Bugsfely

Sunday, March 26, 2006

Labis na ambisyon masama

by Bella Angeles Abangan

"A selfish ambition is a fatal guide, and will surely wreck the happiness of those who follow it. It will rob one of all that it is dearest and sweetest in life. It will murder his enjoyment as he goes along by holding up alluring pictures of the future, which will never become realities. Oh, what a fatal price men have paid for the mad following of this greedy ambition! What tragedies have followed it!"

Ang talata ay sinulat ni Dr. Sidney N. Bremer. Ang paliwanag niya ay ang masakim na ambisyon ay nakakatakot na gabay. Tiyak na nakasisira ito ng kaligayahan ng mga mahal sa buhay. Nakawawala ito ng tamis ng buhay. Sa kanyang pangarap ay tiyak na mawawala ang kasiyahan. Ang pangarap ay malimit hindi maging isang makatotohanan. Ang sumusunod at nagiging wakas ay trahedya.

Ang taong nasisiyahan na sa kanilang mga nakamit sa buhay ay hindi na nangangarap na magkaroon pa ng higit na yaman na pagkat ang bayad dito ay dusa, dusa at dusa.

Narito ang isang istorya hinggil sa isang ina na hindi nasisiyahan sa intrega ng kanyang mister, si David.

Ibig niyang magkaroon ng mga appliances. Nagkaroon na sila ng bahay at lupa ay kulang na kulang pa iyon kay Cecilia.

Nais niyang makabili sila ng VHS tulad ng kanyang mga kumadre at kapitabahy. Nais niyang palakihan ang kanilang bahay upang magkaroon ng sariling silid ang kanyang apat na mga anak. Ibig niyang pag-aralin sa malaking unibersidad ang kanilang mga anak na nasa haiskul pa.

Hindi pumayag si David na umalis pa ang kanyang asawa ngunit mapilit ito. Nalaman niya na kumpleto na ang visa at ticket nito sa eroplano. Kung saan at kanino siya nangutang ay tanging siya lamang ang nakakaalam.

Magtutungo si Cecilia sa Saudi upang magtrabaho. Siya ay direct hiring pagkat nagtungo sa Pilipinas ang among Arabyano na kanyang pinsan. Ang trabaho roon ay maging yaya siya ng Arabyanong nag-interbyu sa kanya.

Noong bisperas ng kanyang pagsakay sa eroplano ay dumating ang malagim na balita na ang pinsan ni Cecilia na umaakit sa kanya na magtungo roon ay namatay. Ito raw ay nagpakamatay. Lihim na ibinabalita ni Lita kay Cecilia, naghatid ng bangkay, ang pagkamatay ni Ana.

Hindi kumikibo si David sa kanilang bahay. May tatlo siyang tricycle na ang kita ay kanilang paggastos araw-araw.

Talagang hiningi ni David sa Diyos na harangan ng Panginoon ang pag-alis ni Cecilia. Ang pagiging ambisyosa niya ay bigla na lang nawala nang malaman niya na isang malamig na bangkay na ang kanyang ambisyosang pinsan.

Wednesday, March 22, 2006

Mumunting kabutihan

by Bella Angeles Abangan

“The best portion of a good man’s life, his little nameless,unremembered acts of kindness and love.”

Ang sumulat niyan ay si William Wordsworth. Ang paliwanag diyan ay napakahalaga ng ginagawa nating mumunting kabutihan sa kapwa. Aanihin natin iyan balang araw.

Natutuwa ang Panginoon na makakita ng isang bata na maliit pa ay marunong nang magmahal at tumulong.

Maghapong naiiwan si Pepe sa pook ng mga iskuwater. Ang pitong taong bata ay hindi nag-aaral dahilan sa kanilang kahirapan.

Isang labandera si Zaning. Siya ay isang single parent. Tuwing gabi habang nagsasalo sila sa pagkain ng hapunan kinukuwentuhan niya si Pepe ng magagandang istorya na puno ng kagandahang-asal.

Naging panata na ng batang ito na tumutulong nang tumutulong. Iyan ang payo ng kanyang ina.

