and we share it will.
It hasn’t been easy to make a climb,
But the way was eased by your hand in mine.
Like the lake, our life has had ripple, too
Ill-health, worries, and payment due,
With happy pauses along the way,
A graduation, travel abroad and a raise in pay,
At the foot of the slope, we will stop and rest.
Look back, if you wish:
We’ve been truly blessed,
We’ve been spared the grief of being torn apart,
By death of divorce or a broken heart.
The view ahead is one of the best.
Just a little bit further, and then we can rest,
We move more slowly, but together still,
Let me hold your hand, as we go downhill.

Iyan ang tulang "Let Me Hold Your Hand" na sinulat ni Peggy Cameron King na angkop sa ulirang mag-asawa.

Kung pag-aaralan ng mag-asawa ang kasalukuyan nilang buhay ay maniniwala kaya sila sa nakasulat na ito?

"Ang tagumpay ng isang tahanan at maligayang pagsasama ay nasa kanilang puspusang pagsisikap, sakripisyo at walang hanggang pagmamahalan."

Narito ang isang istorya ng mag-asawa na walang kapantay ang pagmamahalan. Iyon ay kanilang ipagpapatuloy hanggang sa kabilang buhay.

Isang hapon ay umuwi si Almario na dala ang halagang tatlong daang piso. Inabot niya ang pera na ang paliwanag niya ay mula sa delihensya.

May isang buwan na walang trabaho si Almario. Nang umagang iyon ay nakapamili si Maribel. Naibili niya ng damit at sapatos ang kanilang tatlong mga anak na dalagita.

Pagkagaling ng mag-anak mula sa simbahan at pagsaluhan ang simpleng nakahain sa hapag-kainan ay nalaman ng tatlong dalaginding ang pinagmulan ng kanilang mga damit, sapatos, at pagkain.

Napaiyak ang tatlong tinedyer. Ipinagbili ni Almario ang kanyang dugo at si Maribel ay ipinagbili niya ang huling alahas niyang namana sa kanyang mga magulang.

Isinumpa ng tatlong anak na lalo nilang mamahalin at paglilingkuran ang kanilang mga magulang at puspusan silang mag-aaral.

Salat silang mag-anak sa lahat ng bagay ngunit saganang-sagana sila sa pagmamahalan at pagmamalasakitan.

Dumaan ang maraming taon. Nakatira sa malaking bunggalo ang mag-anak. Propesyunal na ang tatlong dalaga.

Masayang ipinagdiriwang ng buong pamilya ang Silver Wedding Anniversary ng kanilang mga magulang. At ang kapuna-puna ay romantiko pa rin ang dalawang matanda na retirado na sa lahat ng obligasyong pinansiyal.

Pakikipagsapalaran sa buhay
Bella Angeles-Abangan

"The best character are made by vigorous and persistent resistance to evil tendencies; whose amiability has been built upon the ruins of ill temper, and whose generosity springs from an overmastered and transformed selfishness. Such as character, built up in the presence of enemies, has for more attraction than one which is natively pleasing."

Ang awtor ng sumulat sa itaas ay si Henry Martyn Dexter. Sang-ayon kay Dexter ang katangi-tanging asal ay nagmumula sa puspusang pakikipagsapalaran sa kasamaan.

Ito ang katangi-tanging ugali na bunga ng pagtatagumpay sa kasamaan. Ang naibandila ng may katawan ay ang kabutihang-asal anuman ang mangyari.

Dala ng taong ito ang marangal na budhi at kapuri-puring pag-uugali saan man siya naroon.

Narito ang istorya ng tatlong kabataan na katatapos lamang ng haiskul.

Nagkuwentuhan sila isang gabi. Iyon na ang pagpapaalam ni Eric. Kinukuha siya ng kanyang tiyuhing pari. Magiging working student si Eric upang matupad ang kanyang ambisyong maging pari.

Pagkaraan ng isang buwan ay nagpaalam si Melvin kay Loloy, ang natitira sa magkaibigan.
"Sasama ako sa Ninong ko. Magtatrabaho siya sa States. Maiiwan ang aking Ninang. Pag-aaralin ako ng medisina. Sa wakas ay matutupad din ang aking ambisyong maging doktor."

Malungkot si Loloy. Walang tiyuhin o ninong na kukuha sa kanya. Naroon ang kanyang amang may sakit sa baga. Awang-awa sila sa ama nila na dati ay isang basurero.