Tulog pa si Pepe kung umalis si Zaning. Iniiwan niya ang almusal ni Pepe sa munti nilang hapag. Madilim pa ay nagtutungo na si Zaning sa bahay ng kanyang kaibigan sa Paco upang maglaba.

Sa umaga, sa halip na maglaro, ay tumutulong na si Pepe sa mga matatanda na nakatira sa pook na iyon ng mga iskuwater.

Ang mga matatanda na naiiwan sa munti nilang barung-barong ay iniigib ni Pepe ng tubig. Pinupuno niya ang kanilang banga.

Kinatutuwaan si Pepe sa kanilang lugar. Ang tawag sa kanya ay munting Samaritano.
Kahit pitong gulang si Pepe ay marunong na siyang magsaing. Ipinagsasaing o ipinaglulugaw niya ang isang matandang lalaki na lumpo.

Ang turing niya sa kanya nito ay apo. Tuwing Sabado ay pinaliliguan si Tata Mar ni Pepe. Napamahal na si Pepe sa matanda.

Sa tanghali ay doon na siya nagtatanghalian. Nagluluto ang anak ng matanda ng masarap na ulam bago ito umalis.

Isang gabi ay tumapat doon ang isang magarang kotse. Kinuha ang mag-ama ng babaing dumating. Kinandaduhan ang kanilang bahay. Mula noon ay hindi na nakita ni Pepe ang kanyang itinuturing na lolo.

Linggo ng umaga noon. Pagkaraan ng isang buwan, dumating muli ang pulang kotse. Kinausap ng matandang babae ang ina ni Pepe. Ipinagtapat ng panauhin na kanyang nawawalang ama si Tata Mar. Laging malungkot daw ang matanda. Lagi niyang hinahanap si Pepe, ang munting Samaritano na matagal ding naglilingkod sa matanda.

Inampon sila ng mahiwagang babae. Matagal bago pumayag si Zaning. Napuna rin ni Zaning na hinahanap-hanap ng kanyang anak ang itinuturing niyang lolo. Ang matanda ang nag-akay kay Pepe sa Panginoon. Maraming aral ang ikinuwento ni Tata Mar sa bata.

Tunay na nagbubunga ang mumunting buti ng ating ginagawa.

Monday, March 20, 2006

May mga amang dakila

by Bella Angeles Abangan

You need someone to stand beside you, Dad is near,

When you need someone to hear your troubles, he will hear,

When you need someone to share your burden, he will share

When you need to know that someone cares, Dad is there.



Iyan ang “So Many Ways of Living” by Karen Kavor. Ipinaliwanag niya na sa iba’t ibang paraan naipadarama ng ama ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak.

Kung ang ina ay ilaw ng tahanan, ang ama ay haligi. Siya ang matibay na timbulan o salbabida ng kanyang mga supling. Ikinaliligaya niya na ipagkaloob ang kanyang pangalan sa kanyang mga anak. Magpa-pakasakit ang ama alang-alang sa magandang bukas ng kanyang mga anak.

May ama na kahit anong hirap ng trabaho, maulanan at maarawan, kanyang tinatanggap maigapang lamang niya sa pag-aaral ang kanyang mga anak.

May nagkuwento sa akin na ang kanilang kapitbahay na isang iskuwater ay ibinuwis ang sariling dugo upang makapagbayad lamang ng matrikula ang kanyang bunso.

May ama na dalawa ang trabaho ang pinapasukan upang may maibigay siyang pamasahe sa tatlong anak na nasa kolehiyo.

May ama na umuutang nang “five six” na patubuan upang may magastos ang anak na pinag-aaral sa Maynila.

Ito ang sinulat ni Gale Baker Stanten: “Home is build on dreams of the future memories of the past and the ever present strength of a father’s love.”

Kapag mahigpit ang ina ay sa ama lumalapit ang anak sapagkat naroon ang kanyang nakabukas na puso.

Katulad ng ina, mapaghanap ng pagmamahal ang ama kapag siya ay matanda na.
Mapapansin natin na malimit na wala siyang kibo at wari’y pinakikiramdaman kung mahal pa rin siya ng kanyang mga supling na may pakpak pa.