Nakakaawa rin ang kanilang ina na isang side walk vendor sa palengke.

Araw at gabi ang pagpapayo ni Mang Indo kay Loloy, ang kanyang panganay:

"Tandaan mo anak, ang karunungan ay hagdan patungo sa itaas. Ang tanglaw mo ay kagandahang-asal. Nasa Biblia iyan, anak. Hanapin mo ang karunungan at hindi ka magsisisi. Ang arkitekto ng ating kinabukasan ay ang ating sarili at magagawa lamang iyan kung mayroon tayong matatag na disiplina. Hawak mo ang iyong sarili. Pag-asa ka ng apat mong mga kapatid."
Nag-aral ng komersiyo si Loloy sa gabi. At sa araw ay kargador siya sa palengke. Kanyang kinaibigan ang kanyang mga kaaway na nambubuska sa kanya.

Nagtatag si Loloy ng Kabataan ni Kristo. Ito ay isang lihim na samahan. Lahat ng buti na kanilang mapag-tagumpayan ay kanilang isinusulat. May malaking envelope ang bawat isa sa kanila.

Unti-unting nawala ang mga walanghiyang kabataang kinatatakutan ng mga tindera sa palengke.

Si Loloy ang modelo ng kanyang mga kasama. Nang magkita sila ng pari at doktor niyang mga kaibigan ay hinahangaan nila si loloy na isa nang self-made.

Naakay na niya ang kanyang sarili at maraming kabataan na dati ay mga sakit ng ulo ng magulang.

Susubukan ka
Bella Angeles-Abangan

"Everybody really knows what to do have his life filled with joy. Quit hating people; start loving them. Quit being mad at people, start liking them. Quit doing wrong, quit being filled with fear. Quit thinking about yourself and go out do something for other people. Everybody knows what you have to do to be happy. But the wisdom of the test lies in the final word: "If you know these things happy are you if you do them."

Iyan ang sinulat ni Norman Vincent Peale. Umiikot iyan sa pagmamahal sa kapwa.

Kung pupunuin lamang natin ng punuin ang ating puso ng pag-ibig at hindi poot o anumang negatibong emosyon ay tiyak na papasok ang Panginoon at kasunod na ang tuwa.

Itong pag-aalaga ng galit sa dibdib ay tiyak na nagtagumpay na ang ating kaaway. Iniwasan niya tayo ng galit o balaraw na nakabaon as ating puso.

Kailangang magkaroon ang isa’t isa ng pag-ibig sa puso. At iyan ay dapat magsimula sa mag-asawa upang may matularan ang mga anak.

Isang linggo ng hapon ay biglang dumating si Paul, ang mayamang amo ni Leandro.
Alam ng kanilang tsuper ang pook ng mga iskuwater. Doon matatagpuan ang mabait na dyanitor ng kompanya. Siya ay Friday boy ni Paul. Kahit anong ipagawa niya ay kaya ni Leandro.
Kinabukasan ng umaga ay kasama na ni Paul ang dyanitor sa eroplano patungong Bacolod.
Susunduin ni Paul ang nagtampong asawa kasama ang kanilang dalawang anak na sina Darwin, anim na taon, at Cindy, tatlong taon gulang.

At itinanong ni Paul noong nasa eroplano na sila kung ano ang kanyang ginagawa sa tapat ng kanilang bahay. Ito ang paliwanag ni Leandro:

"Iyon po ay mini-nursery ng aming pook. Doon po iiwan ang mga bata ng mga ina na nagtatrabaho sa labas. May mga boluntaryo na nanay na mag-alaga sa mga bata. Marami po ang nasa listahan. Ako po ay kanilang karpintero. Kulang po kami ng kahoy at semento…"
Binata si Leandro kaya’t siya ang isinama ni Paul. Napakaganda ng pilosopiya ni Leandro! Humanga si Paul. Iniisip niyang magbigay ng kahoy at semento.

Ito ang pagpapatuloy ni Leandro:

"Sir, may pagsubok po sa itataas. Kapag tayo po ay tinanong ng Diyos kung ano ang ginawa natin sa kapwa ay may maisasagot po ba tayo?"

Naantig ang budhi ni Paul. Lagi siyang tinatawagan nito sa kanyang opisina. Nagpapasama si Vivian kung saan-saang casino.