Ang ating pag-akbay, pagmano, paghalik sa kanyang pisngi o noo, mga yakap at mga dantay ng ating kamay ay tanda na hindi tayo nakalilimot. Noon siya ang gabay pagka’t wala tayong bagwis; ngayon tayo naman ang kanyang tungkod pagka’t mahina na ang kanyang tuhod.

Noong tayo’y bata pa ay naroon ang ating ama abalang-abala sa paghahanapbuhay upang tayo’y kanyang maitaguyod, parati siyang pagod na pagod.

Ang mga amang nasa ibang bansa upang kumita ng dolyar ay may pangarap na itaguyod ang mga anak sa kolehiyo. Narating nila ang hindi nila narating. Bukod sa mahirap ang trabaho ay naghihintay at nangungulila ang kanilang puso pagka’t malayo sa kanilang mga mahal. At narito ang tanong: Sumusulat bang malimit ang mga anak? O tanggap na lamang nang tanggap ng allowance?

Sunday, March 19, 2006

Walang kabayarang pagtulong

by Bella Angeles Abangan

When I was homeless, you opened your doors,

When I was naked, you gave me your coat,

When I was weary, you helped me find rest,

When I was anxious, you calmed all my fears,

When I was little, you taught me to read,

When I was lonely, you gave me your love,

When I was in prison, you came to my cell,

When on sick bed, you cared for my needs,

In a strange country, you made me at home,

Seeking employment, you found me a job,

Hurt in a battle, you bound up my wounds,

Searching for kindness, you held out your hand.


Iyong pagtulong natin na hindi naghihintay ng ganti ang pinakadakila sa mata ng Panginoon.

May kasabihan na maganda na kapag tayo ay nagtanim ng buti ay aanihin natin iyan sa oras ng ating kagipitan. Ibang tao naman ang maglalahad ng kanyang kamay. Siya ay padala ng Diyos.

Narito ang isang istorya ng isang may-edad na lalaki. Siya ay isang dakilang pilantropo.

Marami siyang tinutulungan na estudyanteng mahihirap. Ngunit hindi siya nagpapakilala na sa kanya galing ang pera. Ang puno ng ospital ang namamahal niyon.

Isang araw ang pilantropong ito ay naglalakad pauwi sa kanyang bahay pagkat hindi pumasok ang kanyang tsuper.

Hindi akalain ni Oberlin, dakilang pilantropong Aleman na sasamang bigla ang panahon.

Lumakas ang ulan ng yelo. Wala siyang nadalang sasakyan. Dahil sa tindi ng lamig ay namanhid ang buo niyang katawan.

Ang kapal ng yelo o snow sa daan. Hindi na rin maihakbang ni Oberlin ang kanyang mga paa.

Natabunan na siya ng makapal na yelo. Sumigaw siya ng malakas. Kinausap na rin niya ang kanyang sarili na maghihintay na lamang siya ng kanyang kamatayan.

Narinig ng isang magbubukid na titingnan ang mga alaga niyang manok sa kulungan. Hinanap niya ang pinangalingan ng sigaw.

Nakita niya ang sumbrero na nakalubog sa yelo. Nakapikit si Oberlin pagkat mahinang-mahina na siya noong mga sandaling iyon.

Kinarga si Oberlin ng magbubukid at dinala niya sa kanyang munting bahay.

Doon ay pinagtulungan ng mag-asawa na bigyan ng init ang katawang parang yelo ni Oberlin.

Nang gumaling na si Oberlin ay tinanong niya ang mag-asawa kung magkano ang kanyang maitutulong na pera ngunit sila ay ngumiti at ang wika.

"Padala kami ng Diyos sa iyo…"

Napaluha si Oberlin at lalong lumakas ang kanyang pananalig sa Diyos.

Wednesday, March 08, 2006

Pagkatao ay hubugin

by Bella Angeles Abangan

Character is the grandest thing man can live for;

It is to have worth of soul, wealth of heart,

Diamond-dust of mind. He who has this aim lives to be

What he ought to be, and to do what duty requires.

The truth, sublime in its simplicity and powerful in

Its beauty, is the highest lesson of spiritual attitude,

The first that youth should learn, and the last that

Age should forget. It is good character.


Ang pagkakaroon ng wastong pag-uugali ang pinakamataas na dapat maging ambisyon ng tao sang-ayon sa isang paham.

Kung walang magandang kaasalan ay parang hayop ang katulad. Hindi marunong makipagkapwa.

Ang mabait na tao ay may Diyos sa puso anuman ang kanyang relihiyon. Ang tanging yaman ng isang tao ay ang maganda niyang pag-uugali.


Narito ang isang istorya ng isang mag-anak. Halos himatayin si Lea nang siya ay mabiyuda sa edad na 29 taong gulang.

May naiwan sa kanya si Carlo na apat na mga anak. Mga utang na naiwan pa rin ng kanyang asawa. Ibinayad ito sa gamot, sa doktor at sa ospital gayong hindi na gumaling si Carlo.

Pagkatapos ng libing ay inaliw ng apat na bata ang kanilang ina. Ang mga anak nila ay sagana sa kuwentuhang may aral kay Carlo. Sila ay lumaki sa magandang paghubog pagka’t isang maestro si Carlo.

Naroon si Hazel ang panganay, nasa haiskul si Cardo, nasa intermedya si Lisbeth at si Rolly ay nasa primarya.

Ang apat na iyon ang nag-alis ng bara sa puso ni Shirley.

“Huwag na po kayong umiyak Mommy. Narito pa rin kami na nagmamahal sa iyo. Mag-aaral po kaming mabuti upang maging iskolar kami tulad ni Tito Cio. At saka makikita rin natin si Papa, hindi ba sabi niya una-una lamang tayo sa langit?”

Noon ang paniwala ni Lea na ang pangunahing layunin ng magulang ay ang pag-hubog ng ugali ng mga bata sapagkat mahirap nang hatakin kung sila ay malalaki na.

Pagkaraan ng maraming taon ay may kanya-kanyang sorpresa ang apat na mga anak ni Lea na tapos na sa pag-aaral.

Matagal nang huminto ng pananahi si Lea mula nang makapagtrabaho ang kanyang panganay.

Isang gabi ay nagpulong ang mga mag-iina. Katatapos lamang nila noon na maghapunan.

Iyon ang pinakaseryosong diyalogo sa buhay ng mag-iina.

Inilabas ng panganay ang titulo ng bayad na bahay at lote. Lilipat na sila kinabukasan. Hindi makapaniwala si Lea. Nakakuha na ng truck si Hazel, ang panganay.

Matagal ding panahon sila na umupa sa apartment na iyon.

Lumuluha sa galak ang puso ni Lea. Nalimutan na niya ang petsang iyon. Tunay na yaman ang ipinamana sa kanya ni Carlo sa pamamagitan ng apat nilang supling na mga uliran.

Sunday, March 05, 2006

Langit ang tunay na tahanan

by Bella Angeles Abangan

"We are in this life as if we were in another man’s house. Heaven is our home, in this world is our Inn. Do not so entertain yourself in the Inn of this world for a day as to have your mind with a drawn from longing after your true Heavenly Home.

Sa ating kinalalagyan ngayon, iyan ay tinatawag natin na Tuluyan. Hindi ito permanente. May hangganan din ito. Pagdating ng panahon ay magsasabi rin tayo ng "Paalam."

Narito ang istorya ni Aling Monica. Sa pook na iyon ay siya ang pinakamayaman.

Nag-click ang kanyang negosyo na gas station na walang lugi at bigasan sa loob ng palengke. Ngunit ang walang tigil na entrega ay ang kanyang dalawampung tricycle na de motor at kanyang matagumpay na bahay-sanglaan. Ang mga katiwala niya ay kanyang mga kaibigan.

Ang punong katiwala ay si Meding, bukas-palad sa mahihirap. Marami siyang pinag-aaral na mga pamangkin. Marami siyang kapitbahay na binibigyan ng baon. Walang natitira sa kanyang sahod.

Nagagalit si Aling Monica sa pagiging palabigay nito sa walang-wala.