Nagpapaligaya sila ni Vivian. Iyon ay hindi na natiis ni Monica, asawa ni Paul.

Iyong isang oras na paghihintay nila sa domestic airport at isang oras na biyahe ay parang nakatapos siya sa "Unibersidad ng Buhay."

Ang daming alam ni Leandro na isang book addict.

At lahat ay isinasagawa ni Leandro. Siya ang naglapit kay Paul sa Diyos.

Purihin ang Panginoon.

Thursday, August 10, 2006

Dalhin – susi sa langit

Bella Angeles-Abangan

Thy word is true, thy will is just; To thee we leave them, Lord, in trust And bless Thee for the love which gave Thy son to fill a human grove; That none might fear that world to see Whose lives they have prepared for Thee.

Iyan ay titik ng isang awit na pangsimbahan na matapat at makatarungan ang mga salita ng Diyos. At nagpapasalamat tayo sa Amang Panginoon. Ipagkakatiwala natin ang ating buhay at kaluluwa. Dahil sa Kanyang Anak ay mararating natin ang langit.

Iyong tiwala ay dapat samahan natin ng pagsasabuhay ng mga nilalaman ng Biblia.

Anumang laki ng ating hangarin na makarating sa langit ay hindi rin tayo makararating kung kulang ang ating paghahanda.

Narito ang magandang istorya na may mensahe na maaari nating ikuwento sa ating mga mahal sa buhay.

May tatlong magkakaibigan na narating na ang karurukan ng buhay.

Ito ay tunay na nangyari kina John Newton, Louis Weatherford and Samuel Preston sa New York.

Mayroon silang salapi, katungkulan at pangalan. Matagal na nilang binabalak na magbakasyon at magpasarap.

At sa wakas ay natuloy rin sila sa pagtungo sa lungsod ng New York. Magsasaya sila sa buong magdamag at ganoon din ang gagawin nila sa tatlong gabi at tatlong araw na sunud-sunod.

Sinabi nila sa tsuper mula sa airport ng taksi na dalhin sila sa pinakamalaking hotel.

Ang taksi nilang Silver Star ay dinala sila sa Central Hotel. At ang hiningi nila ay iyong first class na kuwarto.

Sa hotel na iyon na may 29 palapag ay matatagpuan ang mga first class room sa huling palapag.

Noong umuwi ng madaling-araw ang tatlong magkakaibigan ay pinapili sila ng manager ng hotel kung saan sila matutulog.

Napagkaisahan nila na piliin ang ika-29 palapag ‘pagkat naroon lahat ang kanilang mga maleta.

Pinagsabihan sila na sira ang elevator. Maaari silang matulog muna sa isang ordinaryon kuwarto sa second floor o akyatin ang ika 29 na palapag.

Noong una ay mabilis sila sa pag-akyat hanggang sa ikalimang palapag. Ngunit mula sa ika-anim hanggang ika-sampung palapag ay humihingal na sila ‘pagkat mahigit nang 60 taong gulang ang tatlong turista.

At sa palapag na ika-11 hanggang ika-20 ay usad-usad na ang ginawa ng tatlong magkakaibigan na pagod at gutom pa. Pagapang na ang pag-akyat nila na kung tawagin ito ng matatanda ay halos lawit na ang dila.

Mula sa 21 hanggang 29 ay panay ang kanilang hinga. At nang dumating sila sa pinto ng kanilang silid ay naghanapan sila ng susi. Naiwan pala nila ang susi sa main counter.

Ganyan din ang pagpunta sa langit kapag tayo ay hindi naghanda.

Dalangin, mithi ng kaluluwa

Bella Angeles-Abangan

"Lord, when my soul is weary and my heart is tired and sore. And I have that failing, feeling that I can’t take it anymore. Then let me know the freshening found in simple, childlike prayers, when the kneeling soul knows surely that a listening Lord is there."

Iyan ang dasal ni Ruth Bell Graham hinggil sa ating pagdalangin sa Kanya.

Ang panalangin ay mithi ng kaluluwa. Ito ay ibinubulong at kung minsan ay hindi masabi. Ito ay yumayanig sa dibdib.

May kahiwagaan ang dalangin. Kung ito ay taos at naroon na nagkasanib ang lakas ng pagnanais at init ay maririnig ng Panginoon. Ito ay dalangin ng puso.

Narito ang isang istorya tungkol sa isang dalaga, si Angie.