Dalawa ang anak ni Aling Monica sa kolehiyo na magtatapos ngayong Abril. Kapwa graduating sina Celine, sa Medisina, at Henry, sa Business Management.

Isang gabi ay sinamahan ni Henry ang kapatid na dumalo sa kaarawan ng best friend nito, si Fanny.

Sa party na iyon ay nakainom ng kaunti si Henry. Noong pauwi na sila ay nabangga ang sasakyan nila ng truck na pauwi na noon. Antok na antok ang matandang tsuper.

Patay pareho ang magkapatid. Isang linggo si Aling Monica sa ospital.

Hindi siya pinayagan ng doktor na makipaglibing. Mahina ang kanyang puso. Bumalik ang sakit nitong angina pectoris.

Si Meding ang gumalaw sa lahat. Alam na alam nito ang pamamahala maging sa negosyo.

Paulit-ulit na sinasabi ni Aling Monica kay Meding:

"Kung bakit pa siya maghihirap sa negosyo gayong wala namang anak siyang pamamanahan."

"Bakit sila kinuha ng Diyos? Hindi na ako naniniwala sa Diyos. Aliwin mo ako Meding. Umalis tayo ng bahay araw-araw. Sasama ako sa iyo kahit saan. Maluluka ako sa loob ng bahay."

Isinama ni Meding si Aling Monica sa pook ng mga iskuwater. May dala si Meding na mga tinapay. Pagkatapos niyang pakainin at bigyan ng juice ay nagtuturo si Meding ng simpleng katekismo sa mga batang pawang nasa elementarya.

Itinuro ni Meding sa loob ng kapilya ang tungkol sa Diyos. "Bakit dapat tayong magdasal? Bakit dapat natin busigin ang ating kaluluwa? Iyan lamang ang madadala natin sa langit."

Noong pauwi na sila ay ipinagtapat ni Meding na sinasamahan siya ng dalawang anak ni Aling Monica kapag ang kanilang mama ay nasa madyungan. "Marami po silang dalang mga lumang damit, mga de lata at bigas na pawang kinukuha nila sa inyong bodega."

"Napakabuti mo Meding. Naakay mo sila patungong kabutihan. Itinuro mo sa kanila ang daan patungong Langit. Ipagpatuloy natin ang lihim na gingagawa ng aking mga anak." Luha ng tuwa ang tumutulo sa mga mata ni Aling Monica.

"May baon pala ang aking mga anak. Salamat sa Panginoon."

Thursday, March 02, 2006

Magbago ka

by Bella Angeles Abangan

“The greatest virtue of man in his ability to correct his mistakes and continually to make a new man of himself.”


Ang sumulat niyan ay isang paham na Intsik, si Wan Yang-Ming.


Narito ang isang magandang kuwento ng isang operation manager sa isang malaking kompanya.


Isang gabi ay nanaginip si Jayson na nagbilin ang kanyang ina pagka’t malubha noon. At dinig na dinig niya ang payo sa kanya:


“Anak may panahon pa upang ikaw ay magbago.”


May isang taon ng nagtampo ang kanyang ina sa kanya. Noong dumalaw ito sa kanya ay nagsumbong ang kanyang asawa, si John at sinabi na pinatulan niya itong batang-batang biyuda sa kanilang opisina.


Noong sagutin niya nang di-maganda ang kanyang ina ay hindi man lang siya nakahingi ng tawad. Noong umagang iyon ay sumakay siya sa eroplano patungong Bacolod.


Mabilisan ang kanyang pag-alis. Isang liham ang ipinadala ni Jayson sa tsuper para sa kanyang boss na hihingi siya ng isang linggong bakasyon.


Napilitan siyang mag-eroplano nang hindi niya matawagan sa long distance ang kanyang ina.


Dumating siya sa kanilang bahay na nagkakagulo. Dadalhin ang kanyang ina sa ospital. Umilit ang kanyang sakit sa puso.


Nahihirapan huminga ang kanyang ina.


Ito ang binulong niya sa kanyang ina noong sila ay nasa loob ng sasakyan.


Magkahawak-hawak ang mag-ina.


“Inay, good boy na po ako ngayon.”