Tumutulong si Angie kay Mauring sa pagluluto at paghahanda ng pagkain para sa may limampung boarders.

Nagpahanda ang may-ari ng boarding house nang makapasa si Angie.

Isa siya sa ten topnotchers sa CPA. Sunud-sunod ang magandang kapalarang dumating sa dalaga, ang kanilang tagapagsilbi ng pagkain. Si Angie pa noon ang kanilang utusan kapag may ipabibili sila sa labas.

Si Angie ang pinakatahimik sa kanilang silid-aralan. Sa kanyang pagpasok ay may dala siyang rosaryo at maliit na Biblia.

Sa bakante niyang oras sa eskwelahan ay pupunta siya sa library at bago niya buksan ang libro ay isang mataimtim na dasal ang una niyang ginagawa.

Marami siyang masugid na manliligaw sa paaralan ngunit hindi niya pinapansin. At tuturuan pa niya ang mga binata na mag-aral muna sila at hingin ang gabay ng Diyos upang makahanap sila ng tunay nilang mamahalin.

Nakapasok si Angie sa isang malaking accounting firm. At may espesyal na pagtingin sa kanya ang binatang may-ari ng accounting firm.

At ang may-ari ng dormitoryo ang kinuha niyang ninang sa kasal pagkaraan ng tatlong taon. Kumbidado pa rin niya si Mauring ang matandang cook sa dormitoryo.

Nagbagong anyong lahat ang buhay ng pamilya ni Angie.

Naipagamot ni Angie ang kanyang ama na may sakit sa baga. Naikuha niya ng puwesto sa bigas sa loob ng palengke ang kanyang ina. At nakapag-aral muli ang tatlo niyang mga kapatid.

Iisa ang anting-anting ni Angie. Kausap niya bago matulog ang Panginoon. At muli niyang kinakausap ang Panginoon sa kanyang paggising. Iyon pala ang kanyang sekreto.

At biniyayaan siya ng Diyos ng napakabait na mister. At marami pang biyayang dumating sa kanya na hindi naman niya ipinagdadamot sa kapwa.

Ito ang sinulat ni James Montgomery:

"Prayer is the soul’s sincere desire. Unuttered or unexpressed. The motion of a bidden fire that trembles in the breast."

Wednesday, August 09, 2006

Pansamantala – materyal na bagay

Bella Angeles-Abangan

Mahilig sa kamunduhan? Salapi’y nagpapagalaw Pagsisisi’y hahantungan Nitong taong naliligaw.

Iyong mga taong hindi naturuan ng magulang noong bata pa na mahalaga ang ugali kaysa materyal na bagay ay kaawa-awa paglaki.

Iyong mga taong nakita ng mga anak sa magulang ang karamutan at katusuhan ay hindi magkakaroon ng magandang buhay.

Tuwing gabi bago tayo matulog ay magakakaroon tayo ng panahong mag-isip.

Saan ba patungo ang ating buhay? May naitago ba tayo na gagamitin sa ating paglalakbay sa kabilang buhay?

Narito ang unang kuwento hingggil sa tiyuhin na nangungutang ng pera sa tatlo niyang mga pamangkin na may mga asawa na.

Isang binata si Tonio at galing sa Cebu. Siya ay panganay sa tatlong magkakapatid. May limampung taong gulang si Tonio.

Kahit isa ay walang nagpautang ng limang libo kay Tonio maliban sa bunso. Umutang pa sa iba si Leon upang may maibigay lamang sa kanyang tiyo.

Noong bumalik si Tonio sa Maynila ay nakitira siya sa bunso, kay Leon. Nagpahanap agad siya ng abogado.

Ang totoo ay walang tagapagmana si Tonio. Ngayon ay tiyak na si Leon ang kanyang pagkakalooban ng mana.

Ganoon na lamang ang pagsisisi ng iba niyang pamangkin ‘pagkat hindi nila akalain na ang pinsan ng kanilang ama ay isang milyonaryo pala.

Samantala, narito ang isang Portuguese na nagtungo sa India unang makipagsapalaran.

Nagtagumpay si John sa India. Negosyo ang kanyang hinahawakan. May sarili siyang bapor pagkatapos ng dalawampung taon sa India.

Puno ang kanyang bapor ng mga bagay na materyal. Marami ring dalang pera si John.