“Salamat anak. Gagaling na ako. Nakita na kita at gagaya ka na sa iyong ulirang ama. Salamat sa Poon.”


Nagunita niya na kaya siya nakatapos ng kursong Accounting ay sa dahilang namasukang katulong ang kanyang ina sa bayan. Noong siya’y umuwi upang humingi ng allowance ay nakita niyang ga-bundok ang labahan nito. Sira noon ang washing machine.


Mula noon ay nag-aral siyang mabuti. Dahil mahal na mahal niya ang kanyang ina ay hindi muna ito nag-aral.


Nang gumaling na ang kanyang ina ay kasama na ito sa pagluwas ng Maynila.

Wednesday, March 01, 2006

Matamis ang bunga ng pagtitimpi

by Bella Angeles Abangan

"Temperature, that virtue without pride,

And fortune every envy, that gives vigor of

Frame and tranquality of mind; The best

Guardian of youth and support of old age,

Physician of the soul as well as the body,

The tutelar goddess of health, and universal

Medicine of life."

Iyon ay simula ni Sir William Temple at ayon sa kanya ay isang kagandahang-asal na walang amor propio, walang inggit, nagbibigay ng lakas at kapayapaan ng isip. Ito ay tunay na bantay ng sarili upang bumata, suporta sa kantandaan, bantayan sa katwiran at pananalig, manggagamot ng kaluluwa at katawan, guro ng kalusugan at pandaigdig ng gamot ng buhay.

Narito ang isang istorya tungkol sa isang biyuda na batang babae at "naghahanap pa."

Kamakailan lang namatay sa sakit sa puso ang kanyang asawa. Sila ay may-ari ng isang subdivision na nasa pangalan ng biyuda-Angel Homes.

May naiwang Town Homes na ginagawa ang mister ni Angela noon ito’y mamatay.

Napakalaking dagok kay Angela ang pagkamatay ni Ryan sa kanyang buhay. Wala siyang kaalam-alam sa pasikut-sikut ng konstraksyon ng kanyang mister.

Noong una kay Israel, tsuper ni Angela, inilabas niya ang kanyang pamimighati at mga sama ng loob. Iyong kuya Modesto ni Angela ang humawak ng mga project na ginagawa.

Magkasama sa bangko sina Israel at Angela sa pagdeposito at pag-withdraw ng pera sa bangko.

May pamilya si Israel at iisa ang kanilang anak, si Brian tatlong taong gulang. Maraming binibiling laruan si Angela kapag bumili siya para sa kanyang limang mga anak ay kasama na si Brian.

Noong dakong huli ay isinasama na niyang lagi ang kanyang tsuper, si Israel. Ibinibili niya ito ng mga damit na pamporma.

Lalong dumami ang mga project nina Angela at kuya Modesto. Nagdagdag sila ng mga tauhan. Lalong maraming pera ang mga dumarating. Laging sinasabi ni Angela na maswerte sa buhay niya si Israel.

Darang-darang na si Israel. Malimit gabihin sila lalo na kung sila’y nasa Baguio. Magkabilang kuwarto ang kanilang silid. Ngunit panay ang iwas ni Israel kay Angela.

At isang araw noong kumatok isang hatinggabi si Angela sa kuwarto ni Israel sa tabi ng garahe ay wala na si Israel. Isang liham ang iniwan ni Israel sa ibabaw ng kanyang unan.

Iyon ang liham ng isang ulirang ama at dakilang asawa.

Iyong kuwarto para sa tsuper ay pinaganda ni Angela. Ito ay pinapintahan. Nilagyan ng linoleum, radio cassette, bagong aparador ng damit at may munting mesa at silya.

Sang-ayon sa maikli at simpleng liham ni Israel ay umiiwas sa tukso ito. Tatanggapin niya ang ibinibigay ng kanyang ama.

Isang puwesto ng bigas at munting grocery sa palengke ng Davao City. Nagpasalamat si Israel at kanyang pinangaralan si Angela. Ang kapayapaan ng buhay.

Ang magpakalabis o magpakasira sa luho ng buhay, at magpakasarap pawang luha ang aanihin.