Noon din ay nagdamit sira-sira si John. Una niyang ginawa ay nagtungo sa kanyang pinsan na may malaking bahay sa kanilang lalawigan.

“Inabot ako ng kahirapan sa India. Wala akong nadadala sa aking pagbabalik. Maaari bang makitira sa inyo.”

Noon din ay umasim ang mukha ng kanyang pinsan. Nag-dahilan ito na wala siyang bakanteng silid na maiibigay kay John.

Sa maghapon iyon ay nakapunta si John sa may dalawampung bahay ngunit kahit isa ay walang tumanggap sa kanya pagkat sira-sira ang suot.

Kinabukasan, ay suot prinsipe na si John. Kasunod niya ay mga katulong at bodyguard. Nakahimpil ang bapor niya sa piyer ng Lisbon. Kinagabihan ay nagbayaran sila ng may-ari ng mansion sa may plasa.

Ganoon na lamang ang pagsisisi ng mga nilapitan ni John. Hindi nila akalain na sinubok lamang sila ni John.

Napatunayan ni John na sa kanyang mga kamag-anak ay mahalaga ang salapi hindi ang pag-uugali.

Thursday, August 03, 2006

Wastong direksyon sa buhay

Bella Angeles-Abangan

Out of our beliefs are born deeds, Out of our deeds we form habits, grow our character; and on our character we build destination.

Ang awtor ng nasa itaas na tula ay si Henry Hancock. Ipinaliwanag niya nang dahil sa ating mga paniniwala ay susunod na ang ating aksiyon.

Mula sa aksiyon kapag lagi itong ginagawa ay nauuwi na rin ito sa habit o ugali. Mula sa pag-uugali ay nabubuo ang ating destinasyon sa bahay o destiny.

Narito ang tatlong Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan sa Araw-araw na Pamumuhay:

1. Three things to govern;
Tamper, Tongue and Conduct

2. Three things to cultivate;
Courage, Affection and Gentleness;

3.Three things to commend;
Thrifty, Industry, and Promptness

4. Three things to despise;
Cruelty, Arrogance and Ingratitude;

5. Three things to wiser for;
Health, Friends and Contentment

6. Three things to admire;
Dignity, Gracefullness and Intellect;

7. Three things to aspire
Good Death, Preparedness to Death and – Heaven

8. Three things to Give;
Alms to the needy, Comfort to the sick and Love – and served to God.

Iyan ang tatluhang “Kredo ng Buhay.” Kailangang maging seryoso tayo sa ating buhay. Iyong laman ng ating isip ay laging naka-ugnay sa Diyos. Narito ang kuwento ng dalawang dalaga na alaga ay mga pangaral ng kanilang lola.

Mula nang isilang si Charie ay itinabi na siya ng kanyang Lola Miding. Nang sundan si Charie ay itinabi rin ito sa kaniyang Lola dahil maysakit ang kanilang ina na pulmonya.

Pagkaraan ng limang linggo ay namatay ang kanilang ina. Inihasik ng matanda ang tatluhang kredo sa dalawang dalaga. Malalim ang kahulugan ng bawat salitang nabanggit.

Si Gracia ang sumunod kay Charie. Iba ang ugali nito kaysa kay Charie.

Magkaiba ang ugali ni Gracia mahilig siya sa sosyalan, madali siyang makipagkaibigan.

Dumaan pa ang ilang taon tapos na si Charie may boyfriend siya, si Bong.

Isang hapon ay natagpuan ni Charie na dinala siya ni Bong sa isang motel.

May sinabi dito ang kanyang lola. “Makipag digmaan ka at ipagtanggol mo ang iyong puri.”

Naroon na si Bong sa loob ng first class motel na iyon, naka brief na lang si Bong at naka ngiti ito sa kanya. Ito ang tugon ni Charie:

Nagpakamatay ang aking kapatid na si Gracia, pagkat niloko siya ni Dexter. Papatayin ko muna ikaw kapag nagpilit ka, tandaan mo ako na lamang ang pag-asa ng aking lola, subukan mong magkamali at dead ball ka. Hindi ako natatakot maging kriminal sa pagtatanggol sa aking puri.....”

“Sige Charie may katuwiran ka. Magbihis lamang ako sandali...” Iyan ang huling pakikipag-usap, ni Charie kay – Bong. Ang baba pala ng pag-katao ni Bong. Walang Diyos sa puso.